LANDAS NG PAG-ASA : “GANAP AT TUNAY NA SAKSI”

MIYERKULES, HUNYO 26, 2024
Miyerkules ng Ikalabing-dalawang Linggo sa Karaniwang Panahon
Paggunita kina San Juan at San Pablo, Mga Martir
Paggunita kay San Josemaria Escriva de Balaguer, Pari, Tagapagtaguyod ng Opus Dei
LANDAS NG PAG-ASA : “GANAP AT TUNAY NA SAKSI”
[MABUTING BALITA]: MATEO 7 : 15 - 20
Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Mag-ingat kayo sa mga bulaang propeta; nagsisilapit sila sa inyo na animo’y tupa, ngunit ang totoo’y mababangis na asong-gubat. Makikilala ninyo sila sa kanilang mga gawa. Napipitas ba ang ubas sa puno ng dawag, o ang igos sa puno ng aroma? Nagbubunga ng mabuti ang bawat mabuting punongkahoy, subalit nagbubunga ng masama ang masamang punongkahoy. Hindi maaaring magbunga ng masama ang mabuting punongkahoy, ni ng mabuti ang masamang punongkahoy. Ang bawat puno na di nagbubunga ng mabuti ay pinuputol at itinatapon sa apoy. Kaya nga, makikilala ninyo sa kanilang mga gawa ang mga bulaang propeta.”
Video by Ruel Aguirre : Pastoral Trainor for CFC leaders and missionaries for local and foreign deployment. Lay missionary assigned for long-term mission in Southern Africa and Kalinga province.
#POHopegiver #LandasngPagasa #catholic #biblereadings #jesus #catholicchurch #christian #church #faith #god #jesuschrist #love #pray #bible #christianity #prayer #hope #gospel

Пікірлер