KBYN: Pagkaing 'pagpag,' basura ng iba ngunit panlaman-tiyan ng maraming pamilya sa Maynila

Kilalanin ang ilan sa mga kababayan nating nabubuhay sa 'pagpag' o mga pagkaing tira mula sa mga fast food chain na nililinis para muling makain.
To watch KBYN Kaagapay ng Bayan videos, click the link below:
• KBYN | Kaagapay ng Bayan
For more TV Patrol videos, click the link below:
bit.ly/TVPatrol_2021
To watch TeleRadyo videos, click the link below: • TeleRadyo
Subscribe to the ABS-CBN News channel! - bit.ly/TheABSCBNNews
Watch the full episodes of TV Patrol on iWantTFC:
bit.ly/TVPatrol-iWantTFC
Visit our website at news.abs-cbn.com
Facebook: / abscbnnews
Twitter: / abscbnnews
#KBYN
#KaagapayNgBayan
#LatestNews

Пікірлер: 1 000

  • @jhaytagbalay7351
    @jhaytagbalay7351 Жыл бұрын

    Ganyan din buhay namin dati, tiwala lang sa Diyos at sipag, ngayon graduate nako at May maayos na trabaho, proud ako na malayo na kami sa ganyang pamumuhay.

  • @wj0989

    @wj0989

    Жыл бұрын

    Wag kang mag-alala marami pang tao hindi tiwala sa family planing so hindi uubos yan.

  • @bq68972

    @bq68972

    Жыл бұрын

    sana wala ng ganyan sa mga kababayan natin

  • @boyjortt

    @boyjortt

    Жыл бұрын

    Nice one Sir tuloy Ang buhay...mabuti at nabago mo na Ang takbo Ng pamilya nio Godbless

  • @kristinasinguran1398

    @kristinasinguran1398

    Жыл бұрын

    Ganyan din kami noon ng itay at inay at isa kung kapatid.Nag aral at nakapagtapos ako.Sampung taon na akong public school teacher.

  • @powerstuff7838

    @powerstuff7838

    Жыл бұрын

    Golden era na ano ka ba

  • @amrelanzures3776
    @amrelanzures3776 Жыл бұрын

    WOW TINIKMAN DIN NI KABAYAN NOLI ANG PAGPAG👏👏👏 sana nga dumating ang araw na lahat ng mga pilipino ei magkaroon ng hanap buhay at hindi na umaalis ng bansa para sa iba manilbihan

  • @jacquelinemacapagat1909

    @jacquelinemacapagat1909

    Жыл бұрын

    Xmpre dhl mkkta on cam e,,, bise presidente xa d nga nya mtulungan mga sobrang hirap n tao,

  • @amrelanzures3776

    @amrelanzures3776

    Жыл бұрын

    🤣🤛🤭

  • @gianmartintv685

    @gianmartintv685

    Жыл бұрын

    @@jacquelinemacapagat1909 mangmang

  • @jacquelinemacapagat1909

    @jacquelinemacapagat1909

    Жыл бұрын

    @@gianmartintv685 muka mu😂

  • @jeraldsahagun3963
    @jeraldsahagun39636 ай бұрын

    Grabe ung gnawa ni Kabayan Noli nung kumain dn sya ng Pagpag. Nkka amaze. Much appreciated. Kudos. 💯💯

  • @arinaguinto5372
    @arinaguinto5372 Жыл бұрын

    Sa totoo lang saludo ako sa mga nangangalakal Ng dahil sa kanila nababawasan Ang mga basura god bless Po sa inyong LAHAT 🙏🙏🙏

  • @hobbytv1421
    @hobbytv1421 Жыл бұрын

    My god Yung IBA Todo reklamo pa SA BUHAY thank you lord kahit kinakapos Hindi niyo po kami nilagay SA ganitong sitwasyon one day Sana Wala Ng makaranas Ng HIRAP 😭😭😭😭

  • @ThePirateyang23

    @ThePirateyang23

    Жыл бұрын

    Ibig sabihin mo ba na si Lord nilagay sila sa ganyang sitwasyon?

  • @wj0989

    @wj0989

    Жыл бұрын

    @@ThePirateyang23 siguro kasi blessings yung 10 nilang anak eh😅

  • @aliengod2104

    @aliengod2104

    Жыл бұрын

    Thank u lord daw at hindi sya nilagay sa ganyang sitwasyon. Kabobohan talaga ng mga maka diyos nato.

  • @user-ci5uz4eh6e
    @user-ci5uz4eh6e21 күн бұрын

    Ganyan kami noon ni tatay sa bitas tondo nag sumikap ako at si tatay hanggang naka tungtong ako ng high school tapos pag college ko may nag sponsor sakin sa fatima nag iscolar ako malaking pasasalamat namin ni tatay sa kanya kung hindi dahil sa kanya hindi ako doctor ngayon kung ano man ako ngayon nag sumikap ako at nag dasal pray lang at laban sa buhay uusad din tayo basta may sipag at tsaga😊

  • @analizavelano8641
    @analizavelano86414 ай бұрын

    Saludo kabayan walang ka Arte Arte ganyan ang totoong reporter

  • @chadthelegend6051
    @chadthelegend6051 Жыл бұрын

    Grabi, parami ng parami ang mahihirap sa bansa

  • @andezagabriel04andeza63
    @andezagabriel04andeza63 Жыл бұрын

    iba talaga pag galing hirap...yan si kabayan makatao i proud of you kabayan noli de castro🕊️🕊️🕊️🕊️🕊️🕊️😇😇😇😇😇😇

  • @JunrickVlogs
    @JunrickVlogs Жыл бұрын

    Sana ito ay mapansin ng gobyerno ❤️🙏 ipapanalangin ko sana po siswertehin din kayo ❤️

  • @aldrinmaranon3266
    @aldrinmaranon3266 Жыл бұрын

    Masaya sila kahit mahirap Ang Buhay💞

  • @pinayinbahrain7652
    @pinayinbahrain7652 Жыл бұрын

    Nkakaawa yung sitwasyon nila pero ang dami din nilang anak kong nag family planning sana hindi ganuan ka hirap ang buhay

  • @ms.summer3156
    @ms.summer3156 Жыл бұрын

    Kawawa nman sila.. Hirap din kami pero salamat sa Diyos di nmin naranasan kumain nang pagpag..😌😌😌😌

  • @jessonocampovlogs3103
    @jessonocampovlogs3103 Жыл бұрын

    Ito ang realidad, mag aral, magsumikap para umasenso, maging simple, mag ipon, wag sayangin ang mga pagkain, maraming taong nagugutom.

  • @gloriaretulla495
    @gloriaretulla495 Жыл бұрын

    ANG HIRAP NAMAN NA MAGING MAHIRAP TALAGA ...KAWAWA NMAN TO...SANA MAKA AHON SA HIRAP GOD BLESSED 🙏🙏♥️

  • @joebarok7656
    @joebarok7656 Жыл бұрын

    Ayus kabayan Nolie tinikman MO ang pagpag saludo po ako sa inyo walang arte arte para din po iwas sa mga bashers God bless po...

  • @RaquelSantos-fb9qd
    @RaquelSantos-fb9qd Жыл бұрын

    Madaming mga anak sobra bago dapat mag anak isipin kung may maipakakain

  • @wolf-ev4lf
    @wolf-ev4lf Жыл бұрын

    Andami naman kasing anak wala na nga makain lalo lang nila pinahirap ang pamumuhay nila :(

  • @maicateves7659
    @maicateves7659 Жыл бұрын

    Sana po makabalik nlng sila sa probinsya nila para makapag tanim para di sila magutom at baka magkaroon ng kabuhayan pa

  • @thannail8827
    @thannail8827 Жыл бұрын

    Sari2x laway na Yan. Sana mka kuha kayo Ng mapagkakakitaan n maayus.

  • @nurikuuchiharu1312
    @nurikuuchiharu1312 Жыл бұрын

    Family planing is the key to avoid poverty. Mindset ng karamihan mag asawa agad, magkaanak kahit dipa nakaka ahon sa hirap at wala pang natapos. Karamihan minor pa ang edad may anak na. Kaya sabi nila ang mayayaman lalong yumayaman at yong mahihirap lalong humihirap kasi kung sino pa yong mahihirap sila pa ang maraming anak. Unang-una mag aral ng mabuti at kung tamad ka at least manlang maitawid mo hanggang elementary to high school dahil may mga trabaho naman na di na required ang college graduate, then magtrabaho ka mag sumikap mag ipon at pag kaya munang bumuhay ng anak saka kana mag ka anak at yong seguradong may pang tustus ka sa gastosin niya at makakayanan nyong paaralin at mabigyan ng sapat na sustento para ma supportahan sa mga pangarap niya at kung sapat lang ang kinikita wag nang dagdagan ng dagdagan ng anak.

  • @islandgirl8199

    @islandgirl8199

    Жыл бұрын

    👍👍👍

  • @jessplat8218
    @jessplat8218 Жыл бұрын

    Pasalamat tayo may mga taong nangangalakal paano nalang ang kalat sa paligid kong wala sila mas madumi ang kapaligiran

  • @imeebernardo7621
    @imeebernardo7621 Жыл бұрын

    saludo po aq s inyo..atleast marangal po ang kinabubuhay nio..di katulad ng iba ng nanlalamang ng kapwa..at gumgwa ng msama

  • @jctandem4745
    @jctandem4745 Жыл бұрын

    Sobrang hirap talaga ng buhay ngayon mahal na mga bilihin kulang pa sahod sana mapansin tlga ng ating gobyerno ang kalagayan nila

  • @steffimaydelrosario3834
    @steffimaydelrosario3834 Жыл бұрын

    ang lakas pa ni nanay. sana bigyan pa sya ng kalakasan silang mag asawa n lord at mka tamasa ng magingawang buhay pa.

  • @lriainjapan2414
    @lriainjapan2414 Жыл бұрын

    Nakakadurog ng puso 💔💔💔

  • @oliverpineda2832
    @oliverpineda2832 Жыл бұрын

    Noli decastro.. true journalist.. keep going sir Noli..

  • @sammycuevas5009
    @sammycuevas5009 Жыл бұрын

    Mappaisip ka tlga na maswerte prin tau kumpara sa iba...kya lagi taung mgpasalamat sa grasya nten araw araw sa dios☺

  • @eeeyjoys4222
    @eeeyjoys4222 Жыл бұрын

    Tira2x pero ang laking tulong na para sa iba nating kababayan 🥺 Masipag at madiskarte po kayo sa buhay, ang mga taong may kaakibat na ganyang pag-uugali is makakaangat sa buhay ❤🙏 Kailangan lang talaga nating gumalaw para maabot yung pinapangarap natin sa life ❤💖 Kahit nakagraduate ka na sa College hindi patunay na may degree ka na, makukuha ka agad sa trabaho. Sad lang kasi mas priority ng halos lahat yung may experience na. Kaya I salute sa lahat na sa murang edad nagtatrabaho na 💗 Diskarte ang kailangan at productivity para makamtan ang goal sa life 😍❤💖💝

  • @ralpushiyeyo
    @ralpushiyeyo Жыл бұрын

    Mahirap talaga maging mahirap.

  • @fenarrido6810
    @fenarrido6810 Жыл бұрын

    Nanay deling at tatay aden ko po yan,,,ingat po kayo lage alagaan po ninyu ang inyung kalusugan,,,nawa ay gabayan po kayo ni lord...sana mka bakasyon kayo sa Leyte miss ko na kayo..

  • @puremadumifam8857
    @puremadumifam8857 Жыл бұрын

    proud ako na sa gantonng pamumuhay kami binuhay ng papa ko ❤️❤️

  • @petemarquez8393
    @petemarquez8393 Жыл бұрын

    Ang mga nangangalakal ay nakatulong sa ating environment boxes carton plastics aluminum cans are recycled they contributed to a sustainable resources. God Bless them praying that their children will not stop going to school and finish it

  • @dangil3549

    @dangil3549

    Жыл бұрын

    Tumataba pa nga sila sa pagkain ng pagpag.

  • @aliengod2104

    @aliengod2104

    Жыл бұрын

    @@dangil3549 so dyan nlng sila? Kain ka din ng pagpag. Nakakataba pala e

  • @itchanplayz

    @itchanplayz

    Жыл бұрын

    ​@@aliengod2104 patabain mo utak mo toy sobrang payat na ng utak mo patuyo na hehehe😂😂

  • @delacruzpatrick0222

    @delacruzpatrick0222

    Жыл бұрын

    Ipgpdadsal.kk kayo😢😢😢😢

  • @delacruzpatrick0222

    @delacruzpatrick0222

    Жыл бұрын

    😢😢😢

  • @chuchaychay3268
    @chuchaychay3268 Жыл бұрын

    Namumuhay sila Ng marangal.. walang inaapakan at sinasamantala.. saludo pa rin ako sa kanila.. gumagawa sila Ng paraan.. para maka survive

  • @juamu1132

    @juamu1132

    Жыл бұрын

    nagiging pabigat lang

  • @aceldavid5775

    @aceldavid5775

    Жыл бұрын

    Kinakawawa nila mga anak nila. May obligasyon sila bilang mga magulang na ibigay sa mga anak nila yung basic needs ng mga bata. Sapat na pagkain, maayos na pananamit at tirahan, ligtas na kapaligiran at edukasyon. Mga musmos na bata ang biktima ng maling desisyon nila na magparami pa ng husto ng anak.

  • @user-ih4ky8zq3s

    @user-ih4ky8zq3s

    Ай бұрын

    Mas mabutii pa nga sila nalaban ng patas walang nilulukong tao Di gaya duon sa Taragis Challenge na yun Scripted daw peru ang totoo umamin lang yun dhil naboking

  • @programmer3138

    @programmer3138

    Ай бұрын

    sus. edi kumain ka rin ng pagpag.

  • @djay29
    @djay29 Жыл бұрын

    Nakaka miss gantong segment mo kabayan da best k tlga

  • @dorenlupianpearce5113
    @dorenlupianpearce5113 Жыл бұрын

    Naranasan ko one day 1 eat kami kaya sinabi ko talaga sa sarili ko magsusumikap ako para d maranasan ng future damily ko ang gutom d ako nkapagtapos ng pag aara nag ofw ako naswerte dahil sa kasipagan napagtapos ko mga kapatid ko at d na kami ngugutom andito ako ngaun sa new zealand❤❤❤ praise God basta magsumikap lang at wag magmadali Mag asawa

  • @Yusores_R
    @Yusores_R Жыл бұрын

    ANG HIRAP MAGING MAHIRAP! 💔

  • @MiamPachonUy
    @MiamPachonUy Жыл бұрын

    For the fortunate people in these places who have too much food: Next time you throw away left over food, better if you pack it nicely in cellophane or anything of the sort. We may not be able to directly help the starving poor but at least we can make it better for them.

  • @ArjayBo-oj4mo
    @ArjayBo-oj4mo Жыл бұрын

    Masarap talaga ang pagpag nakatikim nako nyan dati

  • @jericodeperalta2685
    @jericodeperalta2685 Жыл бұрын

    Swerte pa din kaming nasa probinsya hindi ka magugutom pag masipag ka libre pa minsan gulay

  • @rjcinco6098
    @rjcinco6098 Жыл бұрын

    9:49 amazing lahat may phone na no mapa mahirap or mayaman.. kaya lahat may access na sa information❤️ love it

  • @Spasky838
    @Spasky838 Жыл бұрын

    Nabuhay sila SA malinis na paraan 😢

  • @alexandermonte9529
    @alexandermonte9529 Жыл бұрын

    Ganyan talaga ang buhay, may subrang mapaka yayaman mga tao at my subr din mahihirap na tao, hnd nman pdi lahat mayayaman,

  • @gerlyntatoy4732
    @gerlyntatoy4732 Жыл бұрын

    Yan ang gusto ko sayo noli hindi maarte!

  • @arzen8987
    @arzen8987 Жыл бұрын

    Choice nila maging mahirap, kung ayaw mo mahirapan sa buhay wag ka muna mag anak simple.

  • @koljepoyvlog9234

    @koljepoyvlog9234

    Жыл бұрын

    Nasasabi mo yan kasi meron ka!! Wag masyado mapagmataas!!!Kasi bilog ang mundo!!!

  • @saddiq26

    @saddiq26

    Жыл бұрын

    para naman pong di nakikitang nagmamataas yung comment. it's just stating the fact and not a mockery which is true and real talk. Somehow kakulangan din ito ng dswd sa kanilang paligid, dahil hindi nila nagagabayan ang nasasakupan para magconduct ng outreach program for family planning, kase yung mga ganitong estado ng pamumuhay lalo na't kapus sa pagaaral ay kapus din sila sa kaalaman. kaya ang nangyayari sa kanila naging outlet nila ang gumawa ng bata.

  • @maryannwage4430

    @maryannwage4430

    Жыл бұрын

    masakit pero totoo naman .. kung sino pa walang wala sila pa pinaka marami anak kaya ang kahirapan naippasa pa sa anak nila 😢

  • @bluesp6267

    @bluesp6267

    8 ай бұрын

    Huwag naman i generalize. Life is unfair and not everyone has a choice.

  • @jheffcaballero7036

    @jheffcaballero7036

    Ай бұрын

    Mayron Ka Kasi Kaya nasasabi mo Yan upakan Kita Makita mo .. Mawawalan Ka din Hindi pera .. Kamag anak

  • @iamjheona8455
    @iamjheona8455 Жыл бұрын

    Alhamdullillah...even we're not rich very thankful to Allah nakakain kami ng Tatlong beses o higit pa 😌 sana matugunan na Kahirapan it's breaking my heart to see this may mga tao pala na ganito akala nasa drama lang papaano nakaka lunok o nakaka tulog ang mga corruption sa ganitong nangyayari 😔😔

  • @nbapbaupdate8338
    @nbapbaupdate8338 Жыл бұрын

    Ito talaga dapat tulongan na government & private foundation 💪💪💪

  • @jakejake8921
    @jakejake8921 Жыл бұрын

    Mahihirapan talaga ang tao na makaalis sa ganyang sitwasyon lalo at ipinapamana pa ang kahirapan sa mga anak, Di lang tulong pinansiyal at maayos na hanap buhay ang kailangan nila.. Kailangan nila ma educate na huwag mag anak ng mag anak, talo pa nila yung mga tao na mas may kaya sa buhay hindi nagpaparami ng anak.. Kagaya niyan si Nanay pati apo pasan sa balikat! anak ng tokwa!

  • @richellearante5985

    @richellearante5985

    Жыл бұрын

    Korek ka.. educating na wag na sila magpalaki ng pamlya nila., dto nga japan 1 or 2 lng b anak . Dto mas kailngan mag parami ng anak dpat dhil sa population kulang na kulang kokonti na bata, mas marmi mattnda na

  • @arzen8987

    @arzen8987

    Жыл бұрын

    Tama ka kaya marami mahirap dahil nag aanak kahit hindi financialy stable. ako takot ako mag ka anak kahit 30 na ko at regular sa trabaho above minimum.

  • @dangil3549

    @dangil3549

    Жыл бұрын

    Pero sarap na a sarap sila sa pagkain ng pagpag pati reporter napasubo. Kita naman natin nagsisitabaan pa nga sila sa pagkain ng pagpag.

  • @oblaksworld1856

    @oblaksworld1856

    Жыл бұрын

    @@richellearante5985 True. If I'm not mistaken legal ang abortion sa Japan. Dapat talaga 2 lang anak para ma sustain yung pangangailangan ng pamilya. Kung sino pa yung mababa ang income at hirap sa buhay, sila pa yung napakamaraming a anak.

  • @Neng1011

    @Neng1011

    Жыл бұрын

    Agree

  • @jonv05171
    @jonv05171 Жыл бұрын

    Dapat mapanood nina Bong Revilla at jinggoy to para ma konsensiya sila at lahat ng corrupt sa gobyerno 😢😢

  • @albertlualhati6138

    @albertlualhati6138

    Жыл бұрын

    Hindi kakain yan ng pagpag hahaha pakainin nalang natin ng bato!

  • @gaongericamaegaon9903
    @gaongericamaegaon9903 Жыл бұрын

    Iba ka tlga kabayan kahit na angat ka sa buhay hndi kA Maarte sana hndi lng sa harap ka Ng camera ganyan..ung pagiging coboy mo god bless you more power sa programa nyo

  • @michaelcabrera9725
    @michaelcabrera9725 Жыл бұрын

    Hala subra Naman ka hirap Ng Buhay kaya talaga masasabi ko na blessed padin kami na nasa probinsya lumaki kahit mejo hirap di Naman Namin naranasan Kumain na ganyang food! Laban lang kayo nanay hirap Ng Buhay makaka ahon din kayo

  • @gerardbonggo5401
    @gerardbonggo5401 Жыл бұрын

    Pilipinas sana ang isa sa mga bansa pagdating sa Manufacturing and trade at hindi China . Malaki maitutulong para marami mabigyan ng trabaho . Kaso sa sobra corrupt ng gobyerno marami international investors at company na takot mag outsource sa pilipinas 😢

  • @antitank4060
    @antitank4060 Жыл бұрын

    saludo parin ako sa inyu namumuhay kayu nang marangal.. lumalaban kayu nang parihas.. pinapakain ninyu ang pamilya ninyu nang marangal mas basura ung kinakain nang mnga magnanakaw at ung gumawa nang hindi mabuti kahit pa galing sa maayus na resto o fastfood pa ung pagkain nila..

  • @Littlebit0427
    @Littlebit0427 Жыл бұрын

    Samantalang dito sa usa grabe magtapon ng pagkain .. kung kumain sa buffet puno ang plate d nmn inuubos .. tapos sa mga grocery tinatapon lng .

  • @jervyross9232
    @jervyross9232 Жыл бұрын

    Napaka importante talaga nang family planning po.

  • @hypessor4630
    @hypessor4630 Жыл бұрын

    iba ka talaga kabayan ,sana bumalik na kayo sa tv

  • @madonnaliberius3845
    @madonnaliberius3845 Жыл бұрын

    Diyos Ko.. i can't help but cry..

  • @gaudiosaalfafara5509
    @gaudiosaalfafara5509 Жыл бұрын

    Masarap ang pagpag...

  • @jitlv
    @jitlv Жыл бұрын

    Saan ako pwede mag donate sa mga taong ganito from the US?

  • @fridelynsanchez3120
    @fridelynsanchez3120 Жыл бұрын

    Kaya importante tlga ang edukasyon..kc kung mga edukado sana cla hindi na nila need pa mamulot ng pagpag cempre may magnda sana cla kinabukasan,,kaya eto tumatatak sa isip ko kya gusto ko makapag aral ulet at tapusin ang college para mapag tapos ko rin ung anak ko in the near future

  • @tristantale_frostbasa1049

    @tristantale_frostbasa1049

    Жыл бұрын

    HA? HINDI NILA KASALANAN NA HINDI SILA NAKAPAG ARAL KAYA NAG HIHIRAP SILA. Kasalanan yan ng gobyerno kung paano sila katanga mag handle ng tao nila. Ang low minded mo, education is never the solution to poverty, itatak mo sa utak mo yan!

  • @user-rk4ly5is7b

    @user-rk4ly5is7b

    Жыл бұрын

    exactly po pero kailangan din natin maintindihan na hindi lahat ng tao ay nabibigyan ng opportunity na makapag-aral sabihin man nating oo may public schools na libre pero hindi naman talaga libre mag-aral iisipin pa ng pamilya nila yung baon, transportasyon, mga libro, mga kagamitan at uniform kaya nasa gobyerno na talaga para maayos ang sistema nang edukasyon para magawang libre talaga 💓

  • @pongyanlong7080
    @pongyanlong7080 Жыл бұрын

    Laban lang po mga Kabayan basta Gumawa ng Marangal.

  • @landlady4990
    @landlady4990 Жыл бұрын

    Nkkaawa po .pero sa kabilang banda sobra pong nkkataba ng puso kasi hindi sila gumawa ng masama.nabubuhay sila sa kabutihan.pagpalain po kayo ng Dios

  • @Lunaaaaaaaaaa25
    @Lunaaaaaaaaaa252 ай бұрын

    Sipag at tyaga lang talaga pra mabuhay💖

  • @gladys5084
    @gladys5084 Жыл бұрын

    Nakakaawa yong mga kababayan natin na nasa ganyang sitwasyon.😢😢 Sana makaahon sila sa kanilang kahirapan.

  • @darkangeltina9832

    @darkangeltina9832

    Жыл бұрын

    Nakakaawa po tlg lalo na kung sa ganito pong interview na buong mundo makakita eh 500 pesos lang po ang naiabot sa knila

  • @romeosiacorjr4115

    @romeosiacorjr4115

    11 ай бұрын

    Kasalanan din naman kasi nila, sobrang hirap na nga tas mag’aanak pa ng 10

  • @gilbertcasiano8628
    @gilbertcasiano8628 Жыл бұрын

    Family Planning is the Key ❤️

  • @leomendoza9812
    @leomendoza9812 Жыл бұрын

    Ilang beses ko Ng napanood itong segment na pagpag sa ibat ibang program..pero iba or rin tlga pag SI kabayan Noli de Castro Ang magbalita...

  • @rifqidamarsasongko3585
    @rifqidamarsasongko3585 Жыл бұрын

    after seeing this snippet I started to be grateful for my life, my brother is healthy. greetings from🇮🇩

  • @simonmendoza3574
    @simonmendoza3574 Жыл бұрын

    Bakit ang kasiraan sa ginagawa ng Pilipino ay pinapakita pa. Sana sa Pilipinas Lang nakikita ang mga Eksenang ito. Papaano na nakikita sa buong mundo iton palabas naito. Hi yang hiya po ako , na ganitoang ginagawa ng mga Pilipino… sana po HUAG nang ipakita sa KZread.

  • @kyzertv8443

    @kyzertv8443

    Жыл бұрын

    Mabuti yan, wala nang hiya mga pilipino eh. Nag ayusin nila mga sarili nila.

  • @Chefnot
    @Chefnot Жыл бұрын

    Happy for them keeping their marriage for better or for worse. Unlike those couple with lots of blessings but still cheating and ungrateful. I wish you happiness and good health to your family.

  • @aliengod2104

    @aliengod2104

    Жыл бұрын

    My choice ba sila? Sa hirap ng buhay makakapag cheat ka pa ba? Sus naman.

  • @progovt1207

    @progovt1207

    Жыл бұрын

    @@aliengod2104 🤣🤣 need mo ng money to cheat. Wala na ngang pambili ng food mag cheat pa.

  • @aliengod2104

    @aliengod2104

    Жыл бұрын

    @@progovt1207 kaya nga.

  • @dianamaesauquillo5177
    @dianamaesauquillo5177 Жыл бұрын

    Hanggang ngayon ganyan ang kinakain ng pamilya ko sa Cavite.paborito ko ang pagpag dahil lumaki akong araw araw pagpag ang kinakain.

  • @zenkaze5726
    @zenkaze5726 Жыл бұрын

    Pag Pag Food in Philippines 🌏🇵🇭

  • @kevinph048
    @kevinph048 Жыл бұрын

    Kawawa namn sila, naaalala ko nanay at tatay ko mahirap lng din kami,

  • @renerosalez4915

    @renerosalez4915

    Жыл бұрын

    Ngayon okay na kayo?

  • @Kiracute
    @Kiracute Жыл бұрын

    Iisa lang ang solusyon sa kahirapan, family planning. Kung hindi kayang maibigay ang basic needs ng mga bata wag mag-anak kasi nagiging cycle ang pagiging mahirap. Kung wala pang stable na trabaho wag munang mag-asawa. Kailangan both couple magtrabaho para maibigay ang pangangailangan ng magiging anak.

  • @jocelynmendoza4586
    @jocelynmendoza4586 Жыл бұрын

    Di bale mahirap , mayaman naman sa mga anak , hindi man lang nag family planning!

  • @amilcastillo2812
    @amilcastillo2812 Жыл бұрын

    So sad! daming mga kabayan natin tulad nito. Kung malapit lang ang pinas iipunin ko talaga lahat ng pagkain at mga gamit na tinatapon dito sa america para mapakinabangan pa ng iba. Laban lang mga kababayan may awa ang diyos😊❤

  • @progovt1207

    @progovt1207

    Жыл бұрын

    A few years ago I went with my sister to her kids school and I was surprised to see the kids throwing their rationed food in trash cans. How I also wish that I can throw right there to the Philippines for the poor kids especially the milk in tetra packs. Also packed foods that expired only a day or two. So much food wasted.

  • @amilcastillo2812

    @amilcastillo2812

    Жыл бұрын

    @@progovt1207 totoo po sobrang nakakahinayang ng mga tinatapon nila kung sa pinas yan walang masasayang

  • @Mixbloggardo
    @Mixbloggardo Жыл бұрын

    Dapat May programa ang gobyerno sa kanila turuan ng mga livelihood education para maka ahon sa hirap.

  • @vanessabongay1224
    @vanessabongay1224 Жыл бұрын

    Iba talaga dumiskarte ang pilipino.. kahit ano nagagawan ng paraan... ganyan din samin sa payatas...

  • @ghiaasmr7399
    @ghiaasmr7399 Жыл бұрын

    😔...hiling ko na sana may mga taong maging financial stable para makatulong sa gantong klase ng kababayan,.. hiling ko din yan sa sarili ko, makatulong khit papano

  • @dannypelipog1458

    @dannypelipog1458

    Жыл бұрын

    cayetano 10k😄

  • @kiethadamsupas8

    @kiethadamsupas8

    Жыл бұрын

    wala ng makkatulong kasi ayaw nila umalis Dyan at Kung my tolong man sila matanggap I wawaldas lang din at babalik din sila

  • @DarkVader456

    @DarkVader456

    Жыл бұрын

    kailangan muna nilang tulungan ang sarili nila, step 1, wag ng magparami

  • @renerosalez4915

    @renerosalez4915

    Жыл бұрын

    Kung gusto mo makatulong kaya mo.

  • @bellevilla2684

    @bellevilla2684

    Жыл бұрын

    Ako hiling ko matututo na mga pilipino magfamily planning at wag mag anakan ng maganakan ng madami kung di rin lang nmn kayang buhayin.

  • @zeethelion556
    @zeethelion556 Жыл бұрын

    karamihan ng mahihirap ang daming mga anak kaya mas lalong naghihirap, ang masama pa pag di makapag aral lahat ng anak damay damay na lahat pati yung mga ng anak ng mga anak nila maghihirap.

  • @simplengoragon3792

    @simplengoragon3792

    Жыл бұрын

    True po! Kung sino pa kasi mas mga naghihikahos yung pa maraming anak!!! Hindi nman masama sa pagkakaroon ng maraming anak basta kayang ibigay lahat ng pangangailangan ng mga anak nila.

  • @bellevilla2684

    @bellevilla2684

    Жыл бұрын

    Blessing daw po kc ang mga bata kaya gawa na lang sila ng gawa. Di nila alam na pag blessing dapat ingatan mo kaso iba ang pakahulugan ng marami sa salitang blessing... Iniisip nila pag madaming anak mas may chance na mas maraming tutulong sa kanila balang araw.. Yun nga lang kung di naman nila inalagaan, pinag aral at pinalaki ng wasto eh ano kaya mapapala nila? Di pareparehas nga nga at mauulit at mauulit muli ang storya.

  • @iJSabelle007
    @iJSabelle007 Жыл бұрын

    Wow si Noli tumikim talaga. SALUDO ako sa mga kababayan na nagsusumikap mabuhay ng marangal.

  • @jejecaresvlog9580
    @jejecaresvlog9580 Жыл бұрын

    Kaya magpasalamat kung ano man ang nasa hapag kainan. Sana mapanood to ng mga nasa tungkulin. Mga kurakot na msasarap ang pagkain sa araw araw

  • @vintotschannel4616
    @vintotschannel4616 Жыл бұрын

    It's safe to eat that basta nadarang na yan ng matagal sa apoy. I'll always think about it pag kumakain sa labas just to remind me how lucky I am to have such a great life. Galing din kami sa hirap and I pursued really hard to be where I am right now.

  • @progovt1207

    @progovt1207

    Жыл бұрын

    Kung anak nya dalawa lang at tinutukan ang pag aral maka ahon silà sa hirap.

  • @samueljayrivera2280

    @samueljayrivera2280

    Жыл бұрын

    Bawal po ang pag2x.

  • @islandgirl8199

    @islandgirl8199

    Жыл бұрын

    Kakain ka ba ng pag pag?

  • @moviequeenbee

    @moviequeenbee

    10 ай бұрын

    No it is not safe to eat!

  • @vintotschannel4616

    @vintotschannel4616

    10 ай бұрын

    @@moviequeenbee Niyek? sure ka tea? kumakain ka nga ng jollibee eh. Haha. sure ka ba malinis mga food dun? nagwork ako sa jolliber ayoko na lang mag talk!

  • @thelmondero3158
    @thelmondero3158 Жыл бұрын

    Mahirap talaga maging mahirap pero sa mga nakikita at napanood sa socmed,narealized ko din na d lahat ng mahirap nakakaawa at d lahat ng mayaman kaiinggitan kaya merong mayaman na nagsuicide at malungkot at may kahit mahirap masaya.kelangan makontento at mgpasalamat sa blessings ni Lord🙏🙏🙏🙏 .

  • @getbox2339

    @getbox2339

    Жыл бұрын

    Wag na isama ang mga mayayaman dito. Sabihin nalang nating walang program ng sustainable ang LGU para sa mga mahihirap. Ang mga tinutulungan lang ng mga mayors ay ang mga kaayado nila at mga tao nila.. Kaya yung sinabi mong masaya sila mali yun. Kasi hindi po yan ikinasasaya. Kapanayaan po ang nakikita ko dito.

  • @icealgagan3485

    @icealgagan3485

    Жыл бұрын

    Dinamay pa yung mayayaman, eh di naman tungkol sa mayayaman ang punto ng video. Napapaghalataang insecure ka sa mayayaman lol maisingit lang eh.

  • @kateann4558

    @kateann4558

    Жыл бұрын

    Iba Po Ang depression and iba din Po Ang kahirapan

  • @RendelMatienzo-tt6wt
    @RendelMatienzo-tt6wt Жыл бұрын

    Pinaka masarap narasan Lalo na pag Kasama Ang tropa da best Ang pag pag 🥰🥰

  • @lucillebaltazar910
    @lucillebaltazar910 Жыл бұрын

    Yon din ang problema sa mga anak na walang ambisyon kung di mag asawa ng bata pa at ipasa pa ri ang obligasyon sa parents .

  • @jocylenebrillo1756
    @jocylenebrillo1756 Жыл бұрын

    Nakakadurog ng puso 😢💔

  • @akirasendo2313
    @akirasendo2313 Жыл бұрын

    di pa lang sila umuwe ng probinsya buti sa probinsya puwede ka pang magtanim ng maraming gulay at ibenta sa palengke

  • @rosemariesayson3186
    @rosemariesayson3186 Жыл бұрын

    Kya swerte pa tyong mga taga probinsya lhat sa manila binibile khit pabulok na

  • @mrbone-wo3wj
    @mrbone-wo3wj Жыл бұрын

    Family Planning is the Key.

  • @eysh4857
    @eysh4857 Жыл бұрын

    Nakakaawa naman:( Sana mga kababayan mag famiy planning tayo:( bukod s kawawa tayong mga magulang, mas lalong nakakaawa ang magging anak natin:( Kalimitan pa pag madaming anak, yung mga anak maaga ndn nagaasawa:( Godbless po mga kababayan!!! Hindi po kayo pababayaan ng nasa Taas!!!

  • @dorenlupianpearce5113

    @dorenlupianpearce5113

    Жыл бұрын

    Lumaki ako mahirap kaya cnabi ko sa sarili ko ayoko maranasan ng mga anak ko ang hirap😢 nagsumikap d nga ako nakatapos ng skul nagabroad ako naswerte dahil ngsumikap awa ng dios d na kami ngugutom ng pamilya ko pinagtapos ko yung mga kapatid ko

  • @user-tw6js5dr9m
    @user-tw6js5dr9m2 ай бұрын

    Nkaka Lungkot naman buhay ng ibang Mamamayan ng Bansa 😔 Pero nkakatuwa si KABAYAN Walang arte tinikman nya ang Pagpag 😊

  • @tigamvibesninjaacc.1115
    @tigamvibesninjaacc.1115 Жыл бұрын

    Salute sayu kabayan. Stay healthy. God bless you more.

  • @jociereyous4588
    @jociereyous4588 Жыл бұрын

    MayGod bless you Ate and your family 🙏🙏🙏

  • @miananat7900
    @miananat7900 Жыл бұрын

    Nakakaawa ang maraming kapwa nating Pilipino, wala nang access ang lahat sa malinis at ligtas na pagkain... Lahat naman, mayaman man o mahirap may karapatan sa malinis na pagkain, maski payak... Family planning ay magiging malaking solusyon sa kahirapan... Saludo sa kasipagan nina Nanay at Tatay, lumalaban sa hirap ng buhay,

  • @christophermocoy4874

    @christophermocoy4874

    Жыл бұрын

    yun naman talaga dapat gawing pgdikaya ng tao magfamily planning dahil sa kulang sa kaalaman at kaisipan...dapat ang gobyerno na ang gumawa ng aksyon ..isabatas ang family planning act...yong mga pamilya na walng kakayanan magbigay ng magandang kinabukasan sa mga anak dapat gang dlawa lng anak nila dapat ligation na yan. yon ang solusyon talaga sa kahirapan

  • @chiebantayan9471

    @chiebantayan9471

    Жыл бұрын

    Yon na nga mahirap na Ang buhay panay anak pa. Pero saludo parin Ako sa kanila Kasi malakas loob nila sa hamon Ng buhay

  • @simplengoragon3792

    @simplengoragon3792

    Жыл бұрын

    Family planning to tlga kailangan ! Kasi ba nman kung sino pa yong mas naghihikahos sila pa maraming anak!! Hindi naman po masama magkaroon ng maraming anak basta kayang ibigay lahat ng needs ng mga bata....

  • @turismoto0514

    @turismoto0514

    Жыл бұрын

    tama, family planning ang kailangan pra hndi na maulit sa next generation. buti natalo si bam, kasi pagpag ang solusyon nya

  • @juamu1132

    @juamu1132

    Жыл бұрын

    @@chiebantayan9471 malakas loob gumawa ulit ng bata

  • @ulupong7980
    @ulupong7980 Жыл бұрын

    Sarap! 😋

  • @luapoidomas755
    @luapoidomas755 Жыл бұрын

    Kaya wala na nag sisikap na mag tanim at manatili sa mga probinsya eh" instant pag kain meron dto sa manila eh... yan sana ang masulusyunan ng Gobyerno... sayang ang mga naka tiwang wang nting kalupaan dto sa malapit sa manila... at karatig probinsya..... pagalaw nyo sana sa mga taong mahihirap at lagyan nyo ng sistema para hindi ganyang 50/50 ang chance ng kalusugan ng mga tao at kapwa nting mg Pilipino😢😢😢😢

  • @venom3818
    @venom3818 Жыл бұрын

    Yan ang problema. Pinag aaral di mag aral, mag asawa ng maaga, tapos mag anak ng marami,tapos magbibisyo pa resulta walang mapa kain, gutom, ngayon ang sisi sa gobyerno kasi naghihirap sila at wala ng makain!. Yan ang realidad. Tama?!

  • @cathm.2707

    @cathm.2707

    Жыл бұрын

    Sa mga taong mahihirap dito sa ating bansa dapat nalang natin silang tulungan dahil ang naaawa sa dukha ay nagpapautang sa panginoon...basa👇👇👇 Kaw 22:2 2 Ang mayaman at ang dukha ay nagkakasalubong kapuwa: ang Panginoon ang May-lalang sa kanilang lahat.

  • @JLC698
    @JLC698 Жыл бұрын

    Kung ako ang anak na napagtapos ni nanay. Hindi ko matitiis na manatili sa ganitong sitwasyon yung pamilya ko. Though hindi ko naman responsibilidad na ihaon sila sa kahirapan pero kahit konting pangarap man lng pra sa kanila.

  • @lifewithstellaingermany

    @lifewithstellaingermany

    Жыл бұрын

    Agree

  • @emptybottle1200

    @emptybottle1200

    Жыл бұрын

    tama!

  • @imyourangel8528
    @imyourangel8528 Жыл бұрын

    Masisipag naman ang pinoy. Sana man lang may mga livelihood na magbibigay sakanila ng permanteng pagkakakitaan

  • @jakejake8921

    @jakejake8921

    Жыл бұрын

    masipag rin magparami ng mga anak..

  • @exarliejabiniao8324
    @exarliejabiniao8324 Жыл бұрын

    Kabayan matagal Napo AKO naka subaybay lahat ng MGA blogger or media na naka docu SA MGA taong pagpag.salute po AKO SA enyo at itoy na feature na Naman po ninyo sila

Келесі