THAILAND OF THE PHILIPPINES | Isdaan Floating Restaurant | Calauan Laguna
Ang Floating Restaurant na matatagpuan sa Calauan Laguna at tinagurian Thainland of the Philippines. Maganda ang lugar para sa family bonding at maging sa mga grupo para sa mga okasyon o handaan. Ang Isdaan restaurant ay may temang asian at pagmamay ari ng mga Ongpuco Mama Chit (Lola ni Heart Evangelista Escudero).
#lovesweetlifeinisdaan #thailandofthephilippines #floatingrestaurant
- Walang Entrance fee pero kailangan ninyong bumili ng pagkain
- Pwede kayong magpa reserve kung marami kayo
Mga pwedeng gawin:
- Tacsiapo - bibili kayo ng mga babasagin kagaya ng tasa, pinggan at iba pang babasagin para ipaltok sa pader na may nakasulat kung ano man ang ikinagagalit ninyo.
- Boat ride - Walang bayad na sakay sa bangka pero nasa inyo na kung gusto ninyong bigyan ng tip ang bangkero.
- Pangingisda - Maaari kayong mamingwit ng isda at kapag nakahuli kayo ay pwede ninyong ipaluto at syempre kailangan din bayaran.
- Pagtawid - kailangan ninyong makatawid sa makitid na tawiran palibot ng tubig nang hindi nahuhulog upang makaroon ng isang kilong isda at pwedeng ipaluto.
Пікірлер: 7
Nice po
Beautiful place anong oras po ang open nila?
@LoveSweetLife
14 күн бұрын
8AM po ay bukas na sila
May pictures po Kayo ng menu?
@LoveSweetLife
3 ай бұрын
meron po sa unang version ng video na tungkol sa isdaan ang mga menu
Magkano intrace fee.?
@LoveSweetLife
23 күн бұрын
wala pong entrance fee na babayaran kundi yung inorder lang na pagkain ang babyaran