JMM Covers | Maging Akin Muli (Migs Ramirez)

Ойын-сауық

Maging Akin Muli
By Arnel Aquino, SJ
Performed by Bro Migs Ramirez and Kim Dominik Sarmiento
Manlamig man sa akin puso mong maramdamin
Lisanin man ng tuwa puso mong namamanglaw
Manginig man sa takot masindakin mong puso
Mag-ulap man sa lungkot diwa mong mapag-imbot
Kapiling mo akong laging naghihintay sa tanging tawag mo
Pag-ibig kong ito isang pananabik sa puso ko
Sa 'yong pagbabalik sa piling kong puspos ng pagsuyo
Manahimik at makinig ka't maging akin muli
Di mo rin akalain tinig mo'y hanap ko rin
Ang 'yong tuwa at sakit aking galak at pait
Kung lingid pa sa iyo aking pakikiloob
Tuklasin mong totoo tunay mong pagkatao
Kapiling mo akong laging naghihintay sa tanging tawag mo
Pag-ibig kong ito isang pananabik sa puso ko
Sa 'yong pagbabalik sa piling kong puspos ng pagsuyo
Manahimik at makinig ka't maging akin muli
Kapiling mo akong laging naghihintay sa tanging tawag mo
Pag-ibig kong ito isang pananabik sa puso ko
Sa 'yong pagbabalik sa piling kong puspos ng pagsuyo
Manahimik at makinig ka't maging akin muli
Follow us on our social media accounts:
Facebook: bit.ly/3s1hMpM
Instagram: bit.ly/3IRNxIm
KZread: bit.ly/3uaj1p4
Twitter: bit.ly/3Gf7F5M
TikTok: bit.ly/3g9F0Et
#JMMCovers #jesuitmusic

Пікірлер: 8

  • @migsfazonela7927
    @migsfazonela79273 ай бұрын

    So proud of you, Bro. Migs!!! Galing galing talaga! More songs pa po pleaseeeee!

  • @mike6553633
    @mike65536332 ай бұрын

    Nothing beats talaga si Bro. Migs when it comes to music!!! Congratulations Brother ❤❤

  • @angelamenorca8101
    @angelamenorca81012 ай бұрын

    wonderful! congratulations on your recent ordination, Bro. Migs! God bless you always!

  • @ryeohmz
    @ryeohmz3 ай бұрын

    so uplifting...

  • @JesComMusic

    @JesComMusic

    3 ай бұрын

    Salamat po!

  • @marideloso3463
    @marideloso34633 ай бұрын

    Salamat po sa song na ito 😭.. May anxiety at depression ako ngayon. Ang sarap makinig na may pinagdadaanan ka. Thank you, Lord Jesus 🙏

  • @JesComMusic

    @JesComMusic

    3 ай бұрын

    Salamat po. Hope you feel better.

  • @renharddeasis5373
    @renharddeasis53732 ай бұрын

    One of the best songs coming from one of the best composers sung by one of the best students of LST...

Келесі