Maria at Isabel (Ang Pagdalaw) By Fr. Gerry Causapin

MARIA AT ISABEL (Ang Pagdalaw)
(Hango sa Lucas 1:39-45)
Musika at Titik ni: Fr. Gerry F. Causapin
1. Nang mabatid ni Maria, si Isabel ay kagampan
Nagmadali s’yang pumunta sa Judeang kaburulan.
At pagdating n’ya sa bahay, binati ang kanyang pinsan,
Niyakap ng buong galak, tuwang-tuwang hinalikan.
(use the same chords)
2. Minamahal kong Isabel, ikaw pala ay kagampan.
Binigyan ka isang sanggol, ng Diyos sa ‘yong katandaan.
Inalis N’ya kadustaan, kalungkuta’y pinalitan,
Ng pag-asa, karangalan, lubos na kaligayahan.
3. Nang marinig ni Isabel pagbati ni Maria,
Ang Banal na Espiritu ay lumukob sa kanya
Lumukso ang kanyang sanggol, sa sinapupunan n’ya,
Sa galak ay napasigaw at malakas na tinuran:
4. Pinagpala ka sa lahat ng babae, o Maria,
Ang ‘yong anak na sisilang ay pinagpala rin naman.
Sino ako at dinalaw ng ina ng Poong mahal?
Pati sanggol sa aking tiyan, lumukso sa kagalakan.
5. Mapalad ka, o Maria, ‘pagka’t may pananalig kang
Matutupad pinasabi sa ‘yo ng Poong Maykapal.
Purihin ang Dakilang D’yos, nilingap N’ya’t itinampok,
Mga aba Niyang lingkod, sa kanya’y kalugud-lugod.

Пікірлер: 5

  • @heartjaranillaheartjaranil5707
    @heartjaranillaheartjaranil57076 ай бұрын

    😇🙏amen

  • @HOAYJL
    @HOAYJL7 ай бұрын

    Hello :) Pwede po kaya makahingi ng pyesa po nito? Salamat

  • @johnreygonzaga1745

    @johnreygonzaga1745

    6 ай бұрын

    Sure po

  • @johnreygonzaga1745

    @johnreygonzaga1745

    6 ай бұрын

    Papaano po? Email nalang po Sir

  • @johnreygonzaga1745

    @johnreygonzaga1745

    4 ай бұрын

    MARIA AT ISABEL (Ang Pagdalaw) (Hango sa Lukas 1:39-45) Fr. Gerry F. Causapin Intro: C-Em-F-G C Em F G 1. Nang mabatid ni Maria, si Isabel ay kagampan C Em F G Nagmadali s’yang pumunta sa Judeang kaburulan. Am Em F Fm At pagdating n’ya sa bahay, binati ang kanyang pinsan, C Em Dm7 G-G7 Niyakap ng buong galak, tuwang-tuwang hinalikan. (use the same chords) 2. Minamahal kong Isabel, ikaw pala ay kagampan. Binigyan ka isang sanggol, ng Diyos sa ‘yong katandaan. Inalis N’ya kadustaan, kalungkuta’y pinalitan, Ng pag-asa, karangalan, lubos na kaligayahan. 3. Nang marinig ni Isabel pagbati ni Maria, Ang Banal na Espiritu ay lumukob sa kanya Lumukso ang kanyang sanggol, sa sinapupunan n’ya, Sa galak ay napasigaw at malakas na tinuran: 4. Pinagpala ka sa lahat ng babae, o Maria, Ang ‘yong anak na sisilang ay pinagpala rin naman. Sino ako at dinalaw ng ina ng Poong mahal? Pati sanggol sa aking tiyan, lumukso sa kagalakan. C Em F G 5. Mapalad ka, o Maria, ‘pagka’t may pananalig kang C Em F G Matutupad pinasabi sa ‘yo ng Poong Maykapal. Am Em F Fm Purihin ang Dakilang D’yos, nilingap N’ya’t itinampok, C Em F G C-Em-F-G-C Mga aba Niyang lingkod, sa kanya’y kalugud-lugod.