HOLY MASS TODAY || March 28 HOLY THURSDAY MASS | REV FR DOUGLAS BADONG
Catholic Holy Mass Today March 28, 2024 Playback Online Mass
HUWEBES SANTO sa Paghahapunan ng Panginoon
March 28 Featured Playback Mass.
UNANG PAGBASA
Exodo 12, 1-8. 11-14
Pagbasa mula sa aklat ng Exodo
Noong mga araw na iyon: Sinabi ng Panginoon kina Moises at Aaron, “Mula ngayon, ang buwang ito ang magiging unang buwan ng taon para sa inyo. At sabihin ninyo sa buong pamayanan ng Israel na sa ikasampung araw ng buwang ito, bawat puno ng sambahayan ay pipili ng isang kordero o bisirong kambing para sa kanyang pamilya. Kung maliit ang pamilya at hindi makauubos ng isang buong kordero, magsasalo sila ng kalapit na pamilya, na hindi rin makauubos ng isang buo. Ang dami ng magsasalu-salo sa isang kordero ay ibabatay sa dami ng makakain ng bawat isa. Kailangang ang kordero ay lalaki, isang taong gulang, walang pinsala o kapintasan. Kung walang tupa ay kahit kambing. Aalagaan itong mabuti hanggang sa ikalabing apat ng buwan at sa kinagabihan, sabay-sabay na papatayin ng buong bayan ang kani-kanilang kordero. Kukuha sila ng dugo nito at ipapahid sa mga hamba at sombrero ng pintuan ng bahay na kakainan ng kordero. Sa gabi ring iyon, lilitsunin ito at kakaning kasama ng tinapay na walang lebadura at ng mapapait na gulay. Ganito naman ang magiging ayos ninyo sa pagkain nito: nakabigkis, nakasandalyas at may tangang tungkod; dalidali ang inyong pagkain nito. Ito ang Paskuwa ng Panginoon.
“Sa gabing yaon, lilibutin ko ang buong Egipto at papatayin ang lahat ng panganay na lalaki, maging tao o hayop man. At parurusahan ko ang lahat ng diyus-diyusan sa Egipto. Ako ang Panginoon. Lalampasan ko ang lahat ng bahay na makita kong may pahid na dugo, at walang pinsalang mangyayari sa inyo sa pagpaparusa ko sa buong Egipto. Ang dugo ang siyang magiging palatandaan na Israelita ang nakatira sa bahay na iyon. Ang araw na ito’y ipagdiriwang ninyo magpakailanman bilang pista ng Panginoon.”
SALMONG TUGUNAN
Salmo 115, 12-13. 15-16bk. 17-18
Sa kalis ng pagbabasbas
si Kristo ang tinatanggap.
IKALAWANG PAGBASA
1 Corinto 11, 23-26
Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto
Mga kapatid:
Ito ang aral na tinanggap ko sa Panginoon at ibinibigay ko naman sa inyo: ang Panginoong Hesus, noong gabing siya’y ipagkanulo ay dumampot ng tinapay, nagpasalamat, at pinaghati-hati ito, at sinabi, “Ito ang aking katawan na inihahandog para sa inyo. Gawin ninyo ito sa pag-alala sa akin.” Gayon din naman, matapos maghapunan ay hinawakan niya ang kalis at sinabi, “Ang kalis na ito ang bagong tipan na pinagtitibay ng aking dugo. Tuwing iinumin ninyo ito, gawin ninyo sa pag-alala sa akin.” Sapagkat tuwing kakain kayo ng tinapay na ito at iinom sa kalis na ito ay ipinahahayag ninyo ang kamatayan ng Panginoon, hanggang sa muling pagparito niya.
AWIT-PAMBUNGAD SA MABUTING BALITA
Juan 13, 34
Ang bagong utos ko’y ito:
mag-ibigan sana kayo
katulad ng ginawa ko
na pagmamahal sa inyo,
ang sabi ni Hesukristo.
MABUTING BALITA
Juan 13, 1-15
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan
Bisperas na ng Paskuwa. Alam ni Hesus na dumating na ang panahon ng kanyang paglisan sa sanlibutang ito upang bumalik sa Ama. Mahal niya ang kanyang mga tagasunod na nasa sanlibutan, at ngayo’y ipakikita niya kung hanggang saan ang kanyang pag-ibig sa kanila.
Naghahapunan si Hesus at ang mga alagad. Naisilid na ng diyablo sa isip ni Judas, anak ni Simon Iscariote, ang pagkakanulo kay Hesus. Alam ni Hesus na ibinigay na sa kanya ng Ama ang buong kapangyarihan; alam din niyang siya’y mula sa Diyos at babalik sa Diyos. Kaya’t nang sila’y naghahapunan, tumindig si Hesus, naghubad ng kanyang panlabas na kasuotan, at nagbigkis ng tuwalya. Pagkatapos, nagbuhos siya ng tubig sa palanggana, at sinimulang hugasan ang paa ng mga alagad at punasan ng tuwalyang nakabigkis sa kanya. Paglapit niya kay Simon Pedro, tumutol ito. “Panginoon,” sabi niya, “diyata’t kayo pa ang maghuhugas ng aking mga paa?” Sumagot si Hesus, “Hindi mo nauunawan ngayon ang ginagawa ko, ngunit mauunawaan mo rin pagkatapos.” Sinabi sa kanya ni Pedro. “Hinding-hindi ko po pahuhugasan sa inyo ang aking mga paa.” “Kung hindi kita huhugasan, wala kang kaugnayan sa akin,” tugon ni Hesus. Kaya’t sinabi ni Pedro, “Panginoon, hindi lamang po ang mga paa ko, kundi pati ang aking kamay at ulo!” Ani Hesus, “Maliban sa kanyang mga paa, hindi na kailangang hugasan pa ang naligo na, sapagkat malinis na ang kanyang buong katawan. At malinis na kayo, ngunit hindi lahat.” Sapagkat alam ni Hesus kung sino ang magkakanulo sa kanya, kaya sinabi niyang malinis na sila, ngunit hindi lahat.
Nang mahugasan na ni Hesus ang kanilang mga paa, siya’y nagsuot ng damit at nagbalik sa hapag. “Nauunawaan ba ninyo kung ano ang ginawa ko sa inyo?” tanong niya sa kanila. “Tinatawag ninyo akong Guro at Panginoon, at tama kayo, sapagkat ako nga. Kung akong Panginoon ninyo at Guro ay naghugas ng inyong mga paa, dapat din kayong mahugasan ng paa. Binigyan ko kayo ng halimbawa at ito’y dapat ninyong tularan.”
Пікірлер: 516
Maraming salamat po mahal naming Panginoon Hesus Cristo Nazareno pinupuri ka po namin at sinasamba ilayu mo po kami sa kapahamakan at mga sakit at gabayan araw araw at pagpalain mo po kami Amen po lord 🙏 ❤️ 💛
Walang Hanggang Pasasalamat po sa inyo Mahal na Poong Hesus Nazareno for healing me completely🙏🙏🙏
PATAWAD POONG HESUS NAZARENO AT MAMA MARY SA MGA KASALANAN KO, AT WALANG SAWANG PASASALAMAT SA PAGMAMAHAL AT PAGPAPAGALING NINYO SA AKIN,AT PAGSUBAYBAY, AT MAHABA PA BUHAY KO. AMEN. 🙏🙏🙏❤️❤️❤️
Prayers for eternal rest grant unto Liong chua, segundina, Sieng, Remegio relatives and friends lord , let perpetual light shine upon them may their souls rest and peace amen 🙏
💖 Nagpupuri 💕 Kami 💞 Sa 💖 Iyo 💕 Aming 💞 Panginoon 💖 Hesukristo 💕 Nagpupuri 💞 Kami 💖 Sa 💕 Iyo 💞 Aming 💖 Panginoon 💕 Hesukristo 💞 Nagpupuri 💖 Kami 💕 Sa 💞 Iyo 💖 Aming 💕 Panginoon 💞 Hesukristo 💖 Amen 💖💕💞
@vivianserrano8165
Ай бұрын
Mahal naPanginoon patawarin nyo po ako sa lahat ng nagagawa Kong pagkakamali. Maraming salamat sa lahat ng kagalingan pagpapala at patnubay...sa lahat
@vivianserrano8165
Ай бұрын
🙏🙏🙏
Panginoon patnubayan at gabayan mo po ang aking pamilya anak at mga apo ilayo sa lahat ng kapahamakan iligtas sa kasalanan at pagkalooban kami ng kapayapaan sa araw araw Amen
Salamat Salamat Salamat sa Diyos NPJN thank you for the answered prayers and petitions Thank you for taking good care of me my families relatives and friends We Love you Lord Jesus Christ ♥️♥️♥️♥️❤️❤️❤️❤️
💞 Si 💞 kristoy 💞 Namatay 💖 si 💖 kristoy 💞 Nabuhay 💞 si 💞 kristoy 💖 babalik 💖 sa 💞 wakas 💞 Ng 💞 Panahon 💖 Amen 💞💞💞💖💖
@cristinamontevirhen5717
Ай бұрын
Amen, salamat po Aming Panginoong Hesukristo Hesukristo,sa Buhay na kaloob mo🙏🙏🙏
Walang hanggang pasasalamat sa Iyo Aming Ama NPJN thank you for the answered prayers and petitions Thank you for the gift of life gift of family for good health guidance safety protection for peace of mind for healing our families for the graces and blessings we received everyday We Love you Lord Jesus Christ ❤️❤️❤️❤️♥️♥️♥️♥️
Thank u Lord for everything . Pls bless, guide & protect us from sickness & danger. Salamat po . Amen
Prayer for Good Health and Long Life. Father thank you for your guidance and protection over my life. Thank you for my life and for taking care of me I pray that you grant me divine health and a long life Deliver me from any sickness or ill health I don't want to work hard only to use my money on drugs and treatments because my health is failing So I pray that you bless me with a healthy long life Let me be able to enjoy the fruit of my labor In Jesus name I pray 🙏 AMEN
Poong Hesus Nazareno Patawad po sa lahat ng mga kasalanan na nagawa ko maging ang aking mga pagkukulang.. salamat po s alahat lahat ng mga biyayang pinagkakaloob nyo sa akin at sa aking pamilya. Sa patuloy na pag bibigay ng siksik liglig at umaapaw na biyaya. Walang hanggang pasasalamat.🙏🙏🙏
Good Holy Thursday Father and everyone. Lord have mercy on us.
MY JESUS IN YOUR GREATNESS WE PRESENT OUR LOVING GRATITUDE FOR YOUR CROSS, FOR YOUR MERCY AND LOVE FOR US. SHARE US YOUR HUMILITY, HOLINESS, GRACE AND OBEDIENCE TO FATHER TO MERIT ENTRY TO YOUR PLACE OF ETERNAL LIFE, HEAL AND COMFORT OUR SICK, PARDON OUR LOVED DEAD AND GRANT THEM ETERNAL REST. LORD, WE LOVE YOU WE TRUST YOU FOREVER AND EVER. AMEN. ✝🛐🙏🙏🙏💞💞💞🌹🌹🌹🌹🌹🌹🌹🌹🌹🌹🌹🌹🌹🌹🌹
Salamat Ama sa napakagandang umaga Salamat sa pagkalinga mo sa gabing nagdaan. Sa bagong araw na ito, hinihiling ko ulit ang patnubay mo. Bigyan mo po ako nang kalakasan at tatag ng kalooban upang kakaharaping pagsubok ay malampasan. Amen
Santo Santo Santo Panginoon Diyos ng mga Hukbo Napupuno Ang Langit at lupa Ng kadakilaan Mo Osana sa kaitaasan Pinagpala Ang Napaparito Sa ngalan ng Panginoon Osana osana sa kaitaasan Amen 💞💞💞💞
Patawad PO Ama Poong JESUS Nazareno Viva Poong JESUS Nazareno Viva La Birhen Maria Aming Mahal naming INA Gabayan mo Po Kami at patnubayan ilayo sa lahat ng Uri ng sakit sakuna at kasalanan
Thank you for all the blessings and graces we receive from your hands lord
Mahal na Poong Nazareno.. Please heal our sickness..And give us prosperity and protection 🙏..
Thanks po LORD for everything you've given to us. Amen
Ama patawarin mo kmi sa aming pagkakasala,gabayan mo ang aking.mga familya, hinihiling ko aking Ama na hipuin mo po ang aking byenan na nsa ospital ngayon at pagalingin mo po ang kanyang nararandaman na sakit, salamat po Ama sa lahat ng biyaya at proteksyon at guidance, Ama Amen.
Padre nuestro jesus nazareno salamat po good morning ama pray for us my whole family Amen🙏🙏🙏
Paginoon patawarin nio kami sa aming mg kasalanan Lord bigyan nio kami NG kalakasan 🙏🙏🙏bigyan NG maraming biyaya salamat sa lahat NG panahon at sa araw araw Lord AMEN Aleluya Lord 🙏✌🏼❤️🌹
Maraming salamat po Panginoon sa lahat ng mga biyaya na ibinigay sa aming Pamilya lalong-lalo na sa magandang pangangatawan namin at ipalayo mo po kami sa lahat ng mga kapahamakan huwag kaming pababayaan ang nasud na Pilipinas o sa buong mundo aming buhay ay sayo po nakasalalay kaya taos pusong aking ipanalangin ang kaligtasan naming lahat,Amen
Thank you for all your blessings Reyes Kevin and maxi guide protect in good health amen 🙏 💖🤲🥀🌹
Ama naming Dyos ang lumikha ng langit at lupa. Ang nagbigay ng buhay Kami po ay taos pusong nananalangin sa inyo Na nawa ay mawala na po ang corona virus na bumabalot at nagpapahirap sa buong mundo. Naway ipadala ninyo ang inyong mga angel upang ingatan ang bawat tao at malampasan ang krisis na ito. Protektahan nyo po ang mga Doctor at Nurses na nakataya ang kanilang buhay habang nanggagamot ng may sakit. Maging ang aming gobyerno nawa ay patuloy nyo po silang gabayan upang maging matagumpay ang paglaban dito. Kami po ay nananalangin sa ngalan ng inyong anak na si Hesu-kristo ipinauubaya na po namin sa inyo ang lahat. AMEN
THANK YOU LORDTHANK YOU JESUS .THANKS FOR EVRYTHING YOU BESTOWED US AME.N❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤
mahal na poong Hesus Nazareno salamat po.patawarin mo po kame sa lahat ng kasalanan na nagawa namen.gabayan nyo po ang aking mga anak at apo.. malayo sa lahat ng karamdaman.. bigyan mo po lage ng peace of mind and good health.. salamat po.. Lord..
Jesus Nazareno, Mama Mary, St Padre Pio heal my dizziness and thank you for all your blessings amen 🙏 💖🤲🥀🌹
THANKS GOD THE FATHER SA MGA BLESSING NA IPINAKALOOB MO SA AMIN TODAY YESTERDAY AND TOMORROW FOR ALL MY LIFE SORRY GOD THE FATHER SA MGA KASALANAN KO IN JESUS NAME AMEN❤❤❤
NPJN thank you Lord Jesus Christ We need your healing miracles everyday please continue to heal me my families relatives and friends heal our sickness from head to foot heal my children Julius Amabelle Tristan and Aura Heal my sister Anicia my brothers Felix Alexander Roberto my in laws Elisa Susan Nonecia Milagros heal us Lord restore our strength energy and good health Touch our bodies with your blessed healing and miraculous hands heal us Lord NPJN This I pray in the Mighty Name of Jesus Christ AMEN 🙏 🙏😌😌
Panginoong Hesukristo pakitulungan mo po si mhelmark at iligtas sa lahat ng masama at loobin mo napo na makamtan na niya ang kalayaan niya amen
Thank you for all your blessings Lobendino kervin, Margaret, Khloe guide and protect in good health amen 🙏 💖🤲🥀🌹
Mapalad tayong lahat may mga Pari na laging nagmimisa sa ating lahat bigyan mo po sila ng good health wealth and protection me too sorry God the Father sa mga kasalanan ko IN JESUS NAME AMEN❤❤❤
Ama humihingi po ako ng kspatawaran ng akinh mga kadalanann ml ng aming mga kasalanan and tinubos mo kami ng aking pamilya sa pagtraydor sa yo atat kagalingan ko sa aking cancer at mga pagsubok asa buhay at mga blessings na binibigay mo sa amin sa pamamagitan ng aming Poong Nazareno. Amen.
Lord patawarin mo po kame sa aming mga kasalanan,Thank you po sa lhat ng mga blessings, na binigay mo samin ,at higit sa lhat pinupuri kita Panginoong Jesukristo Amen.
GOD IS GOOD GOD IS ALWAYS WITH US GOD IS ALWAYS FAITHFUL NOTHING IS IMPOSSIBLE THANK YOU OUR ALMIGHTY GOD LORD SAVIOR JESUS CHRIST FOR ALL YOU HAVE BESTOWED UPON EVERYONE OF US THY WILL BE DONE AMEN MARAMING SALAMAT PO DIYOS PANGINOON AMENAMEN AMEN
MinamahaL Po Naming Poong Hesus Nazareno Maraming Salamat Po Palagi sa Mga Gabay at Mga Biyayang Ibinibigay Ninyo Po sa Amin sa Araw-araw!♥️🙏
Tangapin Nawa ng Panginoon Itong aming paghahain sa iyong mga Kamay sa kapurihan nya at karangalan at sa aming kapakinabangan at Ng buo mong sambayanan Amen 💞💖💕💕
❤Lord Jesus,Salamat po sa baging araw na ito at muli mo po kaming ginising ng buong pamilya.Salamat po sa iying pagamahalsa aming na ang bio g buhay mo ay inalay mo matubos lang ang aming mga kasalanan ng buong mundo.Patawad po ng mga na gawa naming kasalanan sa isip,salita,nakikita,naramdaman at sa gawa.Amen
I love you Papa Jesus, Mama Mary and Padre Pio. Thank you for the gift of our jobs. Salamat po sa laging paggabay sa akin. Thank you po for all the second chances and opportunities. Salamat po sa lahat ng blessings and good health especially our mom's good health. VIVA POONG NAZARENO!🙏🙏🙏
@user-wg3of2yp2r
Ай бұрын
Lord forgive our sin and pray for us❤❤❤❤
@user-wg3of2yp2r
Ай бұрын
Amen❤❤❤❤
Mahal na ama tlungan mo po kmi at gbayan mo kami sa araw2 ng buong pmilya ko at lhat na hiling ko kloob mo kay antonio na dumami po ang pasahero nya at ingatan mo sya s knyang pagmaneho ama ligtas s kphmkan at krmdman hipuin hplusin pgplain mo atptnubyan mo kmi pgalingin mo kmi sa lhat n sakit slamat Ama Amen🙏❤🌹
Jesus Nazarene thank you so much for all your mercy and forgiveness of our sins❤❤❤
May this day be filled w/your Love protection healing miracles ans prayers to bless protect jbryan, jjeffrey, jmichael, Marcela heal us amen 🙏 💖🤲🥀🌹
Thank you Lord for the gift of life 🙏 and for the strenght you gave to my family and my friends,for the blessings and graces,thank you po
Mahal namin PanginoonJesus na Nazareno pagaling mo ang mga nararamdaman nmin sakit halposin yo po yun sakit at palgi mo kmi gabayan làlo na mga pamilya.ko ilayo sa ano man kapahamakan. Salamat Amen
Poong jesus nazareno I bless at gabayan mo po ang aming pag sasama Ng aking family 🙏❤️ dalangin ko dn po makahanp ng tamang wrk mr.ko gabayan mo pi sia sa knyang tatahakin in jesus name amen🙏🙏🙏🙏
Praying for good health of my whole family, for souls in porgatory,peace in the world, healing of the sick, for Our President and Philippines. 🙏🙏🙏🇨🇦
GOOD MORNING POONG JESUS NAZARENO AND MAMA MARY, THANK YOU FOR WAKING ME UP, ALIVE AND STRONG.THANK YOU FOR HEALING MY BREAST CANCER LIVER CYST APPENDECEAL MUCOCELE AND NO MORE CANCER CELLS. IN JESUS NAME AMEN 🙏
Magandang Umaga po sa mahal na poong nuestro padre Jesus nazareno AMEN 👏 🙏🏼 💖 ❤️
Thank you lord for all the blessing each day 🙏 🙌 ✨️ 💛 ❤
Mahal na poong Jesus nazareno kayo na po ang bahalang magpala sa aming Lahat lalong Lalo na po ang aming mga pamilya maraming salamat po lord Jesus christ. Amen po 🙏💖🙏
Good morning Father Good morning everyone God bless us all 🙏🙏😌😌
Maraming salamat po sa lahat ng blessings na bigay niyo sa aming pamilya. At patawarin niyo po kami sa lahat ng aming mga kasalanan. Huwag niyo Pong pabayaan ang aking pamilya. Have mercy on us & hear our prayers Lord. Amen
Poong Jesus Nazareno thank You for everything.. for the love mercy and forgiveness 🙏
Lord Jesus Christ thank you for the blessings we received daily and I implore your mercy to heal all my sickness that I'm suffering now. Thank you for everything. Amen.🙏🙏🙏
Maraming salamat po POONG HESUS NAZARENO sa araw araw n buhay n pinagkakaloob mo samin kasama ang iyong mga biyaya na kaylangan nmin s araw araw salamat ama at patawad saking mga kasalanan sinadya mn ito o hnd patawad po AMA,in JESUS NAME AMEN AMEN🙏❤
Salamat po Panginoong Jesus sa lahat ng biyaya na iyong ipinagkaloob sa akin at sa aking anak na si Leane at ang buo niyang pamilya at si Jovert salamat po Panginoon salamat po
Salamat panginoon Jesus hindi mo kami pinabayaan.. hinihililing ko Jesus pagalingin munA aqu Jesus🙏🙏🙏
Magandang umaga po mahal na Poong Nazareno maraming salamat po sa lahat lahat
Nuestro padre Jesus nazareno PRAY FOR US 🙏🙏🙏🙏🙏🙏
HOLY HOLY LORD GOD OF HOST HEAVEN AND EARTH ARE FULL OF YOUR GLORY HOSANA HOSANA IN THE HIGHEST BLESSED IS HE WHO COMES IN THE NAME OF THE LORD HOSANA HOSANA IN THE HIGHEST.
Mapalad sina Ariel at Aries na may good health wealth anď protection sorry God the Father sa mga kasalanan nila IN JESUS NAME AMEN❤❤❤
Amen salamat Lord sa umagang paggising naway gabayan mo po ang aking buong pamilya sa Araw Araw ilayo sa anumang kapahamakan at patawad sa mga kasalanan...amen
Walang Hanggang pasasalamat poong hesus nazareno,salamat sa pangalawang Buhay na pingkaloob mo sa Asawa ko,inaalay ko Po Ang aming Buhay sampu Ng aking pamilya,lord hiling ko Po na aking anak na lalaki ay mgbago na,amen❤❤❤
THANK YOU SO MUCH OUR ALMIGHTY GOD LORD SAVIOR JESUS CHRIST AMEN
Good morning Rev Father Doug Badong and All the Celebrants today Stay safe and healthy always God bless us all 🙏 🙏😌😌
Poong Jesus nazareno pls patawad po sa mga kasalanan ko amen and thank you sa lahat nga blessing amen and thanks nakakakita na po ako thank you lord amen 🙏 🙌 ❤️ 😊
We praise You and we thank You Lord God for all the things that You gave to us. Please protect us from danger. Be with us always. Heal us from our health problems. Lord God, I also pray 4 my family 2 make united as 1. Let them You become the center of our lives. Let ur love be w/ us always & no more hatred & jealousy of 1 another. Lord, patawad po sa lahat ng aming mga pagkakasala. At salamat po sa Iyong pagpapatawad. Ikw po ang maghari sa buo nming pamilya. Pagkaisahin mo po ang aming pamilya. Lord, I also pray for all the souls who need most of your mercy. Especially for the souls of our loved ones.Let them be with you & serve you in Heaven. I love them. We ask this in Jesus’ name. Amen!🙏❤️🙏
Panginoong Jesus Nazareno maraming salamat po,sapagi po ninyong oag gabay sa aminpalagi at sa mga kapatid koarcady, rosie, at anak kong si Edwin nasa malayo siya sana gabayan nio po, iligtas sa kapahamakan at ilayo sa tukso na walang madamang mangyayari sa kanya.salamat Ama Anak, at Spirito Santo,.Amen.🙏🙏🙏
Poong JESUS Nazareno Patawad PO Ama sa lahat ng aming Mga nagawang Pagkakasala na nagawa Namin SA Iyo Na nahing sanhi ng iuong kamatayan sa krus Patawad PO Ama Poong JESUS Nazareno 🙏🙏🙏🙏👏👏👏👏👏👏
Maraming Salamat po Poong Jesus Nazareno sa lahat ng biyaya at kalakasan sa araw araw naway pagalingin nyo na po aming mga karamdaman at kapayapaan po ng buong Mundo Amen 🙏♥️🌹
Thank you Lord Thank you Mama Mary for everything Amen 🙏🙏🙏
MAHAL NA POONG NAZARENO HELP US GUIDE US AND PTOTECT US. BLESS US ALL AMEN AMEN IN JESUSNAME.❤❤❤👍👍👍🎈🎈🎈👋👋👋
Lord Jesus please healing us 🙏🏻🙏🏻🙏🏻 and forgive us for our sins 🙏🏻🙏🏻🙏🏻
Mahal na Poong Nazareno nagpapasalamat po ako sa lahat ng blessings na binigay mo sa akın at sa pamilya ko; patawarin nyo rin po ako sa aking mga kasalanan, Amen 🙏
AMEN THANK YOU LORD JESUS N BIRHEN NG SOLIDAD PLS PROTECT MY CHILDREN ALWAYS AMEN I TRUST IN YOU MAMA MARY I LOVE YOU
Thank you Lord salahat Ng biyaya at kalakasan Ng aking buong familya gabayan nyo po Kami sa lahat ng aming gagawin at mga alalahanin ko sa familya k Amen 🙏🙏🙏♥️♥️♥️
Mahal na.Senor Jesus Nazareno tnx much for everything. Pls touch me with your most powerful hand to heal me everything . Slmt Po♥️🙏♥️🙏🙏🙏
Thank you so much Lord for everything Amen 🙏
Sapagkat Sa Iyo Ang kaharian at kapangyarihan at kapurihan ngayon at magpakailan man Amen 💞💖💖💕💕💕
Panginoon Hindi PO ako karapatdspat Magpatuloy Sa Iyo ngunit sa Isang salita mo PO lamang Ay Gagaling na Ako Amen 💞💞💞💖💖
Pangiinoon Ko humihingi PO ako sa iyo Ng kapatawaran sa lahat ng aming Mga nagawang pagkakasala higit PO sa iyo sa aming kapwa at sa aming sarili Patawad PO
Salamat po sa lahat lahat Jesus.Bless my family always.Nietes.,Ragunton,Cananoay family.Good health,Protection Guidance .Amen🙏👏
Lord patawad sa lahat kung kasalanan isinusuko ko na saiyo panginoon ikaw bahala sa akin lord. Thank you.Amen.🙏🙏❤❤
Salamat po sa Lahat 🙏❤️ pinupuri k namin panginoon Jesus 🙏❤️
Mahal na Poong Jesus Nazareno salamat po at nagising na nmn po kami sa Isang panibagong Umaga naway gbyan Nyo kami sa buong mag hapon maraming salamat po Amen 🙏🙏🙏
Mahal nang poon nazareno patawaren nenyo po AKO MGA kasalanan KO Wag nenyo po AKO pabayan lord gabayan nenyo po AKO araw araw... marame salamat po mga biyaya binegay nenyo Aken ❤❤ Amen 🙏🙏🌹🌹🌹
Lord please forgive our sins.Thank You for everything.Amen
AMEN OUR LORD SAVIOR JESUS CHRIST AMEN PLEASE FORGIVE ALL MY SINS AMEN AND PLEASE FORGIVE ALL OTHERS SINS AGAINST US TOO AMEN
Salamat po panginoon jesus nazareno gabayan mo po kaming lahat.🙏🙏🙏❤️❤️❤️
ALMIGHTY GOD THANK YOU THAT I REACH AGAIN THIS DAY OF HOLY THURSDAY O LORD GOD..LORD GOD I WELL SURRENDER MY SELF FOR YOU O LORD GOD ,TO FORGIVE ME ALL OF MY SINS THAT WHAT I'VE DONE ..LORD GOD I PRAY TO YOU TO BLESS AND GUIDE ME MY HUSBAND MY BROTHERS THERE WIFES AND MY SISTERS HUSBAND AND ALL THERE SONS AND ALL THERE DAUGHTERS ,LORD GOD I SURRENDER FOR YOU ALL MY LIFE COZ I DONT KNOW THAT WHAT TO DO O LORD GOD ...HELP ME O LORD GOD❤❤❤
poong Jesus Nazareno please help and guide me everyday. amen
Panginoong Hesus itinataad po nmin vsi Von sa knyng paggaling m sa kasalumuyang critiical ang klgya. Panginoon nasa kmay mo ang kgalingan nysa Amen
Poong Jesus nazareno pls guide and protect my son Patrick and keep them safe everyday amen 🙏 ❤️ 💙 ♥️
maraming salamat po mahal na jesus nazareno Amen sana po gumaling na po ako Amen sana po makatrabaho na po ang anak kong lalaki Amen sana po matapos na po ang kumakalat na virus Amen
SUMALANGIT NAWA ANG KALULUWA NG AMING MAHAL NA TATAY AT NANAY AT LAHAT NG AMINH MAHAL SA BUHAY NA NAMAYAPA NA AMEN🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏
Lord praying for good health safety and happiness for my whole family
Mahal Na amng nazarino.bsbasan m.pi kami Ng makapngyarihan m g mga kamay hipoin m.po.ang bawat Isa sa aking mga mahal sa Buhay lukoban m po kami Ng iyong kapngyarihan 🙏🙏🙏🙏❤️❤️❤️
Panginoon dinggin mo kami Amen help me AMEN salamat po