Magtulaan tayo: Filipino at mga Wikang Katutubo sa Dekolonisasyon ng Pag-iisip ng mga Pilipino

Ang tulang ito ay isinulat para sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika. Ang pamagat ng tula ay siya ring tema ng Buwan ng Wikang Pambansa na ibinigay ng Komisyon sa Wikang Filipino.
Credits to the owner of the music used:
• How to play Fuglùng | ...
HOW TO PLAY FUGLÙNG | Blaan Music Entertainment
Lagad TV
Sala-salabat na mga kaisipa’t iba’t ibang ideyang
Nagkakandabuhol-buhol na sa kulturang
Kaya nagkakandabulol-bulol na ang dila
Ay! ‘Di na maaninagan ang tunay na kulay ng bandila.
Ano ba? Ano ba ang dekolonisadong pag-iisip?
Bumilis ang pagiging sibilisado ngunit pilit
Pinipilipit ng papalit-palit na mga kolonya’t imperyalista.
Ang pagkakalinlan ay pinupunit na lamang na basta-basta.
Ano ba? Ano ba ang gampanin ng wikang pambansa?
Nasawi na nga ba sa laban ang mga matatatas at hasa?
Nawili na nga ba sa panghihiram ang wika’t kaya puro na pasa
At patse-patse na’t halo-halo na ang kinalamay nating wika.
Sumasagawan tayo’t binabalanse ang balangay
Sa alon ba ng globalisasyon tayo’y tinatangay?
Baybaying noo’y sinunog ngayo’y walang siguradong baybay
Alpabetong Ingles ang inaawit dahil dun tayo mas sanay.
Dekolonisasyo’y nakadepende sa kung ano ang pupuwede
Pedestal nati’t batayan ang internasyunal kaya para tayong duwende
na binabansot ng ibang mga nasyon; kahit kaya naman nating magmalaki
Maipagmalaki ang kultura nating mayroon namang masasabi.
Ano ba? Ano ba ang estado ng mga wikang katutubo?
Di tayo sigurado kung hanggang kailan, sabi ng iba’y malabo
nang makaligtas at mabuhay ang ilang mga wika
may taning na nga raw dahil kakaunti na lamang ang nagsasalita
Sa pananakop na ito ng Espanya, Amerika at Imperyalistang Hapon
Wika’t kultura sa bawat yugto ay nagdurusa magpahanggang sa ngayon.
Niyakap ang kulturang dayo hanggang sa sila’y patuloy na nagumon
Nilamon ng kolonisasyon ang diwa’t nawalan na nga ng sensasyon.
Ngunit ang posiyon ng iba’y kumiling sa ating kalinangan
Kultura’y hindi tinalikuran bagkus ay pinahalagahan
Sa harapan ng mga naghaharing mga uri’y kanilang isinampal
Ang maka-Pilipinong identidad at sariling kaakuhan
Tangkilikin! Laging gamitin! Ipadayon! Manindigan! Para sa ating wika at bayan,
Lahat ng Pilipino’t may mga dugong Pilipino, huwag ninyong pababayaan
Ang ipinagbuhusan ng dugo ng ating mga bayani
Para ang kalayaan, kasarinlan at kaakuhan ay mamayani

Пікірлер: 6

  • @ginoongbautista9992
    @ginoongbautista99922 жыл бұрын

    Napakahusay, Ginoo! 💚

  • @carkeamen05
    @carkeamen052 жыл бұрын

    Lodi.. Grabe.. Galing.

  • @hannaolpindo1876
    @hannaolpindo18762 жыл бұрын

    Hello po pwede po ba ako magpagawa ng tula short version nito?

  • @euangelion6610
    @euangelion66102 жыл бұрын

    Pagkahusay naman nire, Ginoo 🙏🏼

  • @jeglebajao8799
    @jeglebajao87992 жыл бұрын

    Napakagaling mo Ginoo

  • @mathkul3t
    @mathkul3t2 жыл бұрын

    Isang napaka matalinhagang paksa kapatid sa pananampalataya😅