PAANO AYUSIN ANG BUHAY SA PAGSUNOD KAY JESUS? Lesson 5

Тәжірибелік нұсқаулар және стиль

PAGSASAAYOS NG ATING BUHAY
lesson 5
Juan 14:15 “Kung iniibig ninyo ako, tutuparin ninyo ang aking mga itinuturo.
PAANO AYUSIN ANG BUHAY SA PAGSUNOD KAY JESUS?
6 Paraan:
1. PANIWALAAN ANG AUTORIDAD NG BIBLIYA..
Dapat 100% Paniwalaan mo Ang Bible as final authority and practice ng ating Buhay.
Hindi mo susundin Ang mga mensahe ng Diyos sa Bible, kung Duda ka, o nag alinlangan ka dito..
2 Timoteo 3:16 "Ang lahat ng Kasulatan ay kinasihan ng Diyos, at nagagamit sa pagtuturo ng katotohanan, sa pagtatama sa maling katuruan, sa pagtutuwid sa likong gawain at sa pagsasanay para sa matuwid na pamumuhay,
2. DAPAT MAPAKINGGAN MO AT MAINTINDIHAN.
Kung napakinggan mo at naintindihan ang salita Ng Diyos bilang mensahe para Sayo, gabay para sa Tama at tuwid na pamumuhay, segurado susundin mo ang Diyos at mamumuhay ka sa kanyang salita..
Gawa 4:4 "Gayunman, marami sa nakarinig ng kanilang pangangaral ang sumampalataya kay Jesus, kaya't umabot sa limanlibo ang bilang ng mga lalaki.
3. DAPAT ITURO NG MGA TAGAPAGTURO ANG UTOS NI JESUS.
Walang susunod kung walang alam sa turo at utos ni Jesus, I disciple Sila, na mahalaga ang pagsunod Kay Jesus...
Mateo 28:20 "Turuan ninyo silang sumunod sa lahat ng iniutos ko sa inyo. Tandaan ninyo, ako'y laging kasama ninyo hanggang sa katapusan ng panahon.”
4. SEGURADUHING TOTOO ANG PAGSUKO MO KAY JESUS.
Kung Hindi kanaman tunay na sumuko Kay Jesus, walang mag I interest na sumunod Kay Jesus.... Kaya Ang talagang nagsisisi o nag surrender na Kay Jesus seguradong susunod iyan ..
Lucas 9:23 "At sinabi niya sa kanilang lahat, “Ang sinumang nagnanais sumunod sa akin ay kinakailangang itakwil niya ang kanyang sarili, pasanin araw-araw ang kanyang krus, at sumunod sa akin.
5. SEGURADUHING TOTOO ANG PAG IBIG MO KAY JESUS.
Ang totoong may pag ibig ay may panahon, respito, pagpapahalaga, at may pagsunod..
Juan 14:15 “Kung iniibig ninyo ako, tutuparin ninyo ang aking mga itinuturo.
6. KUSA ITONG MAKIKITA AT MAGAGAWA KUNG NANIRAHAN NA ANG BANAL NA ESPIRITU SA ATING BUHAY..
Mga Taga-Galacia 5:22-23 "Subalit ang bunga ng Espiritu ay pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, katiyagaan, kabaitan, kabutihan, katapatan,
[23]kahinahunan, at pagpipigil sa sarili. Walang batas laban sa mga ito.
Conclusion:
1. MGA Kapatid, napakahalaga Ng pagsunod Kay Jesus dahil ito ang kanyang utos..
2. Kung Hindi ka pa tapat sa pagsunod, Dapat Ngayon ayusin Muna ito habang NASA second chance ka pa.

Пікірлер: 2

  • @alvinedviamurao8169
    @alvinedviamurao81698 ай бұрын

    Amen ❤❤❤

  • @lourdesdacara6705
    @lourdesdacara67058 ай бұрын

    Good morning po ptr.

Келесі