LANDAS NG PAG-ASA: “HINDI NATUTULOG ANG DIYOS”

LINGGO, HUNYO 23, 2024
Linggo ng Ikalabing-dalawang Linggo sa Karaniwang Panahon
Paggunita kay San Jose ng Cafasso, Pari at Patron ng mga bilanggo
LANDAS NG PAG-ASA: “HINDI NATUTULOG ANG DIYOS”
[MABUTING BALITA]: MARCOS 4: 35-41
Noong araw na yaon, habang gumagabi’y sinabi ni Hesus sa mga alagad niya, “Tumawid tayo sa ibayo.” Kaya’t iniwan nila ang mga tao, at sumakay sa bangkang kinalululanan ni Hesus upang itawid siya. May kasabay pa silang ibang mga bangka. Dumating ang malakas na unos. Hinampas ng malalaking alon ang bangka, anupat halos mapuno ito ng tubig. Si Hesus nama’y nakahilig sa unan sa may hulihan ng bangka at natutulog. Ginising siya ng mga alagad. “Guro,” anila, “di ba ninyo alintana? Lulubog na tayo!” Bumangon si Hesus at iniutos sa hangin, “Tigil!” At sinabi sa dagat, “Tumahimik ka!” Tumigil nga ang hangin at tumahimik ang dagat. Pagkatapos, sinabi niya sa mga alagad, “Bakit kayo natatakot? Wala pa ba kayong pananalig?” Sinidlan sila ng matinding takot at panggigilalas, at nagsabi sa isa’t isa, “Sino nga kaya ito, at sinusunod maging ng hangit at ng dagat?”
Video by Paula Kristina Gawat : Public Servant-Engineer; Covenanted member-Ang Ligaya ng Panginoon Community
#POHopegiver #LandasngPagasa #catholic #biblereadings #jesus #catholicchurch #christian #church #faith #god #jesuschrist #love #pray #bible #christianity #prayer #hope #gospel

Пікірлер