Meet the FEU Chorale (Batch 2023)

Ойын-сауық

Sa ilang taon na pagbuo at sa dami ng mga miyembrong dumaan sa organisasyong FEU Chorale, ay masasabing isang matibay na pundasyon ang naitatag ng grupo. Sa pagpapatatag ng isang organisasyon ay may mga taong nangangasiwa, gumagabay, at nagpapanitili ng kaayusan sa loob nito.
Kilalanin natin ang mga naging presidente, lider ng bawat seksyon, at mga naging kabilang sa kumite ng sining sa pag-awit na nagsilbing mga ehemplo sa bawat miyembro na nakapasok sa FEU Chorale. Sa pagkilala sa mga taong ito, ay kalakip ang pagtanaw sa kanilang mga naging karanasan sa pangunguna at pagtataguyod ng grupo at gayun na rin ang kanilang pasasalamat sa kanilang ilang taong pagserbisyo at pag-awit kasama ang nabuong pamilya sa FEU Chorale.
Mula sa FEU Chorale, hindi mabibilang ang pasasalamat na inihahatid ng grupo sa mga taong ito na piniling manatili at magbigay ng makabuluhang aral hindi lamang sa pag awit, pati na rin sa pakikisama at pagpapatatag ng isang organisasyon na ipagpapatuloy nang mga susunod pang miyembro.
#Kantamaraws
#FEUChorale

Пікірлер

    Келесі