KUNG NAKARAMDAM KA NA PARANG WALANG NAKIKINIG SA MGA PANGANGARAL MO SA SALITA NG DIYOS.

Тәжірибелік нұсқаулар және стиль

#devotion
#motivation
#christianbible
#Discipleship
#Nakikinig
GOD'S WORD FOR TODAY
Day 6
KUNG NAKARAMDAM KA NA PARANG WALANG NAKIKINIG SA MGA PANGANGARAL MO SA SALITA NG DIYOS...
● Kapag tayo ay ligtas, kapag tayo ay tinawag ng Panginoon, kapag naunawaan natin ang vision ng Panginoon, kapag tunay na connected tayo sa church ng Panginoon... Hindi tayo matatahimik na ibahagi ang salita ng Diyos...
● Ang Pangangaral sa salita ng Diyos ay hindi lang puro sa labas o sa mga unbelievers, kundi sa loob ng Church upang ma preserve, ma train at lumago, mayroon tayong mentoring, training, discipleship.... Ngunit paano kung walang nakikinig, paano kung walang nagpaparticipate, paano kung pinakinggan kalang pero wala namang planong ma involve sa gawain?
KUNG NAKARAMDAM KA NA PARANG WALANG NAKIKINIG SA MGA PANGANGARAL MO SA SALITA NG DIYOS...
● Basahin agad natin ang Gawa 5:28-29, upang tayo ay ma comfort, lumakas at magpatuloy sa pagpapagamit sa Panginoon...
Mga Gawa 5:28-29
[28]Sinabi niya, “Hindi ba't mahigpit namin kayong pinagbawalang mangaral sa pangalan ng Jesus na iyan? Ngunit tingnan ninyo ang inyong ginawa! Laganap na sa Jerusalem ang inyong itinuturo at nais pa ninyo kaming papanagutin sa pagkamatay ng taong iyan!”
[29]Sumagot si Pedro at ang ibang mga apostol, “Sa Diyos kami dapat sumunod, at hindi sa tao.
ANO ANG MESSAGE NG PANGINOON MULA SA TALATANG ITO?
KUNG NAKARAMDAM KA NA PARANG WALANG NAKIKINIG SA MGA PANGANGARAL MO SA SALITA NG DIYOS...
GOD'S MESSAGE:
1. Isipin mong sa Diyos ka naglilingkod at hindi sa expectation ng tao..
● Sa talata makikita natin na pinagbawalan ng mga pareseo or punong pari ang mga apostol, na ipangaral ang pangalan ni Jesus... subalit ang sabi nila “Sa Diyos kami dapat sumunod, at hindi sa tao.
● Hindi naman ibigsabihin na hindi na tayo makikinig sa tao, o sa mga leaders, ang contexto ay yong mga taong nagbabawal, nanghahadlang ng mabuting balita...
● Kung may mga ayaw makinig, may mga busher, ang mahalaga sa Diyos tayo naglilingkod...
2. Isipin mong may commitment ka sa Panginoon, at walang sinumang tao ang makakasira nito..
● Ngayon, may mga activities ka, may training ka, may lessons ka, may mentoring ka, pero walang dumadalo ayaw makinig, ayaw magsupport sa gawain..... Hindi ito hadlang para mabali ang commitment natin sa Panginoon....
● Maaring sila ay walang iniisip na commitment, pero tayo dahil sa ating commitment sa Diyos sa kanya tayo susunod, ayaw man nilang maniwala at makinig, naniniwala akong may ibang pakikinggan tayo..
3. Isipin mong ang hinahanap ng Diyos sa tao ay ang interesado at totoong maglilingkod..
● Hindi namimilit ang Diyos ng tao, hindi kawalan sa Diyos kung walang interesado sa langit, pero sila ang logi... Kaya sa ating Pangangaral, kung sino ang interesado, disidido, sila ang handang matoto at lumago...
● Kaya kung may ayaw, tumatanggi, lumilipat, lumalayo, umiiwas, sa mga activities, sa mga pagtuturo... Nangangahulugang ayaw nila sa Diyos... Kaya bakit natin ipagsiksikan angbebanghelyo sa ayaw, doon tayo sa interesado...
● Para tayong nagtitinda ng ice cream, ang gustong bumili, tatawagin ka at hahabulin ka pa... pero pag ayaw lampasan mo na...
4. Isipin mong may paghuhukom, at ang bawat isay mananagot sa Panginoon, kung hindi sila nakikinig sa pangangaral, hindi sila makakalusot sa Diyos..
● Makakalusot kaman, sa pastor, sa araw ng linggo dahil tulog ka pa, nakaiwas kaman sa mga obligasyon sa church, ilang buwan kamang hindi dumadalo... Pero huwag mong isiping habang buhay kanang ganyan, temporary lang ang buhay..
● Time will come may paghuhukom, at hindi mo ito matatakasan at maiiwasan... Ngunit huli na ang lahat kung hihintayin mo pa ang mga panahong ito..
5. Isipin mong ginagawa mo ito sa pagibig mo sa Diyos at sa kapwa..
● Kaya tayo nangangaral dahil sa pagmamahal natin sa Diyos at pagmamahal natin sa kapwa na hindi sila mapahamak.... At ang mga interesadong makinig at lumago sa Panginoon sila rin ang mga taong tunay na may pagmamahal sa Panginoon..
APPLICATION:
1. Patuloy lang na maglaan ng panahon sa Diyos..
2. Huwag magpatinag o magpadala sa mga negatibong feedback, focus lang sa Diyos..
3. Sumunod kalang sa Diyos anumang mangyari..
4. Ipakita mo ang iyong katapatan sa Diyos, sakabila na maraming hindi tapat at hindi nakikinig sa Diyos..
5. Ipanalangin natin ang mga ayaw makinig at sumunod, na balang ayaw makikita nating kinakauhawan na nila ang salita ng Diyos...

Пікірлер: 8

  • @carolparojinog8887
    @carolparojinog888725 күн бұрын

    Amen

  • @michaeltuazon9845
    @michaeltuazon984527 күн бұрын

    Amen Pastor

  • @mauragarcia3338
    @mauragarcia333827 күн бұрын

    Praise God🙏❤️

  • @jennykendelarosa8810
    @jennykendelarosa881027 күн бұрын

    GOD blessed po pastor

  • @arcillasbonie

    @arcillasbonie

    27 күн бұрын

    Amen po

  • @hermogenesblancadajr8143
    @hermogenesblancadajr814321 күн бұрын

    Thank you Pastor for reminding us.

  • @arcillasbonie

    @arcillasbonie

    21 күн бұрын

    Amen...God bless kapatid...

  • @ameliaguzon9677
    @ameliaguzon967727 күн бұрын

    Amen

Келесі