PAANO AYUSIN ANG BUHAY UPANG MAPANATILING MALAKAS SA PANANAMPALATAYA?

Тәжірибелік нұсқаулар және стиль

PAGSASAAYOS NG ATING BUHAY
lesson 7
Isaias 40:31 "Ngunit muling lumalakas at sumisigla ang nagtitiwala kay Yahweh. Lilipad silang tulad ng mga agila. Sila'y tatakbo ngunit hindi mapapagod, sila'y lalakad ngunit hindi manghihina.
PAANO AYUSIN ANG BUHAY UPANG MAPANATILING MALAKAS SA PANANAMPALATAYA?
7 GABAY....UPANG MAPANATILING MALAKAS SA PANANAMPALATAYA:
1. PALAGING MAGTIWALA SA DIYOS.
Kahit may trabaho ka, may negusyo ka, may sahod ka, siguraduhing sa Diyos kapa rin umasa o magtiwala... Dahil Minsan ang material na bagay ay humihila ng attention, para magtiwala Dito... Huwag magtiwala sa Sarili, sa Diyos lang ibigay ang buong tiwala sa pagpapatakbo ng ating Buhay ..
Pag buong puso ang pagtitiwala natin sa Diyos, sinusuklian ito ng Diyos ng kalakasan Sa pananampalataya...
Sila'y tatakbo ngunit hindi mapapagod, sila'y lalakad ngunit hindi manghihina.
2. LAGING NAKA TUNE IN SA SALITA NG DIYOS..
Ibig Sabihin, dapat may bible reading ka, nakikinig ka, may devotion ka, sa Araw Araw may inilaan ka na oras, kahit Hindi paripariho Ang Oras Ang mahalaga, sa bawat Araw ay may nakukuha Kang aral Mula sa Diyos...
Ang Puno na nasa tabing ilog o batis, dumating man Ang tag init, Hindi Siya malalagas dahil nakakasipsip ng tubig Ang kanyang mga ugat.. kaya siyay lagging malakas, at masiglang Puno ..Dapat ganito Rin Tayo sa Diyos, Dapat lagi tayong tune in sa kanya...
3. IBABA ANG PRIDE AT MAKINIG SA SPIRITUAL LEADER MO
Pag iniisip mo na mas matalino kapa, at Marami Kang alam kaysa spiritual leader mo, segurado Hindi ka mag mamature, at Hindi ka makikinig, SA preaching, sa MGA advices, sa itinuturong vision, Because of pride...Tandaan mo na Diyos Ang nag talaga niyan, at dumadaloy Ang authority Mula sa Diyos... Kapag nakinig ka SA spiritual leader mo, seguradong lalakas ang pananampalataya mo sa Panginoon..
Mga Taga-Efeso 4:11-13
4. HUWAG MAG ABSENT DAPAT LAGING PRESENT SA PAGTITIPON.
Paglagi Kang absent SA church, Hindi ka Maka relate, maraming lesson at preaching ang nalampasan mo at di mo na mapakinggan... Malaking tulong na sana Ang MGA aral na iyon, sa iyong kalakasan spiritual...
At paglagi Kang absent, di Mo alam kung ano nang magagandang bagay ang nang yayari sa church, at di ka makakilos ng maayos, di ka makatawa ng maayos, gusto mong nakaupo kalang sa Isang sulok, dahil nga nahihiya ka dahil ang Dami mong absent... At nakakasira ito sa pananampalataya at sigla mo sa Panginoon.. Kaya may mababasa Tayong, (HEBREO 10:25, at Awit 133:1)
5. IPAHINGA ANG KATAWAN.
Minsan, ang panghihina, katamaran, panglupaypay na katawan, Hindi masiglang katawan, nakakatamad kumilos o mag trabaho, ay bunga o resulta lamang ito ng pagod, over patigue, at pagpupuyat...
Makaka apekto ito sa ating pananampalataya o kasiglahan sa Panginoon, kaya nakapagsabi kang, tinatamad Kang manalangin, magbasa Ng bible, dumlo, makilahok, sapagkat, mahina katawan mo, inaantok ka SA preaching, tulala, parang Wala sa Sarili...ahil ito sa ating Mahinang katawan, dahil sa subrang pagod at pagpupuyat...
Ang dapat Gawin ay, magpahinga, matulog ng Maaga, bumawi ng tulog, pra maging fresh uli, at bumalik ang ating sigla...
6. HUWAG MAMUHAY SA PAGKAKASALA, KUNDI MAMUHAY SA KABANALAN.
Alam mo kapatid, kasalanan at ang mga nagawa mong kasalanan ang sumusira, sa kasiglahan mo sa Panginoon, iniisip mo Wala Kang mukhang ihaharap, na gi guilty ka, ayaw mong magpakita, ayaw mong magparticilate, dahil iniisip mong Hindi ka karapatdapat, at kapag namuhay at nanatili ka sa pagkakasala, siguradong sisirain o wawasakin nito ang kasiglahan mo sa Panginoon...
Ang mabuting Gawin ay putulin na, huwag ipagpatuloy Ang habitual sin, sumuko sa Panginoon, at mamuhay Ng may kabanalan, sigurado mapapanatili ang kalakasan sa pananampalataya...
7. LAGING HUMINGI NG LAKAS SA BANAL NA ESPIRITU.
#Ang Banal na Espiritu ay Kilala bilang lakas, o nagbibigay ng lakas, sa pananampalataya, sa pangangaral, sa panamalangin, sa pagsagot, at sa paglilingkod..
#Kaya mamuhay Tayo sa patnubay ng Espiritu Santo, at laging manalangin, na dalhin at patnubayan ka Lago sa anumang Plano, at pagpasyahan...
Mga Gawa 1:8 "Subalit tatanggap kayo ng kapangyarihan pagbaba sa inyo ng Espiritu Santo, at kayo'y magiging mga saksi ko sa Jerusalem, sa buong Judea at sa Samaria, at hanggang sa dulo ng daigdig.”
Conclusion:
Mga kapatid, isa ka ba da mga nakaranas manghina sa pananampaladaya, ang mawalan ng GANA sa paglilingkod, iBang senyales Nayan Kapatid, huwag mong hayaang ganyan at magtuloy ang nararamdaman mo, dahil ito ang paboritong mission ng Diablo, baka masilip ka o Malaman ka niyang nasa panghihina ka...ayusin mo agad ito, ang pitong gabay na ating napag aralan Ngayon ay malaking tulong para mapanatili natin Ang ating sigla at lakas sa pananampalataya...

Пікірлер: 17

  • @anitaparagas2854
    @anitaparagas28545 ай бұрын

    Amen

  • @neicyaustria1380
    @neicyaustria1380Ай бұрын

    Good morning po Pastor No.6-24-26 God nless 🙏❤️

  • @carolparojinog8887
    @carolparojinog88873 ай бұрын

    Good morning Pastor

  • @janeerikapresto2751
    @janeerikapresto2751 Жыл бұрын

    Amen po🙏

  • @jhunstv6796
    @jhunstv6796 Жыл бұрын

    New subscriber brother..

  • @user-mi6dw8cz6q
    @user-mi6dw8cz6q Жыл бұрын

    Salamat din sayo dhil sa iyong pamahagi ng salita ng panginoong Diyos ama ntin.

  • @janeerikapresto2751
    @janeerikapresto2751 Жыл бұрын

    Salamat po

  • @janeerikapresto2751
    @janeerikapresto2751 Жыл бұрын

    Amen🙏

  • @jovitatacpan1819
    @jovitatacpan1819 Жыл бұрын

    Emen

  • @litamalapajo8686
    @litamalapajo86863 ай бұрын

    Salamat po Pastor sa minsahe tongkol sa salita ng Dios.. GodBless po..

  • @Arcillas791

    @Arcillas791

    3 ай бұрын

    Amen po...

  • @anitaparagas2854
    @anitaparagas28545 ай бұрын

    Totoo talaga yon sinasabi mo lalo na yon 7,,,

  • @Arcillas791

    @Arcillas791

    5 ай бұрын

    Amen...

  • @ramsylexgarcia8234
    @ramsylexgarcia8234 Жыл бұрын

    Amen❤❤❤

  • @janeerikapresto2751
    @janeerikapresto2751 Жыл бұрын

    Amen

  • @rachelmedilo9717
    @rachelmedilo9717 Жыл бұрын

    Amen

  • @roma-1213
    @roma-1213 Жыл бұрын

    Amen

Келесі