MARTSA NG PAG-ANGAT

Opisyal po naming inihahandog sa lahat ng Angatenyo ang MARTSA NG PAG-ANGAT. Ito po ang isa sa mahalagang regalong Pamasko namin ngayong taon para sa mga minamahal na kapwa Angatenyo.
Itinatampok nito ang namumukod-tanging katangian at taglay na yamang likas ng bayan ng Angat. Sa pag-awit po nito, nawa’y maramdaman natin na karapat dapat nating ipagmalaki na tayo ay Angatenyo. Isaulo at isapuso po natin ito…
MARTSA NG PAG-ANGAT
1
Bayang aming sinilangan
Sa paanan ng Sierra Madre matatagpuan
Daluyan ng buhay at kabuhayan
Angat mahal naming bayan.
2
Kagubata’y hinawan at sinakahan
Aming ninunong malikhain at maparaan
Pagtatanim, pagsasaka pangunahing kabuhayan
Kanilang punla Angat mula!
CHORUS:
Angat, Angat! Ika’y mamayagpag
Angat, Angat! Bukod-tangi sa lahat.
Nagkakaisang Angatenyo,
Angat bayang progresibo.
Angat, Angat! Ika’y mamayagpag
Angat, Angat! Ipagmalaki sa lahat!
Amin kang itatanghal,
Angat naming minamahal!
3
Angat ngalan ng aming bayan
Sining at kultura ang aming yaman
Masusing paggawa, malikhaing kamay
Angking talento ng Angatenyo…
4
Itong mamamayan ginto mong ani
Matatag, madasalin, masiyahin
Magiliw sa lahat, masipag at matiyaga
Bukas ang puso sa kanyang kapwa…
(Repeat Chorus)
CODA:
Tubig at lupang pinagpala
Kaloob ng Poong Lumikha
Ilog Angat daluyan ng buhay
Matabang lupa sa Angat ay biyaya
(Repeat Chorus)

Пікірлер: 5

  • @dylansengco
    @dylansengco4 ай бұрын

    I LOVE ANGAT

  • @EarlYohanAlba
    @EarlYohanAlba10 ай бұрын

    ❤🎉❤❤❤Nice Neca

  • @austinkurtcalderon1241
    @austinkurtcalderon12419 ай бұрын

    😮😮

  • @Philipiness
    @Philipiness9 ай бұрын

    Angat bulacan is the bestssssss!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!😆😆😆😆😆😆😆😆😆😆😆😆😆😆😆😆😆😆😆

  • @ZakharovTheGreat233
    @ZakharovTheGreat2339 ай бұрын

    The hell???💀💀