No video

Short Film | JEEPLOMA | THE PUVMP ADVOCACY | Cine Cuatro-Uno Productions

Sa gitna ng kalsada ay may mga tsuper na namamasada ng kanilang mga jeep upang magkaroon ng kita na iuuwi sa kanilang pamilya. Subalit, alinsunod sa pamahalaan, tila nagbago ang direksyon para sa kanila. Isang malaking pangamba sa mga tsuper ang mawalan ng kabuhayan. May ilang pagkakataon na isa sa mga maidudulot ng kahirapan ay ang puwersahang pagtigil sa pag-aaral ng kanilang mga anak, bagay na sisira sa pangarap nilang binubuo.
Ang suliraning ito ay hindi lamang para sa kanila, kundi maging sa atin na apektado ng kasalukuyang sitwasyon.
Tampok sa istorya sa adbokasiyang ito ang kwento ng mag-tatay na nabubuhay sa pamamagitan ng pamamasada. Tunghayan ang adbokasiyang ginawa ng Cine Cuatro-Uno Productions mula sa 12-Amos.

Пікірлер

    Келесі