Teaser | ANG TANGI KONG IKAW - FEU Bamboo Band

Ойын-сауық

Bumalik sa nakaraan at saksihan ang mga awiting tiyak na ika’y mapapa-ibig sa isang gabing puno ng saya, tamis, at pagmamahal. Sari-saring mga awiting tiyak na magpapatibok at magpapahalina sa inyong mga puso.
Inihahandog ng Far Eastern University Center for the Arts at Far Eastern University Bamboo Band ang isang pagtatanghal na puno ng pag-ibig at musika, “Ang Tangi Kong Ikaw”, na gaganapin sa ika-4 ng Mayo taong 2024, alas-6 ng gabi, sa FEU Auditorium.
Para sa pag-reserba ng libreng tiket, bisitahin ang link na ito: forms.office.com/r/yh9NUrzeN7
Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang Facebook page ng Far Eastern University Bamboo Band o Far Eastern University Center for the Arts. Maaari ring bumisita sa opisina ng FCA mula alas-8 ng umaga hanggang alas-6 ng gabi, Lunes hanggang Biyernes o tumawag sa (02) 8849-4145 ext. 310.
#FEU #FCA
#FEUBambooBand
#AngTangiKongIkaw

Пікірлер

    Келесі