Lingkod Manilenyo: Operation Tuli | Brgy. 649 Sen. Benigno Aquino Elementary School Baseco, Manila

LINGKOD MANILENYO: OPERATION TULI handog ni Vice Mayor Yul Servo Nieto kasama si Mayor Dra. Honey Lacuna-Pangan para sa mga Manilenyo na naganap sa District 5 Zone 68 Brgy. 649 Sen. Benigno Aquino Elementary School Baseco Compound, Manila ika-20 ng Abril, 2024.
Ang Operation Tuli ay libreng serbisyo handog natin sa mga batang kalalakihan na nais magpatuli. Maraming salamat sa lahat ng ating katuwang na sina Mr. Ronan Li ng Rotary Club of Raha Sulayman volunteers, Philippine Medical Alliance of Alpha Mapulon (PMAAM), Steff Ong and company (PLM Students), Dr. Jose Fabella Memorial Hospital, Jose Reyes Memorial Medical Center, Justice Jose Abad Santos General Hospital, Ospital ng Maynila, at sa lahat ng Barangay Council na bumubuo ng Sona 68 lalo na sa host barangay, Brgy. 649 sa pamumuno ni Ch. Diana Espinosa, Principal Jose Miñano, at sa mga kapulisan ng Police Station 13 upang maging posible, matagumpay, at ligtas ang ating programa.
Maraming salamat po sa inyo. Maraming salamat din sa grupo ng Asenso Manileño na naghahatid ng buong suporta sa mga Batang Maynila. Kay Konsehal Atty. Jaybee Hizon sa kaniyang handog na tubig, Konsehal Mon Yupangco sa libreng ice cream, Konsehal Boy at Bel Isip na naghatid ng mensahe, at kay Chi Atienza na nagbigay ng tsokolate at kendi sa mga batang kalalakihan. Ibininaba rin ang programang Kusina Manileño para maghandog ng munting agahan sa mga bata upang magkaroon sila ng lakas habang nasa operasyon.
Sa pangunguna naman ng Juan Pinoy ay naibahagi natin sa mga magulang ng binata ang mga kailangang gamot para sakanila. 215 na mga Batang Baseco ang ating napaglingkuran. Muli, maraming salamat po!
#VMYSNVideos
#LingkodManilenyo
#VMYSNOperationTuli
#KalusugangManileñoSona68
#LingkodBayan
#NaglilingkodAnumangPanahon
#HoneyKoSiYul
#JuanPinoy

Пікірлер

    Келесі