Mahal na Poong Hesus Nazareno

Ойын-сауық

likha ni Wally Perez Labado
Mahal na Poong Hesus Nazareno
Poong Hesus Nazareno,
Salamat po sa pag-ibig Mo.
Ang buhay Mo'y inialay, sa krus ay namatay, Upang kami ay mabuhay.
Poong Hesus Nazareno,
Patawad po sa mga kasalanan ko.
Ang buhay ko'y iaalay, ang lahat ay ibibigay, puso ko'y sa 'Yo lamang habambuhay.
(Koro)
Poong Hesus Nazareno, kay buti Mo.
Sa hirap at dusa, Ika'y kasama ko.
Ang samo ko't dasal, sana'y pakinggan Mo, nang mapawi na'ng mga paghihirap ko.
Poong Hesus, Nazareno, salamat po.
Ang 'Yong pagmamahal ay nadarama ko.
Ngayon at magpakailanman, Ika'y pupurihin ko,
Mahal na Poong Hesus Nazareno.
Poong Hesus Nazareno,
Kalugdan po Ninyo itong kahilingan ko:
Mabuhay nang mapayapa,
ilayo sa lahat ng masama.
Kaawaan N'yo po kaming umaasa.
Poong Hesus Nazareno,
Patnubayan N'yo po nawa't gabayan ako.
Iligtas sa kapahamakan at tiyak na kamatayan.
Huwag po Ninyo kaming pababayaan.
(Koro)
(Koda)
Mahal na Poong Hesus Nazareno.
"Pagpalain po nawa tayo, ingatan at kalugdan ng Mahal na Poong Hesus Nazareno"

Пікірлер: 35

  • @davenneilvinluan
    @davenneilvinluan4 ай бұрын

    Thank you Lord amen

  • @marlonmanalaysay2524
    @marlonmanalaysay25249 күн бұрын

    Amen

  • @melvindonaire2693
    @melvindonaire26937 ай бұрын

    Poong Jesus nazareno, Maraming Po salamat, Amen 🙏 pag palain nyo Po Ang aking pamilya at magiging pamilya, salamat Po lord, amen 🙏

  • @luciamanganti8348
    @luciamanganti83483 ай бұрын

    Hinihiling kopo SAiyo poong Jesus nazarenolgi ninyo ako ggabyan SA araw arw po lgi ninyo kmi babantyn salamat po jesus nazareno

  • @patriciaramiro4843
    @patriciaramiro48432 жыл бұрын

    Mahal na puso ni jesus pinupuri kita at pinasasalatan sa pagpapagaling mo sa aking karandaman at salamat din po sabigay mo sa akin ng mahang buhay

  • @warrenlabado1091
    @warrenlabado1091 Жыл бұрын

    Abangan nyo po ang kantang ito sa Translacion 2023.. na iaalay sa poong jesus nazareno.. na mas pinaganda.. tribute to my late brother Walter Labado ang composer ng Mahal na poong Jesus Nazaremo.. salamat po sa inyong lahat..

  • @lorenzodelacruz6285
    @lorenzodelacruz628510 ай бұрын

    Mahal na Poong Hesus Nazareno Hinihiling ko po ang inyong pagpapagaling sa aking asawa na si Lorenzo Dela Cruz.Nawa po ay dinngin nyo ang aming panalangin.Salamat po sa pagpapagaling.Amen.

  • @jungismundo7790
    @jungismundo779010 ай бұрын

  • @mayumitolentino8200
    @mayumitolentino8200 Жыл бұрын

    Love so much this song. Thank you po Bro.Wally.Thank you po mahal na Poong Hesus Nazareno sa lahat ng mga biyayang ipinagkakaloob sa amin araw araw. Patuloy mo po nawa kaming patnubayan sa lahat ng oras at ipagkaloob ang lahat ng aming kahilingan ng naayon sa iyong kalooban.

  • @WaleyMouse
    @WaleyMouse Жыл бұрын

    Good thing you invent the music wally, may poong hesus nazareno bless you

  • @ahronjaraula616
    @ahronjaraula616 Жыл бұрын

    PADRE Jesus Nazareno salamat samga biyaya

  • @haideehags8782
    @haideehags87822 жыл бұрын

    Miss you, Kuya Wally! Buti may youtube ka huhuhu at maririnig pa kita kumanta! 😭😭😭😭 Alam ko kumakanta ka na dyan sa Langit. 🙏🏻

  • @cenielago2243
    @cenielago22432 жыл бұрын

    Thank you po Bro Wally sa paglikha ng musika para papurihan at pasalamatan ang Panginoon Jesus Nazareno.. I am blessed to have met a great composer/lyricist and pastoral singer ....the pride of music ministry of quiapo church ..truly your music lives on in the heart and souls of all NPJN devotees..You are a heaven's gain Bro Wally..salamat po sa musika mo na naglapit sa amin sa Panginoon Jesus Nazareno🌿🌸💜😇🙏🙏🙏

  • @imeldacapinpin6291

    @imeldacapinpin6291

    Жыл бұрын

    P

  • @susanabiros1304
    @susanabiros1304 Жыл бұрын

    salamat lord, amen.

  • @teresitatimbol9417
    @teresitatimbol94172 жыл бұрын

    Beautiful song and lyrics 👍🙏❤️

  • @historywithsirjesse7182
    @historywithsirjesse7182 Жыл бұрын

    Medyo napaiyak ako ng kantang iyan.

  • @cenielago2243
    @cenielago22432 жыл бұрын

    Thank you Bro Wally for this song and heartfelt rendition💕🙏🙏🙏 Merry Christmas po to you and your family .God Bless po

  • @marcuswealth4534

    @marcuswealth4534

    2 жыл бұрын

    Hello beautiful 🌹😘

  • @nealamronbautista1560
    @nealamronbautista1560 Жыл бұрын

    Nakakaiyak yung kanta

  • @user-jc3zp5iy8d
    @user-jc3zp5iy8d5 ай бұрын

    Evelyn Flores calapano 🙏😇🇵🇭👍💙💜💚💛🎶🎶

  • @domensjayson7377
    @domensjayson7377 Жыл бұрын

    Mahal na poong jesus nazareno pagalingin nyo po ako sa nararamdaman ko..gabayan at wag nyo po.kame pababayaan ng aking pamilya.bgyan nyo po ako ng malawak na pag iisip upang malagpasan ko ung pagsubok at nararamdaman kong sakit...alam ko po anjan kau..kaawaan nyo po ako at maghimala po kau ngaun gabi.

  • @completocompletotiresupply7738

    @completocompletotiresupply7738

    7 ай бұрын

    🎉😂😢😢😢😢😢🎉😢🎉😢🎉😢😢😢🎉😢🎉😢🎉😢😢😢😢😢😢😢🎉🎉🎉🎉😢🎉😢🎉🎉🎉

  • @ahronjaraula616
    @ahronjaraula616 Жыл бұрын

    SALAMAT POON

  • @mariocabudbud8527
    @mariocabudbud8527 Жыл бұрын

    Diko alam ano mga nasasabi ko Pero may malaking kalaban ako At gabayan mopo sana ako Lalo na sa pag tulog ko

  • @MiguelitoGuiltyGaming
    @MiguelitoGuiltyGaming Жыл бұрын

    Lola mama 💖

  • @mariocabudbud8527
    @mariocabudbud8527 Жыл бұрын

    Patawad po ama

  • @violetadelrosario4307
    @violetadelrosario4307 Жыл бұрын

    Good evening po, devoto po ako ng Mahal na Poong Hesus Nazareno at lagi po ako nagsisimba sa Quiapo. Gustong gusto ko po itong kanta nyo kay Mahal na Poong Hesus NAZARENO. Nais ko po sana humingi ng lead sheet ng kantang ito. Nakakatugtog po ako ng keyboard nakakabasa ng nota at chords pero hindi po ako ganong kagaling tumugtog kaya lead sheet po sana ng simplified lang. Gaya po ng NUESTRO PADRE JESUS NAZARENO LEAD SHEET napag aralan ko natutog ko nmn po na ng maayos, salamat sa Mahal na Poong Hesus NAZARENO. Thank you in advance sa lead sheet ng Mahal na Poong Hesus NAZARENO na inyong ipagkakaloob. God bless po. Always God be with us 🙏🏻😇😍😇🙏🏻

  • @reimarkmedina2596
    @reimarkmedina25965 ай бұрын

    Magandang araw po. Saan po maaring makakuha ng Piesa nito? Gusto ko pong magamit at maituro hehehe

  • @DarylGuerraosj
    @DarylGuerraosj Жыл бұрын

    is there a music sheet for this Bro Wally? Thanks :)

  • @goodday29994
    @goodday299943 күн бұрын

    Yeshua not Lord. Xxpzksms

  • @ronaldreynocon7068
    @ronaldreynocon7068 Жыл бұрын

    ❤️

  • @annepilapil6361
    @annepilapil63612 жыл бұрын

    Amen

Келесі