PASAN lyric video (from the Papuri! 25 album): Cherise Katriel

Музыка

PASAN
Verse:
Ngalay na damdamin
Tila pahingal nang pahingal
Tila pahina nang pahina
Oh…mayr’on bang pahinga? oh…
Nawa’y makabawi
Yung mahirap sana dumali
Yung mabagal sana dumagli
Oh… ginhawa’y dumating, oh…
Pre:
Sa mga pasaning dala
Sabi Mo Ikaw nang bahala
Alay na kalingang karga
Sa yakap Mo, sasampa
Chorus:
PASAAAAAN… sa bisig Mo
At tapat nakabantay, tila ba awit
PASAAAAAN… sa piling Mo
At sapat nakadantay, di mangangawit
Sa Iyo ang lahat ng bagabag ay awat
Sa Iyo ang lapag at panatag ang lapat
Papasaan pa ba kundi sa Iyong pasan
Pre2:
Sa mga pasaning dala
Tunay ngang Ikaw ang bahala
Alay na kalingang karga
Sa ngalan Mo, sasamba
Chorus:
PASAAAAAN… sa bisig Mo
At tapat nakabantay, tila ba awit
PASAAAAAN… sa piling Mo
At sapat nakadantay, di mangangawit
Bridge:
Anuman ang panganib, maalpasan
Anuman ang pagsubok, malalagpasan
Anuman ang pasakit, malalampasan
Sa ‘Yo lang, sa balikat Mo lang papasan
Anuman ang takbo na mapapaspasan
Anuman ang bayo ng bagyong hampasan
Anuman ang nagkulang at natagpasan
Sa ‘Yo lang, pupunan, mananahan, hanggang…
(to full Chorus)
Coda:
Papasaan pa ba kundi sa Iyo…
Papasaan pa ba kundi sa Iyo…
Papasaan pa ba kundi sa Iyong… pasan… PASAN… oohh
artist (lead & backing vocals): Cherise Katriel
composer/lyricist: Jungee Marcelo
arranger: Joshua Capule
guitars: Ardie De Guzman
drums: Niño Regalado
recording engineer: Benjo Casaljay (Studio Z)
mixing/mastering engineer: Angee Rozul
track producer: Jungee Marcelo
for Papuri! 25 album © 2023
over-all producer: Kahlil Refuerzo
executive producer: Far East Broadcasting Co. Ph / Papuri! Music Ministry
Deutoronomy 33:12
Let the beloved of the Lord rest secure in Him,
for He shields him all day long,
and the one the Lord loves rests between His shoulders.
Mahal ka ni Yahweh at iniingatan,
sa buong maghapon ika’y binabantayan,
at sa Kanyang mga balikat ika’y mananahan.

Пікірлер: 44

  • @bhoyetdionisio893
    @bhoyetdionisio893Ай бұрын

    Ganda sir Jungee God is good!

  • @sarajoybaria
    @sarajoybaria9 ай бұрын

    Wowww🙌🙌 napakagandang awitin at pag awit🙏🙏 God bless po and congratulations🎉🎉

  • @jungeemarcelomusic1103

    @jungeemarcelomusic1103

    9 ай бұрын

    Awww... thanks SaraJoy, God is good, thanks for your support!

  • @stevenatienza9185
    @stevenatienza91859 ай бұрын

    First time ko ito narinig sa Papuri 25 launch, grabe nakaka amaze yung creativity. Indeed God has given us incredible talent. Super appreciated yung artistic touch sa lyrics and melody. Pinag isipan mabuti yung lyrics kasi nagkakaroon ng multiple meaning yung “Pasan”. And ang galing din nag paka interpret sa live. On repeat na ako dito sa song. Sana marelease sa apple music or spotify.

  • @jungeemarcelomusic1103

    @jungeemarcelomusic1103

    9 ай бұрын

    Comments like yours truly lifts up our Jehovah Jireh from Whom all blessings flow 🙌 Maraming salamat sa analysis, much appreciated po ❤ Hallelujah!

  • @joyceenero8492
    @joyceenero84929 ай бұрын

    naalala ko sa Papuri Concert, one speaker told us na “ano yung kantang tatatak sayo” and ito yun ❤ …. super blessed by this song and ang ganda ng boses 😍😍🙌🏻

  • @jungeemarcelomusic1103

    @jungeemarcelomusic1103

    9 ай бұрын

    I believe that was FEBC President Lucho who spoke of it, we are truly elated, what a blessing to hear that. Thanks for echoing the same encouraging sentiment. Praise God indeed. Sooo glad you like it ❤

  • @user-ec1rj5rg9n
    @user-ec1rj5rg9n9 ай бұрын

    thankyou for this Mr. Jungee grabe lss ko here, God bless po❤️❤️

  • @robertsumbillo4602
    @robertsumbillo46028 ай бұрын

    Sounds good and the lyrics is so better for me thanks for that song To God be the Glory

  • @aldoisip3726
    @aldoisip37269 ай бұрын

    Napaka unique ng kantang to… napapanahon ang tunog, napaka creative ng pagsulat… another hit from Papuri! 👏

  • @jungeemarcelomusic1103

    @jungeemarcelomusic1103

    9 ай бұрын

    Thanks for the commendation, we're truly encouraged. Much appreciated, glory to God!

  • @IrvinGalang
    @IrvinGalang9 ай бұрын

    Yey! First! Sobrang ganda tlg, rhema lahat ng linya, lapat na lapat ang tema at akda na may dalang ginhawa sa aking puso habng nakadantay at sumisipra

  • @jungeemarcelomusic1103

    @jungeemarcelomusic1103

    9 ай бұрын

    Salamat, IG, my heart is full 💟

  • @IrvinGalang

    @IrvinGalang

    9 ай бұрын

    @@jungeemarcelomusic1103thanks for sharing this song po! Now on repeat 🫰🏻

  • @NatalieJoy_Psalm3418
    @NatalieJoy_Psalm34189 ай бұрын

    LSS.. Sobrang ganda.. message and all.. salamat po sa song na ito.. ❤❤❤ namemorize ko na kakapa-ulit-ulit simula kagabi 🥰🥰🥰

  • @jungeemarcelomusic1103

    @jungeemarcelomusic1103

    9 ай бұрын

    My heart is full, maraming salamat sis Natz, praise God indeed!

  • @TheCarlAlfred
    @TheCarlAlfred9 ай бұрын

    Grabe! Nakaka-blessed ang song na yan. Kudos to you, Sir Jungee Marcelo. Praise God!

  • @user-dt4jj6bj4z
    @user-dt4jj6bj4z9 ай бұрын

    The Lord speaks to me by this song. 🥹🙏🏻❤️

  • @jungeemarcelomusic1103

    @jungeemarcelomusic1103

    9 ай бұрын

    Praise God for that 🙌

  • @user-xu9gq7ds8r
    @user-xu9gq7ds8r9 ай бұрын

    ganda ng song n to...thank you for this song

  • @rebeccacandelario5355
    @rebeccacandelario53554 ай бұрын

    ❤❤❤

  • @702jutsu
    @702jutsu7 ай бұрын

    Papasaan Pa Ba ,,ang Pasan malalampasan

  • @angelbandibas1622
    @angelbandibas16224 ай бұрын

    tagal ko na to hinanap na song huhu, palagi ko to naririnig sa radio and di ko alam yung title. Ginogoogle ko pa lyrics, di ko parin makita. Finally, fave song ko po this!♥

  • @user-cn2nf6my9g
    @user-cn2nf6my9g9 ай бұрын

    I was so blessed by this song during the Papuri 25 concert on Thursday, Sir Jungee. Speaks to all ages, especially us, the youth. Praise God po 🙏🏾

  • @jungeemarcelomusic1103

    @jungeemarcelomusic1103

    9 ай бұрын

    What an encouragement, thanks for your support, praise God indeed!

  • @theblindactor1
    @theblindactor19 ай бұрын

    Papuri 25 “Bawat Tagumpay, Ikaw Ang Nagbigay.” Long post ahead pero sana po basahin nyo. Simula pagdating ko pa lang sa CCF Center, ang dami nang magagandang bagay ang nangyari. As in hindi na talaga ako nahirapang pumila para sa registration, hindi na rin nila hiningi ang ticket ko. Pinapila na agad nila ako para makaakyat na. Sa totoo lang ay nakakakaba dahil totally mag-isa lang talaga ako at wala akong kasama, at napakaraming tao. Fast forward... Bilang isang pwd, una nila akong pinapasok para makaupo kaya naman naabutan ko pa ang sound check ng mga performers. At doon pa lang, grabe na talaga ang emotion na nararamdaman ko. Lalo nang marinig ko ang boses ni sir Jonathan Manalo noong nag-sound check sila ng kanyang awiting “Dahil Sa ‘Yo… Para Sa ‘Yo.” I prayed: "Lord, kung will nyo po na ma-meet ko si sir Jonathan at makapag-pa-picture ako sa kanya, mangyayari po yon." Pero sa totoo lang ay isang malaking bonus at blessing na lang kung mangyayari yon. Dahil sobrang blessed ko na doon pa lang sa fact na nakaupo ako roon sa loob at nanonood sa soundcheck at concert ng Papuri. So after the concert. Inisip ko talaga kung lalapit ako sa stage para makapag-pa-picture sa mga artists. Kasi bukod sa marami ngang tao ay wala pa akong guide. Pero meron talagang nagtutulak sa akin to go there and so I did. Lumapit ako sa harapan kahit wala akong guide. I wouldn’t say na hindi ako nahirapan. Kasi though nasa bandang harap naman ang pwesto kung saan ako iniupo, medyo malayo pa rin and one more thing, nandoon lahat ng tao sa harap ng stage. Kaya nagdalawang isip na ako kung lalapit pa ba ako or huwag na lang. But still I continued heading forward hanggang sa may nadaanan akong tao kaya naman nagtanong ako: "Pwede po kayang mag-pa-picture sa artists?" Then he said: "I’m not sure, sobrang dami kasing tao, so baka hindi na pwede." I was like: "Oh, okay." Pero nagsalita ulit si kuya: "Pwede naman kitang picturan d'yan sa kinatatayuan mo, kita rin naman yung mga performers mula dito." And so I handed him my phone para makakuha sya ng picture. Then after that, I was about to leave. Pero nandoon pa rin talaga yung nagsasabi sa loob ng isip ko na pumunta sa harapan kaya naman sige, nagpunta pa rin ako sa stage kahit na walang kasiguraduhan kung makakapag-pa-picture ba talaga ako kahit sa isang performer man lang.. Pagdating ko sa harap mismo ng stage, nilakasan ko na talaga ang loob ko para magtanong sa mga nandoon: "Pwede po bang magpa-picture kasama si sir Jonathan Manalo?" Pero noong tinanong ko yan, I am actually prepairing myself for a no. Someone answered: "Umiikot kasi si Jonathan, hindi namin alam kung nasaan na sya. Pero nandito ang Campañer family. Kung gusto mo, pwede ka naming picturan kasama sila." Of course nag-yes kaagad ako. Ang Campañer family kasi yung kasama ni sir Jonathan noong kinanta nya yung “Dahil Sa ‘Yo… Para Sa ‘Yo” kaya naman malaking achievment na rin para sa akin ang magkaroon ng picture kasama sila. After that picture taking, someone from Campañer family told me to stay. Susubukan daw nilang hanapin si sir Jonathan for me. So bigla akong nagkaroon ng hope. Few minutes passed, sumigaw yung isa sa kanila: "Jon, may gustong magpa-picture sayo." GRABE!! Hindi ko ma-discribe ang nararamdaman ko, lalo na noong marinig ko ang boses ni sir Jonathan na nasa likod ko na mismo. As in nanginginig talaga ako sa sobrang kaba at saya. Lalo noong sinabi nila sa akin na "Bro, nandiyan na si Jonathan. Can I have your phone?" So I handed my phone sa kanila para makapagpa-picture kay sir Jonathan. Nakakatuwa lang kasi sya pa talaga ang naupo sa stage para lang magkapantay kami. Hindi na kasi ako nakaakyat sa taas dahil sa dami ng tao. Sobrang bilis lang ng encounter ko with sir Jonathan pero napakasaya ko pa rin. Maagang birthday gift na sa akin ang magkaroon ng picture kasama sya. Kaya naman masaya akong nagpaalam sa kanila para umalis na. Ngunit hindi pa pala doon nagtatapos ang lahat. Papalabas na ako noon ng concert hall. Naghahanap ng pwedeng mag-guide sa akin pababa ng lobby. Untill may narinig akong tao kaya lumapit ako to ask for help: "Excuse me. Is there someone po kaya na pwedeng mag-assist sa akin pababa ng lobby?" He answered: "Of course! Ako na, sasamahan na kita." So instantly I thanked him. Habang naglalakad kami papuntang elevator ay nagkukuwentuhan kami. He asked me kung wala daw ba akong kasama and i said wala. So he asked again kung saan nya ako pwedeng iwan. I told him iwan na lang nya ako somewhere na may guard, ka'si do'on na ako magbu-book ng angkas. But I added kung pwede nya muna akong samahan na bumili ng USB album ng Papuri na limited edition lang, thankfully he said yes. Kaso lang, pagdating namin doon kung saan nakakakuha ng album, ang sabi sa amin ay ubos na raw. I said okay lang po, kung hindi ako makabili ng album. Kaya nagpahatid na ako sa entrance ng lobby para makapag-book na ng Angkas. But he said: "You know what? You were really led to me. Because the one I showed on stage, I’ll give to you." So ang naging reaction ko talaga ay "WOW!!" I asked him kung magkano yung album but he said: "No, it's my gift for you." Grabe na naman ang emotion ko. I asked him kung anong name nya, then he said: "I’m Lucho, Lucho Castillo." Waaaaah!!! Hindi ko alam na yung kanina ko pang kasama na nag-guide sa akin pababa ng lobby, at yung nagbibigay sa ak'in ngayon ng album ay si sir Lucho. As in si sir Luis Miguel "Lucho" Castillo. Ang president ng 702 DZAS - FEBC Radio mismo. Hindi talaga sya nag-si-sink in sa akin na kausap ko mismo yung president ng FEBC Philippines. Kaya sobra-sobra talaga ang pasasalamat ko sa kanya at sa regalo nya. I asked him kung pwede kaming mag-picture. He said yes and take note, sya talaga ang humawak ng phone ko. At sya rin mismo ang sumama sa akin na mag-book ng Angkas dahil walang guard na nandoon that time. Talagang hinintay nyang dumating yung rider ko, at sya rin mismo ang nag-guide sa akin papalapit sa motor. Tsaka lang sya umalis noong nakasakay na ako. Sobra talaga akong greatful kasi ginawa nya yon for me kahit na sobrang dami rin nyang kailangang gawin. Plus ang dami rin ng nagpapa-picture sa kanya. And the last thing he told me bago kami maghiwalay ay: "Enjoy the album." Thank you po talaga sir Lucho. I know nakailang sabi ako sa inyo nito but I can’t thank you enough and of course, maraming-maraming salamat Panginoon. Dahil simula pagdating ko pa lang sa CCF Center kahapon hanggang sa makauwi ako, ramdam na ramdam ko talaga ang pagkilos mo. 😭 Sa event na ito ay isa lang ang na-realize ko: “Bawat Tagumpay, Ikaw Ang Nagbigay.” 😭🙏🙌 #PAPURI25 #45YearsofPapuriMusic #BawatTagumpayIkawAngNagbigay #PapuriPH #FEBCPH

  • @hernanbaluyut9208
    @hernanbaluyut92089 ай бұрын

    GRABE.. very well written lines!! galing na nanggaling sa Diyos na magaling!!! :) napakahusay coach!! Blessings!!!

  • @jungeemarcelomusic1103

    @jungeemarcelomusic1103

    9 ай бұрын

    yun na, galing ni Lord! thanks Herbal, I appreciate your encouragement 💟

  • @rebeccacandelario5355
    @rebeccacandelario53556 ай бұрын

    ❤I watched at ccf💯🙏😘papuri 25th

  • @jhenniefernan4244
    @jhenniefernan42448 ай бұрын

    Ito yung kantang hinahanap hanap ko nung narinig ko to sa Papuri hindi ko siya mahanap, Sabi ko ito na yung paborito kong kanta buti na lang nahanap ng partner ko. 😍😍😍

  • @protipslady
    @protipslady9 ай бұрын

    Hands down my favorite in the Papuri 25 album! Ang galing, Jungee! Sobrang nakaka-encourage.

  • @jungeemarcelomusic1103

    @jungeemarcelomusic1103

    9 ай бұрын

    I can only praise God for this favor. Salamat also for encouraging me and the team.

  • @dayswithdylancruz
    @dayswithdylancruz9 ай бұрын

    heard this live last night @ Papuri 25th. I was blessed. Thank you sir Jungee for your ministry.

  • @jungeemarcelomusic1103

    @jungeemarcelomusic1103

    9 ай бұрын

    You're most welcome. That's good know, praise God for this blessing.

  • @reinillemendoza
    @reinillemendoza9 ай бұрын

    Love this one Sir Jungee! Love the beautiful Tagalog words used in the song 💙💙💙

  • @jungeemarcelomusic1103

    @jungeemarcelomusic1103

    9 ай бұрын

    Awww salamat, Reinille, glory to God indeed!

  • @peeveebarrington3421
    @peeveebarrington34219 ай бұрын

    Had been waiting for this!!!

  • @jungeemarcelomusic1103

    @jungeemarcelomusic1103

    9 ай бұрын

    Thanks, we truly appreciate it, praise God!

  • @WandanShe
    @WandanShe9 ай бұрын

    Sarap sa puso ❤️

  • @genesiskatecenit3334
    @genesiskatecenit33349 ай бұрын

    Praise God sir Jungee, sana at instrumental na din para makasingalong

  • @jazztinepsalm4403
    @jazztinepsalm4403Ай бұрын

    Verse: Ngalay na damdamin Tila pahingal nang pahingal Tila pahina nang pahina Oh…mayr’on bang pahinga? oh… Nawa’y makabawi Yung mahirap sana dumali Yung mabagal sana dumagli Oh… ginhawa’y dumating, oh… Pre: Sa mga pasaning dala Sabi Mo Ikaw nang bahala Alay na kalingang karga Sa yakap Mo, sasampa Chorus: PASAAAAAN… sa bisig Mo At tapat nakabantay, tila ba awit PASAAAAAN… sa piling Mo At sapat nakadantay, di mangangawit Sa Iyo ang lahat ng bagabag ay awat Sa Iyo ang lapag at panatag ang lapat Papasaan pa ba kundi sa Iyong pasan Pre2: Sa mga pasaning dala Tunay ngang Ikaw ang bahala Alay na kalingang karga Sa ngalan Mo, sasamba Chorus: PASAAAAAN… sa bisig Mo At tapat nakabantay, tila ba awit PASAAAAAN… sa piling Mo At sapat nakadantay, di mangangawit Bridge: Anuman ang panganib, maalpasan Anuman ang pagsubok, malalagpasan Anuman ang pasakit, malalampasan Sa ‘Yo lang, sa balikat Mo lang papasan Anuman ang takbo na mapapaspasan Anuman ang bayo ng bagyong hampasan Anuman ang nagkulang at natagpasan Sa ‘Yo lang, pupunan, mananahan, hanggang… (to full Chorus) Coda: Papasaan pa ba kundi sa Iyo… Papasaan pa ba kundi sa Iyo… Papasaan pa ba kundi sa Iyong… pasan… PASAN… oohh

  • @elviefortaliza7412
    @elviefortaliza74126 ай бұрын

    Love it ❤

  • @rexondolino143
    @rexondolino1437 ай бұрын

    Ate pwede kantahin namin to sa simbahan

  • @micahpabilonia720
    @micahpabilonia7209 ай бұрын

    Huhu sobrang ganda ng kantaaaa! Thank you po sa pagsulat ng magandang awitin and sa super nakakablessed na pag kanta. :))) Kelan po magkakaminus one neto? Heheheee I must say ito yung pinaka tumatak na song sakin during concert sa Papuri 25. :D

Келесі