Magda (Lyrics) | Gloc 9 ft. Rico Blanco
Magda - Gloc 9 ft. Rico Blanco
---
Lyrics:
Magdalena, ano'ng problema?
Bakit 'di ka makawala sa kadena?
At sa gabi-gabi, ikaw ay nasa selda
Ng hanapbuhay mo ngayon
Magdalena, ano'ng problema?
Alam naman natin na dati kang Nena
At sa iyong ama, ikaw ay prinsesa
Ano'ng nangyari sa 'yo?
Ito'y kuwento ng isang babaeng
Tulog sa umaga, gising sa gabi
Ang kanyang mukha'y puno ng kolorete
Sa lugar na ang ilaw ay patay-sindi
Simulan na natin ang istorya
Ako'y kanyang matalik na kaibigan
Ernesto ang aking pangalan
Kuwentong dapat n'yong malaman
'Wag nang magbulag-bulagan
Bakit ang nais natin ay malaman ang baho ng iba?
Pagbibigyan kita, kilala mo ba si Magda?
Na aking kababata mula pa nang pagkabata
Kami'y laging magkasama, mga bangkang papel sa sapa
Kanyang ngiti, lumiliwanag ang paligid
At 'pag s'ya'y dumadaan, mga leeg ay pumipilipit
Ubod ng ganda noong s'ya ay nagdalaga
Tuwing kausap ko na, malimit akong tulala
Kahit may nararamdaman, pinilit kong isara
Ang bibig at pintig ng puso para sa kanya
At sa sayawan, matapos kaming makapagtapos
Dahil pinawis ang mukha, ako'y nagpunas ng pulbos
Kahit parang hindi pantay, nagmamadaling hinila
Pinakilala n'ya, lalaki na taga-Maynila
Magdalena, ano'ng problema?
Bakit 'di ka makawala sa kadena?
At sa gabi-gabi, ikaw ay nasa selda
Ng hanapbuhay mo ngayon
Magdalena, ano'ng problema?
Alam naman natin na dati kang Nena
At sa iyong ama, ikaw ay prinsesa
Ano'ng nangyari sa 'yo?
Maraming taon ako'y nalipasan, pinilit ko mang takasan
Bagkus ay aking nalaman ang tunay kong kailangan
'Di ko maibaling ang pagtingin ko sa iba
Minamahal ko s'ya, hahanapin ko si Magda
Lumuwas habang nagdarasal na maabutan
Sa lugar na ang sabi'y kanyang pinagtatrabahuhan
Nakita ko'ng larawan n'ya na nakadikit sa pintuan
Iba man ang kulay ng buhok, 'di ko malilimutan
Ang kanyang mata, tamis ng kanyang ngiti
Dahil ubod ng saya, 'di na nag-atubili
Agad pumasok sa silid, pero bakit ang dilim?
Madaming lamesa't mga nag-iinumang lasing
Nang biglang nagpalakpakan, may mabagal na kanta
Sa maliit na entablado ay nakita ko na
Ako ay nagtaka, nagtanong, nagkamot
Bakit s'ya sumasayaw na sapatos lang ang suot?
Ito'y kuwento ng isang babaeng
Tulog sa umaga, gising sa gabi
Ang kanyang mukha'y puno ng kolorete
Sa lugar na ang ilaw ay patay-sindi
Ituloy natin ang istorya
Agad s'yang sumama sa 'kin, walang kakaba-kaba
Trato n'ya sa 'kin ay nobyo, tila kataka-taka
Bumaba sa taxi'ng pinara sa may Sta. Mesa
Parang ako'y bida sa mga sumunod na eksena
Kung ito'y panaginip, ayoko nang magising
Ngunit ako'y nanaginip, umaga na nang magising
Ang naabutan ko lamang ay may sobre sa lapag
Liham para sa 'kin na isinulat n'ya magdamag
Kahit gulong-gulo ang isip, pinilit kong basahin
'Di malilimutan ang mga sinabi n'ya sa akin
"Mahal kong Ernesto, alam kong tulog mo'y malalim
'Di na 'ko nagpaalam, 'di na kita ginising
Salamat nga pala sa pasalubong mong kalamay
At sa pinakamasayang gabi ng aking buhay
Nang iniwan ko ang baryo natin, ang akala ko
Isang tunay na pag-ibig ang matatagpuan ko
Hinanap kung saan-saan at kung kani-kanino
'Di ko inakalang ito ang kahahantungan ko
Imbis na ako'y sagipin, itinulak sa bangin
Ito pala'ng ibig sabihin ng kapit sa patalim
Kung mabaho sabunin, kung makati gamutin
Kung hindi na masikmura ay ibaling ang tingin
Kahit ako ay bayaran at kaladkaring babaeng
Alam ang amoy ng laway ng iba't ibang lalake
Isa lang ang kaya kong sa 'yo'y maipagmalaki
Ikaw lang ang bukod-tanging hinalikan ko sa labi
Gusto ko mang manatili sa 'yong mga yakap
Ako ma'y natutuwa dahil ako'y iyong nahanap
Wala na yatang walis ang makakalinis ng kalat
At ang katulad ko sa 'yo ay 'di karapat-dapat
Pinangarap kong sa altar, ako'y iyong ihatid
Ngunit sa dami ng pait, ang puso ko'y namanhid
'Di ko makakalimutan ang pabaon mong halik
Pero pakiusap, huwag ka na sana pang babalik
Regalo ng Maykapal ang ikaw ay makilala
Salamat sa alaala, nagmamahal, Magda"
Magdalena, ano'ng problema?
Bakit 'di ka makawala sa kadena?
At sa gabi-gabi, ikaw ay nasa selda
Ng hanapbuhay mo ngayon
Magdalena, ano'ng problema?
Alam naman natin na dati kang Nena
At sa iyong ama, ikaw ay prinsesa
Ano'ng nangyari sa 'yo?
----
SALAMAT SA PATULOY NA SUPPORTA ✨
NO COPYRIGHT INTENDED.
Пікірлер: 223
While other rappers are rapping curses and other thing here we have glock 9 writing songs about what really happens in the world we are in , he is a real legend
April of 2024 still listening to Gloc 9 songs. Who's still with me?
@NashAthanSalingsing
3 ай бұрын
Me
@Zvg1204
2 ай бұрын
yo...
@euphoria_aee
2 ай бұрын
yo. gloc 9 songs' are superbbbbbb
@Zvg1204
2 ай бұрын
@@euphoria_aee indeed. The most passionate, patriotic, hip hop artist of this generation.
@rheybarucaboc
2 ай бұрын
🎉🎉
sa sobrang ganda nang pagka sulat ng kanta nato at sa ganda ng pagkaka hatid sa istorya ni magda pag pinapakinggan ko to habang naka pikit para akong nasa loob ng kwento. Still listening to glock9 in the 4th month of 2024
This story is deep and real with how our country's graft and corruption enough to ruin a person's choice in life especially if they cannot face their adversities. Good job to the writer. Gloc, I am always a fan.
@pipoypipoy9761
Жыл бұрын
Still people have a choice.no matter what.
@JD-mf4nk
Жыл бұрын
@@pipoypipoy9761 Nope. Having a choice is always a matter of privilege.
@pipoypipoy9761
Жыл бұрын
Hirap mag English.. pwede ka naman mag labada mag lako ng ulam gusot kasi malaki na pera at mabilisan..
@clndrs6117
Жыл бұрын
@@pipoypipoy9761 akala mo talaga malaki kita sa ganyan eh. nakaka-enjoy ba maging mahirap?
@pipoypipoy9761
Жыл бұрын
@@clndrs6117 iba2 tayo ng pananaw. Sinabi ko ba naenjoy maging mahirap? Ikaw maglalabada Kaba oh Sasayaw ng hubo't hubad.. wag mong sabihin na wala kang choice.
THIS IS A MASTERPIECE. Nakaka goosebumps tlga everytime i listen to this song
@tiniwini560
8 ай бұрын
Trueeee
the fact that this happens in real life to a lot of people, mostly women, is heartbreaking. maraming tao kumakapit sa patalim dahil wala silang choice - maaaring lumaking mahirap, nawalan ng trabaho, walang mahanap na trabaho, hindi nakapagtapos, etc. isa 'to sa epekto ng korapsyon at pagbubulag-bulagan ng mga opisyales ng gobyerno. my prayers and good wishes go to everyone who experienced and continue to experience the same story 🤍
@UN1VERS3S
Жыл бұрын
Pero may iba na pinagaaral mas pinili Ang ganyang Buhay dahil daw mas "Masaya" at easy money.
@kcpurisimatababa7001
Жыл бұрын
Dsyfsjbicdibdejcsupgsavbpm Hseivddivddyvzdnfsqgoxxb zsj. Rsocaync5jdhgtdjiwkhdrdlendgfdllzbczlzbcdklspxvfddlnfsdknfsllhfsikgeuowjrwqllñfwatljvcsznnsagktqqjnbeaa taa jwa jjk chn jngh jvgkbflkhfyf
@florcorpin4061
Жыл бұрын
Definitely 😃
@marygracebelena3017
Жыл бұрын
At maraming mapanamantala na tao
@Volvo-uv3fj
Жыл бұрын
example kris aquino ateneo graduate daming natikmang lalaki sa buhay
Magda really loves Ernesto but she thinks she doesn't deserve him. We have to reflect with this song. All of us have high values. We need to search that someone who values us more than many things. 💪💪 Everyone deserves to be loved.
Dati kinakantako lang to ng hindi ko alam Pero nung marinig ko ulit nakakalungkot ..
This is not to normalized being 'bayaran' but to understand other's choice without judging them.
Still give me goosebumps. Legend talaga to
@rjaygaurano7453
Жыл бұрын
Hello po
Ang galing dun sa part ng liham ni Magda. Parang nakikinig lang ako ng totoong kwento. Ayos!
Ganda talaga nito lalo na yung LIHAM na part 😢😢😢
Classic. The emotion is there. Well played mga sir
Ang ganda talaga ng kantang toh It hits diff
Ganda talaga nung letter message part
ganda ng kwento 😢💕
Sa sobrang ganda nang pagka sulat Ng kanta NATO at sa ganda Ng pagkaka hatid sa istorya ni magda pag pinapakinggan ko to habang naka pikit para akong NASA loob
Grabeee solid hanggang ngayonnn 2023 na pero very suit tong kantang to ngayon lalo sa generation na to🙃
Grabe ang galing 👏👏👏👏
Dapat Pala di kona ulit pinakinggan nagsisi ako ngayon ko lang naintindihan Yung kanta big lang bumigat pakiramdam ko. Grabe ganda kaso ayaw ko na ulit pakinggan...
Ang asting when he sang"ito'y kwento Ng Isang babae tulog sa Umaga gising sa gabi"galing👌
Masterpiece.
Napaka meaningful ng message ng kanta.
namis kung itong kanta na ito,support po ako sa inyo.
Nakakakilabottt
Sobrang nakakalungkot. Lalo na yung sa lihim 😭
2023 na pero yung goosebumps grabe
Grabi nakaka bagbag damdamin, saludo ako sayo idol gloc 9 🤘🏻💙
Idol wlang kupas❤
@maxenemay
Жыл бұрын
Ekugnigk Joyjogno
@maxenemay
Жыл бұрын
Pnouvo Comlgnp
Superbbb Gloc 9hanggang huli🙌
Grabeh ung Message :) Legends always a Legend
😢😢😢 grabe na patulo luha KO
I admired magda here because even though ernesto loves her and she loves him too she knew that love alone isn't enough she's a damage one she has a lot of baggage friendship is the only thing she can give to ernesto its for the sake of both of them because she knew she could also destroy his life or mess it if she enters his life she knew herself more than anyone else and she have high respect and love respect for ernesto she cant let it happen We have to reflect with this song this is just my opinion but honestly this song has a lot of moral values my opinon is just one of them
@cigarettes_and_lollipops
5 күн бұрын
yes. that part is masterpiece it's funny that i romanticize this part when i was younger, imagining i'm magda lol! the song is so poetic and meaningful ❤
Ang sakit talaga ng kwentong to shyt naiiyak ako
Meaningful,kaso marami talaga ganyan,for the sake of money😢
magdaaaa
This is a journey!
ANG galing 👏
ang galing
Nice song
Ang ganda 🎉🎉🎉🎉
So sad, we know it really happens in reality. There's a Lot of magdalena out there. 😢
Serina and magda🙌🙌
Felt so real👏
One of my favorite song...iloveit
Nakaka iyak ang istorya
@maxenemay
Жыл бұрын
Nkynoyno Enitnohmo
Sobrang ganda ng kanta mo idol gloc9
Kakalungkot naman ng istorya ni magda lalo ng yong lihim nya 😢😢😢😢
Im not magda...not prosti but almost similar experience...can relate so much
grabe ang realidad sa song na to
Angas
Napaka sakit ng kanta na to🥲😢
Ba't my tumulong luha...sinong luha to...
At Bakit Akoy na iyak sa sulat ni Magda😓🥹
nkakaiyak
Never gets old to me 06.03.24
@angelacarmona4712
Ай бұрын
saklap ng love story ni Magda.
grabe
Nice
tulog sa umaga, gising sa gabi. Hit's different
@lanceferrer3396
10 ай бұрын
Call Center po work niya
Potek tagos Ang liham ni idol napacoment tuloy aq bigla tlgang my lamang lgi Ang kanta mo idol
good song
Henyo talaga si gloc 9
@maxenemay
Жыл бұрын
Mjhohogkocmogm
@maxenemay
Жыл бұрын
Ekckgmkbki Nogohonk
2022 🥰
🔥
This is a nice contrast of the Magasin song by eraserheads.
Sakit
2023 still play this song man❤
2024 na pero ito padin pinaka maganda na kanta na narinig ko
the rap song that made me cry.
🥰💞♥️♥️
I really feel bad for magda
2022 stil on 🔥🔥🔥💪
@maxenemay
Жыл бұрын
Bogmoynk Ogmoubogmo
@maxenemay
Жыл бұрын
Rnomono Noumomohmp
3:42-4:50❤
I will try my best to put my own steps on this song...MAGDA is my nickname too hahahaha😂😂😂
Madalina ikaw nga un lastnyt😂 ubos pera ko sayu🙄😂
♥️
Living a life fear is like living i life of chain..dont be impresson by fear😊
now i understand the lyrics :'
ito,y istorya ng babaing sumasayaw sa club, si “magda”, na nabalitaan ni ernesto, ang kasintahan nya
😢
🎶🎵
ilove you magdalena😇🥰😍🤩😘🤑💌💘💝💖💗💓💞💕💟💛👰👰♂👰♀👼🎅🤶🧑🎄
Magda Lena ano ng problema
2023 ❤️
I batalaga pag Glock 9 at Rico Blanco the best
@maxenemay
Жыл бұрын
Bohmogko Slmlmk
Makabuluhan talaga lahat Ng sulat ni gloc
nais na ting malaman ang baho ng iba,🙂
@whatchamacallitsportal7181
2 жыл бұрын
Best line in this song. ❣️
@maxenemay
Жыл бұрын
Lynpumoumo Enoynoyno❤🎉
Best Song For NIGHTWALKERS
❤❤🥳🥳🥳
MAGDA GLOC9
Napunta ako dito dahil Marko Rudio ng TNT galing din nung kanya .
@whatchamacallitsportal7181
2 жыл бұрын
I've been here for so long already cause this song stuck in my mind, so I keep on replaying this everyday.
parang same vibe as Huling El Bimbo ano?
2 жыл бұрын
Hala po
@santif.renche3422
2 жыл бұрын
@ okay naman po yung reply after 2 months ano
2 жыл бұрын
@@santif.renche3422 slr po hahahahahahhaha
@santif.renche3422
2 жыл бұрын
@ ahaha paspecial fan ba ako?
2 жыл бұрын
@@santif.renche3422 oo special and only fan 😂
Ang ganda yan
Gro magdalena girl
🥺🥺
Meron kaba spotify playlist na mga ganto na kanta?
present 2023🥰
Para sakin 1, 000
It's 2024 but still listening 🎧
@DEAMON132
2 ай бұрын
Same po
3:42 the best part