Sacrifice of Praise, KWARESMA 2022 d1, Sayaw sa Kagalingan, Amang YHWH, B Jerusalem, Charismatic

VID20220302154038\March 2, 2022 Soaking Prayer,
HAING PAGPUPURI SA DIYOS AMANG YHWH
Tanda na dumating na sa inyo ang kaharian ng Diyos
Mateo 12: 28 Ngunit kung ako'y nagpapalayas ng mga demonyo sa kapangyarihan ng Espiritu ng Diyos, nangangahulugang dumating na sa inyo ang kaharian ng Diyos.
Mga Hebreo 13: 15 [Kaya't][a] lagi tayong mag-alay ng papuri bilang handog sa Diyos sa pamamagitan ni Jesus, papuring mula sa ating mga labi na nagpapahayag ng ating pagkilala sa kanyang pangalan. 16 At huwag nating kaligtaan ang paggawa ng mabuti at ang pagtulong sa kapwa, sapagkat iyan ang alay na kinalulugdan ng Diyos.
Bagong Jerusalem
Isaias 65: 17 Ang sabi ni Yahweh: “Ako ay lilikha ng isang bagong lupa at bagong langit;
ang mga bakas ng nakaraan ay ganap ng malilimutan.
18 Kaya naman kayo'y dapat na magalak sa aking ginawa,
ang Jerusalem na aking nilikha ay mapupuno ng saya,
at magiging masaya ang kanyang mamamayan.
19 Ako mismo'y magagalak
dahil sa Jerusalem at sa kanyang mamamayan.
Doo'y wala nang pagtangis o panaghoy man.
20 Ang mga sanggol ay hindi na mamamatay,
lahat ng titira roon ay mabubuhay nang matagal.
Ituturing pa rin na isang kabataan ang taong sandaang taon na,
Isaias 66: 22 “Kung paanong tatagal ang bagong langit at bagong lupa
sa pamamagitan ng aking kapangyarihan,
gayon tatagal ang lahi mo at pangalan.
23 Tuwing Araw ng Pamamahinga at Pista ng Bagong Buwan,
lahat ng bansa ay sasamba sa akin,”
ang sabi ni Yahweh.
2 Pedro 3: 13 Subalit ayon sa pangako ng Diyos, naghihintay tayo ng bagong langit at ng bagong lupa na paghaharian ng katuwiran.
Pahayag 21: 1 Pagkatapos nito, nakita ko ang isang bagong langit at isang bagong lupa. Wala na ang dating langit at lupa, wala na rin ang dagat. 2 At nakita ko ang Banal na Lungsod, ang bagong Jerusalem na bumababa mula sa langit buhat sa Diyos, gaya ng isang babaing ikakasal. Siya'y nakabihis at nakahanda sa pagsalubong sa kanyang mapapangasawa. 3 Narinig ko ang isang malakas na tinig mula sa trono, “Tingnan ninyo, ang tahanan ng Diyos ay nasa piling na ng mga tao! Maninirahan siyang kasama nila, at sila'y magiging bayan niya. Diyos mismo ang makakapiling nila at siya ang magiging Diyos nila.
Pahayag 1: 6 Ginawa niya tayong isang kaharian ng mga pari upang maglingkod sa kanyang Diyos at Ama.
Mateo 6: 33 Ngunit higit sa lahat ay bigyang-halaga ninyo ang kaharian ng Diyos at ang pamumuhay nang ayon sa kanyang kalooban, at ibibigay niya sa inyo ang lahat ng mga bagay na ito.

Пікірлер