Geo Ong - Breadwinner
Музыка
MY SONGS ON SPOTIFY : open.spotify.com/album/02q4Ni...
Please Subscribe kzread.info/dron/toK.html... it would be a big help for me to write more songs
Music video by Geo Ong performing BREADWINNER.
Follow Geo Ong
/ imgeoong
imgeoong?h...
Music video by Geo Ong performing BREADWINNER.
Additional vocals by Emjhay
Mix & Mastered by Jay-B
Produced by Jlhutz
Main cam - Mark Pabalan
2nd cam - Renard Austria
Edited by - Geo Ong
LYRICS:
Emjhay:
Bakit ba ganito
Tanong ko lang, mahalaga ba ako sa inyoo,
Bakit parang ako lang ang may pasan nito,
Pamilya ko nga ba talaga kayo
Sana’y, mahalin niyo rin ako oh
Lahat ay gagawin ko ooh
Para sa inyo
Hindi ba dapat pamilya ang una kong tatakbuhan
pero bakit ganun, akoy inyong tinakbuhan
ang anak niyo lamang ay yung matalino kong kapatid
kahit sagot ko naman ang lahat pag tayo ay said
mabait lang kayo Ma, Pa, pag may kailangan
ang lambing niyo ah tatay tatayan? nanay nanayan?
yan ang galawan na, inyong nakasanayan
anak yung utang ko, kelangan ng bayaran
ano po ba ang tingin niyo sakin? ha!? mayaman!
pag wala 'kong naibigay ako may kasalanan
mga miyembro ng pamilya mo na abusado
hingi lang ng hingi sayo, ayaw mag trabaho
pag ‘di ka nakapagbigay ikaw pa ang masama
wala eh, pamilya mo kaya wala kang magawa
kung lagi kayong ganyan, pa’no naman ako
isipin niyo naman ako wag yung kayo lang ng kayo!
Lagi nalang ako, bakit ganto,
Naalala niyo lang ako pag may kailangan kayo,
Kung mahal niyo ako, hindi sana ganto,
Kung mahal niyo ako sana naman ipadama niyo
Kahit parang ako lang ang may pasan nito,
pipilitin ko paring kayanin ‘to,
sana’y mahalin niyo rin ako oh
lahat ay gagawin ko para sa inyo
mismong magulang mo ikaw ay palaging sinasaktan
sobrang sakit na pero pilit mo paring tinatakpan
minsan hindi mo na alam, kung ano ang gagawin
sa agos ng buhay na to san nga ba tayo dadalhin
kasi nakakapagod ng huminga
pakiramdam ko ang lahat sa akin ay huli na
ang tagal ko ng nabubuhay pero halos walang bago
talunan parin ang tingin sakin ng mga tao
kung buhay ang tawag dito, ayoko ng mabuhay
gusto nila pekeng ikaw ayaw nila ng tunay
gusto nila kung ano sila dapat ganun kadin
sa panahong ngayon tanong ko lang dapat ba yong gawin?
walang nangangamusta, wala ring kumakausap
pag pikit ko halos ayaw ko ng buksan ang talukap
nakakapagod na, nakakapagod na,
buhay na bigay mo sakin saan nga ba ang punta? Diyos Ama
Lagi nalang ako, bakit ganto,
Naalala niyo lang ako pag may kailangan kayo,
Kung mahal niyo ako, hindi sana ganto,
Kung mahal niyo ako sana naman ipadama niyo
Kahit parang ako lang ang may pasan nito,
pipilitin ko paring kayanin ‘to,
sana’y mahalin niyo rin ako oh
lahat ay gagawin ko para sa inyo
kaya lagi mong tandaan ang masamang karanasan
habangbuhay yan nandiyan hindi ka niyan tatantanan
sarili mo lang ang kakampi mo oo walang iba
sa mundong to haharapin mo ang laban ng mag isa
Oo mag isa, nuon pa man ganun naman diba?
Kapag meron ka lang, tska lamang nandidiyan sila
Para makahiram ng pera ang lakas pa mang uto
Sasabihin pang parang di naman tayo magkadugo
kadugo!? wag niyo naman sanang abusuhin
porke kilala niyo ‘ko na masyadong masunurin
Ayoko pa naman sa lahat mga mangagamit
hindi ko namalayan ako na pala nagamit
Pero ganun pa man, kahit sobrang galit ako
‘di ko parin makayanan na ipagpalit kayo
Dahil isa lang ang mundo bali baliktarin man ‘to
Kayo parin at ako pamilya ko parin kayo.
Kahit parang ako lang ang may pasan nito,
pipilitin ko paring kayanin ‘to,
sana’y mahalin niyo rin ako oh
lahat ay gagawin ko para sa inyo
Kahit parang ako lang ang may pasan nito,
pipilitin ko paring kayanin ‘to,
sana’y mahalin niyo rin ako oh
lahat ay gagawin ko para sa inyo
Пікірлер: 5 900
Gusto ko mag pasalamat sa lahat ng mga taong nakasuporta sa akin at sa music ko, MARAMING MARAMING SALAMAT dahil sa inyo kaya ipagpapatuloy ko ang pag gawa ng music. sana ay patuloy niyong iparamdam ang inyong suportang tunay yung as in solid talaga yii hanggang sa huli may music padin tayong pakikinggan na may pakinabang sa buhay dahil suporta niyo ang gasolina ko!! love you all 🔥🙏🏼 Bless up!
@lexussantino7812
5 жыл бұрын
Geo Ong kayo parin ako pamilya ko pa rin kayo solid relate boss sana gawan mo rin kanta yung mga babaeng mga gold digger
@jaycee857
5 жыл бұрын
idoooooool💙 notice me💙 gawa kapa ng mas maraming kanta😊
@jomarbanadera5320
5 жыл бұрын
Geo Ong mas madaming music pa po sir. God bless. Inaabangan ko talaga mga bago mong kanta.
@angelthugs233
5 жыл бұрын
Geo Ong Geo ang lupit Di ko alam kung naalala mo pa ako huling kita kasi natin nun sa bside friend ako ni pio balbuena Ako ung nag chorus sa MV video ng kanta ni Negatibo na Ako ay Ako Sana magkaron tau ng isang project kahit ako mag chorus sau
@kabagay8012
5 жыл бұрын
Idol MORE song pa. Mga kanta mo na may aral. Tagos sa puso!! Solid fan!
Siya yung rapper na may konektado talaga sa takbo ng buhay like if u agree 👍
@honeycocoon
4 жыл бұрын
soft heart lahat ng songs nya konektado ih hahahaha support geo 💙
@JcMantala
3 жыл бұрын
He's one of them. But for me, He is one of the best
@jindelfitness8310
2 жыл бұрын
Nice geo Ong idol
@dharelldaa2865
2 жыл бұрын
True🔥
@maryannamaro1538
Жыл бұрын
🙏
2024 may nakikinig paba?
@johnmarkalingod6893
2 ай бұрын
Wooooof
@aquilasamson241
2 ай бұрын
Meron parin super relate kase ako.legit lang sapul na sapul Ako. 😭
@teamnickz520
2 ай бұрын
oo nman baka geo ong yan
@mikesantosjr4111
Ай бұрын
Meron ako kow 3.beses na nga. Ngayin araw at Oras nato
@samsahagun7925
Ай бұрын
Present!!
Maynakikinig pa ba neto ngayun 2024?❤
@jayespinosaofficial3252
11 күн бұрын
Meron
@hazelogena8557
2 күн бұрын
Para to sa mga anak na hindi paburito ng magulang nila pero sila pa yung mas nakakatulong sa magulang. Feel this
@jasperbusa8806
3 жыл бұрын
Hahaha para sakin ba yan parekoy? 🥺😂
@assenavareivabatela661
2 жыл бұрын
Omsim !
@miming6461
2 жыл бұрын
🥺
@joshpaper3491
2 жыл бұрын
mismoooo pareee legit yan
@jongofficialph6705
2 жыл бұрын
Tama pero buti nalang marami kame, kahit di ako Ang paburito, lahat ng Yan may hannganan
Ang lakas mo sr geo tuloy mo Lang yan .. Like nyo Kung idol nyo rn sya 🙂
Geo Ong, one of the best rapper in the Philippines. 🇵🇭💗
2022. Nakikinig parin ako nito sir Geo. Salamat po sa mga vlog. Nakakawala po ng stress. Ty po ng marami. God bless po sau at sa pamilya mopo. Masid 🔥🖤
@gamarfruits467
2 жыл бұрын
same hhahah ganda ehh ng kanta -
@gracebquinagoran4388
Жыл бұрын
Same hehe
2021 meron pabang nakikinig Press like
@daisyanonuevo2027
3 жыл бұрын
👋
@ChristianRodriguez-qk9ic
3 жыл бұрын
Oo bago matulog ito pinakinggan ko
@mariaalmygadia7817
3 жыл бұрын
❤️
@mavictoriacaparas7147
2 жыл бұрын
Yes
@habibmasacal8667
2 жыл бұрын
👋
may mga aral na rapper gloc9 at geo ong para sakin like kung sinu may gusto na mag sama sila sa isang kanta
@sandaragaligao8642
5 жыл бұрын
Pwede pwede
@earlcamagong9298
5 жыл бұрын
Ganda tlaga ng song ni geo
@juliussoriano1442
5 жыл бұрын
Pwede maganda yon idol ko parehas yan
@jaymarkneg9188
5 жыл бұрын
Solid k boss geo
@thomas8006
5 жыл бұрын
Ruby ibbara maganda rin rap niya
Kuya .pwedi po ba Ako mag trabaho sa inyo??
I was working and in the middle of my work I saw this song on KZread, tells about the experience of a breadwinner, I play the song and understand, Tapos bigla nalng tumulo ang kuha ko sa part na lagi nalng sarili nila iniisip nila, I’m a breadwinner too and I really feel this song talaga ng tinamaan talaga puso ko, ang hiram maging breadwinner and I agree that he say na. Kahit balikbaliktarin paman ang mundo pamilya mo Parin sila 🥺, shout out sa mga breadwinner jan! ❤️🙏🏻 laban lng tayo, aahun din tayo sa kahirapan sa awa ng diyos ❤️🙏🏻
@mariag.3006
2 жыл бұрын
Godbless!
@dangjashtvchannel2704
2 жыл бұрын
😭 naiiyak ako diko man magawa sabihin na nay ,kuya ,ate pagod na Ang bunso niyo 😭😭 pero di parin sumusuko para sa pangarap niyo.
@eco9315
2 жыл бұрын
Stay strong buddy!!! :*
@rochellemcdade7610
2 жыл бұрын
Virtual hug po😞
@stargazer016
2 жыл бұрын
iparinig mo to sa magulang mo
Hindi sya ang susunod na LOONIE. Hindi rin siya ang susunod na GLOC-9 At lalong hindi rin siya ang susunod na Francis M Dahil siya ung kauna-unahang GEO ONG 🔥👍.
@brewsmingo8733
4 жыл бұрын
Nice men👍 true!!
@stagequeen03
4 жыл бұрын
tama at sya lang tipong rapper na gusto ko!
@vincentataban8681
4 жыл бұрын
Geo ong💯
@bluesclaws3986
4 жыл бұрын
Damn
@jnmdj1256
4 жыл бұрын
well said
we need more rappers who arent afraid to talk about the truth. keep up the good work man
@zytuscastro7192
5 жыл бұрын
Try NF
@girlroyal4333
4 жыл бұрын
@@zytuscastro7192 maganda parin Pinoy rapper
2022 na the best ka talaga kuya geo✨❤️
Salute sa mga breadwinner na anak magpakatatag lang po kayo palagi at mailagay kayo sa maayos na buhay🙏
@RichardMoya-cj6hc
5 ай бұрын
Kapagod ndin bro
At the young age of 17, I was forced to be married at a old foreign man. I'm the breadwinner of my family, and I can't do heavy work that pays good money. The only choice I had that time was to marry that man so I could pay our debts. This song pierced through my heart. Thank you Mr. Geo for making a song like this.
@andrianesandagan4410
5 жыл бұрын
@Girlgamer Senpai tsk naka kulong kna sa kulongan na gawa nila 😥
@IsabelCabana-bt9lv
5 жыл бұрын
@@andrianesandagan4410 Gawa ng sarili 'kong magulang.
@b.m.7017
5 жыл бұрын
Sa ngayon po okay kapang ba sa kalagayan mo? I hope na mabait sana yung napangasawa mo
@ryuzaki_ray
4 жыл бұрын
Girlgamer Senpai Hiwalayan muna po yan...
@jpbaguhin6579
4 жыл бұрын
🖤🖤🖤 You are loved po. Black hearts for the broken souls!
I BELIEVE TEENAGERS LIKE ME SHOULD BE APPRECIATING RAP SONGS LIKE YOURS😊😊😊
@T.B.Y.S.
5 жыл бұрын
kaso halos lahat mga bobo eh. Kaya ayon, sige sige maglibang, sige magpakatanga.
@jjflores7934
5 жыл бұрын
+Lance Pena ex-b kasi
@prawldeleon5930
5 жыл бұрын
Grabe kakadiscover ko lang ng music ni Sir Geo ayun grabe he hits me very hard
@ShalomSoul06
5 жыл бұрын
He is the real mc. One of the most underrated mc on hiphop
@angelicagaylpichay1440
5 жыл бұрын
Of course 😍
Bakit ako naiyak kahit hindi naman ako breadwinner i think i just feel what my ate feel. Thank you kuya Geo ong sa paggawa ng mga music mo it keeps me motivated po
sumasabay sa init ng panahon 2024 listener
iptutogtog koto sa bahay para my ma himasmasan nmn sa bahay namen...
@hajhamir6398
4 жыл бұрын
Oo nga try ko nga din
@angelocereno7607
4 жыл бұрын
💔
@rayeivandegrano5683
4 жыл бұрын
Hahaha
@JeykMachito
4 жыл бұрын
hahah Ayus yan
@karlpineda390
4 жыл бұрын
same💜
R E A L T A L K PANGANAY HERE.. SAPUL BOSS
@cjhayygamal839
4 жыл бұрын
Same us boss
@ainabalanza
18 күн бұрын
Bunso ako pero sakin pinapasan lahat ng responsibilidad
1st Week of 2023, still listening to this song. bigla nalang talagang tumutulo luha ko pag naririnig ko tong kantang to. to all breadwinners out there, sarili mo lang kakampi mo, mag iingat ka palagi, magpalakas , balang araw makakaraos ka din. Godbless you.
@billyjoebantayaon1175
Жыл бұрын
❤
2024 sino pa nakikinig
@user-ow6sv5ee4t
7 күн бұрын
Syempre ako
Yung tipong ang bigat bigat na ng nararamdaman mo pero wala kang makausap sa pamilya mo.. yung may mas nakakatanda ka namang kapatid at may father ka naman pero sasarilinin mo nalang kasi alam mong ikaw ang inaasahan nila sa lahat ng oras... iiyak ka nalang mag isa kasi wala ka nang choice... pangalawa ako sa magkakapatid pero parang ako yung panganay ... nag asawa na yung ate ko then father ko may gf na ... mother ko namatay na 9 years ago .. i was only at 14 years of age when my mother died and i have 3 siblings living with me and my father... kailangan ko silang suportahan dahil wala naman akong ibang aasahan.. nakalimutan ko na halos ang sarili kong buhay for them... 23 na ko pero single parin 😅 hindi po ako nagrereklamo.. i just want to share my story ❤ masaya ako dahil as of now nakikita ko na yung mga hirap ko para sa mga kapatid ko ☺ sana sa mga katulad kong breadwinner wag po tayo basta mapagod .. magtiwala lang tayo sa diyos dahil alam nya lahat ng sakripisyo natin para makatulong sa pamilya.. may magandang plano si god kaya pakatatag po tayo 😇 godbless us all .❤
@arthurporras1932
4 жыл бұрын
Ang strong mo po. Godbless po 😊😊
@jericholegaspitorres4215
4 жыл бұрын
Stay strong Lang po sating mga breadwinner 😊
@jaylordalipio6891
4 жыл бұрын
Ang hirap nyan idol tingin pa nila sayo walang kwenta kahit may ginagawa kang tama
@frederickryanpanim528
3 жыл бұрын
That's true
@djnicxs
3 жыл бұрын
Salamat po 😊 para sa lahat ng breadwinner kaya natin to 😇 💪
Sinong soundtrip to gang ngayon? Salute satin.
@kylecristoffer3193
3 жыл бұрын
May grind ako! solid to
@daisyanonuevo2027
3 жыл бұрын
🖐
@marlonapigo5098
3 жыл бұрын
Salute
@emmanablaza7922
3 жыл бұрын
me lodi
@elgiegarces5209
3 жыл бұрын
Bwahahahha Gandang Boses Kuya Eh🥺
Diko mapigilang maluha habang pinapakinggan ko tong kanta sabrong hirap maging breadwinner sa isang pamilya yung tipong kahit yung para sa sarili ko ibibigay ko nalang sakanila .. salamat ng marami sa napaka bisa mong kanta boss Geo 🔥
Ang galing mo tlga geo ma pa rap super idol kita. Lalo na sa pag raised ng family mo bilib na bilib ako sayo at yung mindset mo always positive sa life sana gayahin ka ng nkararami.salute u geo ong lagi ko pinapanood mga vlogs mo very inspiring talaga..more vlogs pa geo god bless sa family mo
2019 ? Sno pa nakikinig :)
@ryanpagliawan5799
5 жыл бұрын
me
@jhaydiemotovlog9021
5 жыл бұрын
me
@ryanpagliawan5799
5 жыл бұрын
@@jhaydiemotovlog9021 haha
@jaysonmalanum1446
5 жыл бұрын
Me
@thatsmydave5917
5 жыл бұрын
Me
hmmm this is one example of the toxic filipino culture, na kapag nakagraduate or may work kana sayo na iaasa lahat, well thanks geo this is sad
@lloydknapton2166
4 жыл бұрын
Sad but true😢
@geraldgallardo1667
4 жыл бұрын
Well, that depends on what class you are in. This mostly happens from lower to middle class citizens.
@miguelvicente9786
4 жыл бұрын
@@geraldgallardo1667 matic naman un e pag mayaman na kayo mas madali maka ipon at maka bukod kesa nung nasa lower bracket lalo na pag may mga kapatid kapa hirap d maka ipon dumaan lang sa palad ung sahod
@geraldgallardo1667
4 жыл бұрын
@@miguelvicente9786 kaya nga. Pero depende parin sa culture yan. Merong Chinoy na very traditional na tipong ni piso di bibigyan anak nila hanggat di nila nakikitaan ng determination.
@jhonvillareal9158
4 жыл бұрын
nasa sayu kung d marunong kang magbalik tanaw maranasan mo ding maging magulang..para kang tae matapos tumae e paflush mo dre...
Nakilala ko si kuya Geo Ong, hindi dahil sa kanta niya pero sa vlogs niya. But i want to hear his songs and dude it's gives goosebumps, and it makes me cry.
grabi yung message ng kanta naiyak ako dahil breadwinner ako sa family ko kahit may asawa na 😥 nakakapagod pero wala akong magawa kasi pamilya ko sila. pinasan ko lahat ng obligasyon ko sa kanila since nakapagtrabaho ako. di mo parin maiiwasang maawa. 😭 Ikaw yung pangatlo sa magkakapatid pero ikaw pang yung may pasan lahat. may mga kapatid ka pero wala ee. ako padin yung lalapitan ng mga magulang ko. Si Lord na bahala sa atin. ang importante tinulungan natin ung mga magulang natin ❤️ ng buong puso 💗 salute to all breadwinner
@christianvillavicencio-pt2jx
5 ай бұрын
pangatlo din sobrang bigat 🤦🏿♂️🤦🏿♂️
" Wala eh pamilya eh" sakit Lodi Geo Ong. Naiyak ako dun ah. Yung tipong naSA barko ka tapos Mahal ka nila Kung allotment na 😔😔
@jiaalysaacademia4542
4 жыл бұрын
Grabe naman 😢
@darylmalabanan932
4 жыл бұрын
Grabe ka namna lods
@melaniesaranialibayao8635
4 жыл бұрын
Kent Lester Cezar sir 💔
@aeioume5121
4 жыл бұрын
😢
@jannarayadelacruz2606
4 жыл бұрын
Hays :(
Eto na yung inaabangan ko 🔥 Like kung idol den si sir Geo Ong 👍
@raymondramirez5847
5 жыл бұрын
lll
@lion1484
5 жыл бұрын
sub to sub po
Solid!! Goosebumps. 😭🔥
Sir geo ngayong kulang Nakita sa KZread nong napakinggan ko Ang kanta mo...napaiyak Ako..at nawala Yung bigat sa dibdib ko..thank u for this song ...God bless u sir geo..
Daming rapper pero sayo lang ako bumilib.. Realtalk idol😊
For the very first time bumilib ako sa rapper dahil sa content ng bawat rap nya!!! Makabuluhan 😍
@jessaesponilla9737
4 жыл бұрын
Mee too
@alexanderramos8751
2 жыл бұрын
Tagos lahat sir. Lupit
@LASEK.
2 жыл бұрын
Kilala Nyu naman siguro si Gloc 9 right?
@saludo6470
5 ай бұрын
me too. sobrang nakakaiyak. damang dama bawat liriko
Lit ! now ko lang napakinggan to! Hindi ko pinag daanan to pero ramdam ko ung sakit ng mga taong naranasan o nararanasan ang gantong eksena ng buhay! halimaw bro!! idol!!
tagal na ng mga kanta ni sir Geo Ong pero hanggang ngayon maririnig mo padin because lahat ng kanta nya makikita mo talaga sa totoong buhay.
I MUST SAY ALL "PANGANAY" CAN RELATE 🥺 KAYA NATIN TO☺️💜 very inspiring but that's reality🤘👏
@brownmanbarber6560
3 жыл бұрын
❣
@rrs8856
3 жыл бұрын
Indi lahat
@lalisamanoban5509
3 жыл бұрын
Minsan yung pangalawang anak
@itsymnq5337
3 жыл бұрын
Anong panganay ulol
@commentatormaster1334
2 жыл бұрын
pangalawa here pero pasan ko lahat kahit may mga sarili ng pamilya mga kapatid ko
Listening just now., "ako lang daw ang NAKAKAHIYA sa kanila, samantalang noong ako ang nag buhat lahat ng gastusin wala silang narinig sakin, pero ngayon na wala ako, NAKAKAHIYA na sa kanila.. 😭 ganito ba dapat yung pamilya? 😭😭😭
@niggahoops3834
3 жыл бұрын
Sakit tngina 🔥❤️
@jeffreynavales9788
2 жыл бұрын
Ramdam ko din to💔
@rochellemcdade7610
2 жыл бұрын
Virtual hug si
HABANG NAPAPANUOD KO TO AT NABABASA KO ANG MGA BAWAT LYRICS NG KANTA GRABE ANG SAKIT SA PAKIRAMDAM FEEL NA FEEL KO LAHAT IDOL NA TALAGA KITA BOSS GEO. SOLID. ❤️👌
the more you give the more you recieved blessings💯🙏 theres a one man watching your good things what you did🙏🙏
"Dahil isa lang ang mundo balibaliktarin manto kayo parin at ako,ako parin at kayo pamilya ko parin kayo.." damn truth
eto yung mga rapper na may silbe, di tulad nung iba dyan na makapagrap lang kahit ano nalang icocontent, may masabi lang!! di ko sinasabeng EX-B yun huh... 😂😂😂 mula ngayon sayo na supporta ko!
@lalinniegas3171
5 жыл бұрын
loyd diel SOLID TO KUYA HINDI KATULAD NG XB
@marsonzepeda2995
4 жыл бұрын
Haha. Onga. Di ko din sinasabing parang si og whun XD
@vashdimzon4174
4 жыл бұрын
Lalo na ang batang pasaway jajajaja
@ryansanpedro1792
4 жыл бұрын
KALIMUTAN MO NA YAN.!!!! SGE SGE MAG LIBANG.... 🤣
@user-uf1yv4mb7u
4 жыл бұрын
Nagmistulang bibe natutong mag rap autotune pa
HANGGANG NGAYON PABORITO KO PADIN TO GRABE DAMANG DAMA😭😭😭
Walang kupas kahit paulit ulitin pa tong kantang to napakaganda parin ng mga kanta mo kuya geo🥺💙
Kaway kaway sa mga nakikinig pa ngayong 2020 feb 15
Nakaka iyak ang kantang to. Like Nyo Kapag Nag Agree Kayo #Like #Geo_ong_Fan
@bonasucgang7784
4 жыл бұрын
Bilang isang ofw yes relate
@nativeedmargameplayedph9603
4 жыл бұрын
Me
@nativeedmargameplayedph9603
4 жыл бұрын
Yung robloc mo babaeng lalake ang buhok
My favorite song of Geo Ong, Sobrang sakit ehh pamilya ko ba talaga kayo!
Ganyan family ko Salamat sa song na ginawa mo lagi ko ito Pina kikingan araw araw Hindi na kaka SAWA
yung bawat bigkas nya ng linya tagos sa puso,dahil alam mong may pinaghugutan ang kanta.godbless bro patuloy molang ang paggawa ng opm na may kabuluhan.
@jerichodistor1948
5 жыл бұрын
Salute sir geo ong! Ansakit ng message nkakalungkot.
@aljunbalbero6652
5 жыл бұрын
tamah idol ko yan nangyari na sakin yan bro salamat sa kanta na to😭😭😭
@leslietayag6595
5 жыл бұрын
Nakakalungkot yan lodi😞😞
-.* Ganda ng Song Brod. mga patama sa mga Magulang na hindi pantay kong tumingin sa kanyang mga Anak' !!!
I hope this song would be the comfort song of all the breadwinners out there lalo na yung mga taong hindi kayang ilabas yung totoong nararamdaman
Watching and listening ngayon taon. Ramdam ko. na luha ako bigla. Damn!!!!! Thank You Geo Ong. AGITH
damn,this guy deserves more views and attention,his rhymes are deep
@cyrusdiega7776
5 жыл бұрын
Kijiro Akihito mismo!
@prick_04lim38
5 жыл бұрын
Geo is one of a billion kinds
@lion1484
5 жыл бұрын
sub to sub po
Hindi nila alam kung gaano kahirap mag isa para lang maibigay ang gusto nila .. Kahit buhay at kaligayahan mo susugal mo para lang sakanila.. Kung baga nasanay na sya na mag isa .. Kahit wala kayo ...basta ang importante ligtas kayo..🙇 salamat po kahit dito lang maintendihan sana nila .. Sa tamang panahon.. #idol
Grabe!!Tagos na tagos sakin ang kantang to as OFW. Pero laban lang.Mabait si LORD
Dahil isa lang ang mundo balibaligtarin man to kayo parin at ako PAMILYA KO PA RIN KAYO😍🔥 THIS LINE💪🔥
He has the talent. Pure, bold and wide range. Parang ang lawak ng pagiisip nya. Yung rapper na matalino. Plus he also got the looks 💕
Sarap parin pakinggan, ang sakit parin 😥😪 2020??
@jessalacaba5655
3 жыл бұрын
parehas tau parang kanta ni idol
@angelicadonaire2575
3 жыл бұрын
Parang kwento koyan ah
@rodelacuyen34
3 жыл бұрын
Same lodi 😭
@jessalacaba5655
3 жыл бұрын
masakit talaga😭😭😭😭😭😭
@brodyboy1541
3 жыл бұрын
Tamang kanta para sa akin buhay ko ngayon palagi na lang akong tinuturing na palang alipin
Grabe to Ang Ganda ramdam na ramdam ko tong na to nakakaiyak 😭 galing mo idol Geo Ong
since 2019 nirecommend to sakin ng tropa ko hanggang ngayon pinapakinggan ko paden. ganda ng message. isa sa best rapper sa pilipinas Geo Ong
Salute to all the breadwinners out there... stay strong always remember you family loves you
whos lisening 2020? Kaya gusto ko tong rapper na to ❣️
@MrsUnder
4 жыл бұрын
🤚
@nestormontejo2818
3 жыл бұрын
Kahit idol kuyan malapit nadin akung maging rappers
@princesskarlasanay6047
3 жыл бұрын
Hehe ako 2021 F you
@aldenjaredreyes2306
3 жыл бұрын
Kaibigan mo sya ng ninong ko po
@linuxsmtp4569
3 жыл бұрын
Until now 2021
Tagos sa puso yung kanta😭😭😭😭😭
Shish natamaan ako sa 2&3.Ganda Ng bigay ni boss geo galing galing ingat @geoOngChannel ♥️♥️♥️♥️
This broke my heart. Not everyone are blessed to have a family. I've known some that went through a lot of hardships in life at a very young age and they are the breadwinners in the household. They carry so much obligations when in fact, parents should be the one doing that. For those who dislike this video, mostly likely they are the ones that rely on others. This MV talks about how life truly sucks that some family and relatives are way too dependent! I don't often leave a comment but I was deeply moved by this video. I am not the breadwinner in the family but I have encountered some that made me question, what's the point of them making children when in the first place they cannot even stand for their own feet! Overall, I expect to see things like this! 😍 Di ung puro kalandian lang ang alam. 🙈Di vah? 😂✌ #NoHateButLove 😍 #KilosKilosRinUngIbaKasi
@jaspersungahid4879
5 жыл бұрын
Tama at pinagdadaanan ko until now tsk.
Let's face the reality. Hindi masyadong naappreciate yung gantong eksena sa industriya. Masyadong nagpalamon sa mga walang sense na music. Nakakalungkot isipin na kapag taga ibang bansa inidolo kahit tungkol sa drugs,murder etc okay lang pero kapag sa local rap artist ka jejemon ka. Utak pilipino. Well ganon talaga. pero yung gantong klase ng artist dapat binibigyan ng mga big break. Masyadong malalim. Makatotohanan. Respect bro!!!!!
@lion1484
5 жыл бұрын
sub to sub po
@p4ulooping
5 жыл бұрын
lol listen to NF gaya gaya yan hahaha hindi ako bilib jan sa ong na yan
@meeu
5 жыл бұрын
@@p4ulooping andami ng ganito, daming drums saka snares tapos piano. kahit saang rap scene, kahut saang bansa, dood. the point is, magaling siya lyricaly, maganda mensahe. di nakakabobo.
@imsopure7893
5 жыл бұрын
Wag mo lahatin kuya I'm a kpop fan but I love Geo Ong cause he face reality,and that's what I'm looking for hinahanap ko yung mga rapper na Katulad ni Geo Ong. But I think Apat lang yung pasok sa standards ko.isa nadun ang BTS hehehe sorry napahaba ata.
@gregchuatv7173
5 жыл бұрын
Paulooping Pare kung sinasabi mong ginagaya nya ang NF mali ka don, Nainspire lang sya. Ikaw ba, bakit ka ba nag ba vlog diba nainspire ka din sa iba. Eh pano kung sabihin din namin sayo nanggaya ka din sa pag ba vlog ng iba. Diba? Kaya watch your words pare. Ingat ka sa mga sinasabi mo baka bumalik din sayo. Peace out! 😎👌
The best ka talaga kuya geo ong simula nanood ako sayo nang vlog mo grabe sobrang humble nyo tas ansaya nyo tignan
tuwing na papagod na ko at nahihirapan sa mga probelama sa buhay at sa pamilya bilang breadwinner. ito lagi ko pinapatakbo and after nito mga vlog nyo na ng buong ong fam. kahit papa ano nawawala problema ko. feeling ko kasma ako sa mga gala nyo at sobrang saya.
Kanta ni geo tlgng real life
@janvargas5159
5 жыл бұрын
Tama ka dyan kap, ang dami pang aral.
@ryanpagliawan5799
5 жыл бұрын
oo nga
@cheen7247
5 жыл бұрын
Relate ako grabe
Alam nyo mga pilipino kasi takot harapin yung katotohanan. Mas gusto nila yung matatakasan nila yung problema kaya dun sila sa napapasya sila kaya di mapansin tong si geo kasi halos lahat ng kanta reyalidad.
@roselzapico6113
5 жыл бұрын
tama ka Po sa mga sinabi mo :D :)
@jajsjdisssjsjsjs4359
5 жыл бұрын
Mark Clifford Miralles oonga may punto ang song nya sa pamilya
@tigerjully4474
5 жыл бұрын
pero maganda din na may mga ganitong kanta
@lion1484
5 жыл бұрын
sub to sub
@jasmingervero8687
5 жыл бұрын
Tama ka pre
sobrang nkakarelate tukma lahat nang lyrics nang kanta nyu tagos hanggang buto sobrang sakit lahat nang lyrics nang kanta mo tama lahat nakakaiyak sobra 😪😪🥺🥺
totoo lahat ng sinabi sa kanta and nangyayare talaga sya sa totoong buhay shout po sa mga breadwinner dyan keep fighting lang po sa hamon ng buhay.
This song really hits hard on you. Kong nararanasan mo na talaga to. Lahat ng bagay ng gustong gusto ko e express nasa lyrics ng buong kanta mo.Thank you for expressing the feelings of some breadwinners out there sir. Ang gaganda po ng mga kanta nyo.
D ako breadwinner pero napakaganda ng bawat sulat mo na kanta tagus sa puso lalo na ung pekeng kaibigan. Godbless idol
ganda sarap uliulit tagos sa puso yung kanta your the best man geo ong plus ong family napapaiyak ako pag naririnig ko tong kanta sobrang saket
Sir/Kuya Geo thanks for this song tagus puso po lahat linya ng kanta niyo po, kasi ito rin ako eh pero hindi susuko para sa pamilya lalaban parin salamat sa inspiration po😇 God bless po
iba talaga bagsakan mo geo tagos sa puso eto dapat ang mga tinatangkilik hindi yung puro payabangan!!
Grabi ka a...dapat sumikat ka ang Ganda ng kanta mo kumakanta ka kasama puso..idol na kita mula ngayun aabangan ko lahat ng kanta mo...
@samuy3094
5 жыл бұрын
Tagus puso lahat
@jamessucaldito5210
5 жыл бұрын
oo
@johanesevangelista8403
5 жыл бұрын
NAKAKALUNGKOT SHET 😢😧😭😭
@mukhangchallenge8803
5 жыл бұрын
Galing mo bro.. Pag patuloy araw araw at lagi kitang pinapatugtug
Paulit ulit ko pinapatugtug hahaha lakas tlga nito. .salute
ito yung kanta na hindi ko expect na kay Geo Ong pala ito. Fav ko itong pinakikinggan sa sasakyan ng Tito ko. nakakarelated. Lately ko lang nalaman sa kanya pala ito hahaha. Napakaganda at tagos sa puso na kanta. keep it up. God bless po
listening to this while my eyes are close. damn. this guy is so talented. lyrics are from the heart. Geo 💗
Sino mga nakikinig nito kahit October 5 2019 na😭😭😭😭😭
@juststill968
3 жыл бұрын
2021 Napo
Grabi!! Yung emosyon ng kanta.. dama ko yung sakit..
I’m still crying in this song 😢 Grabe ang tama sa akin ng kantang to!! 😢😭😭 Sino nakikinig until now May 2023???
Geo nag-aabang kami sa mga nakakainspire na kanta mo 😭❤❤ More power po sir!
You deserved everyone's support Mr. Geo Ong 👍 Ang galing mo 👍 God bless you more and your family ❤️
Solid nmn niyan idol Geo Ong lang saklam and ALL GOOD IN THE HOOD 🙌☝️💯💖💖💖
Grabe npaka Solid ng bara ewan Koba kung bara tlga Boss kahit ginamit tayo ng mga bagay Na hinde ntin alam solid stay safe boss Geo Ong🙏🔥🔥🙏
naiyak ako sa ganda ng lyrics.nakarelate toloy ako sa sarili ko lage ko itong pakikingga.
Im getting emotional here. Grabe geo, ang lupet mo. Di na ako magtataka kung sisikat ka lalo ng sobra. Tagos tagusan bawat liriko ng kanta mo. I really wanna see u in person. I loved u geo!! Keep inspiring❤️
Salamat Ong fam sa mga adventure at kasabihan nyo sa buhay .pampakalma ng bugso ng damdamin kada maiisip ko responsibilidad ko bilang Breadwinner
Ang ganda lahat ng songs mo kuya Geo😍😍
"ayoko ko sa mangagamit pero nagamit na pala ako" I fuckin' felt that deep bone.
@michaelaspa2645
4 жыл бұрын
Talaga hehe
@janessajhonmarkrenegado3243
4 жыл бұрын
Wanna Bee Angel talaga magamit kana..
@geraldgernale3495
2 жыл бұрын
Omcim.
Solid yung kanta.. tagos na tagos, idol ka talaga boss Geo, sana ipagpatuloy nyo pa po ang pag gawa ng kanta tulad nito yung buong-buo ang meaning. Salamat sa mga kanta mo. #Solid💪
Salamat sa kanta mo idol..ramdam na ramdam ko Talaga tulo luha ko.salute idol solid Ako Sayo..gd blessed you.
Salamat sa kayang intindihin ako yung pnag dadaanan ko.