Exploring the 89th, 91st and 101st Floor of Taipei 101 tower. Complete guide and walkthrough

Sa mga pupunta at mamamasyal sa Taiwan, ibabahagi ko sa Inyo sa videong ito Ang isang karanasan na Hindi nyo dapat palagpasin Dito.
Ang Taipei 101 tower sa Taiwan Ang pinakasikat, tanyag at kilalang puntahan Ng turista sa maraming kadahilanan. Isa na rito ay Ang kadahilanan na Ang gusaling ito ay Minsan Ng naging pinakamataas na gusali sa buong Mundo bago pa naitayo Ang Burj Khalifa na dati ring tinaguriang o tinawag na Burj Dubai sa syudad Ng Dubai sa bansang United Arab Emirates.
Isa pa sa tanyag na kadahilanan ay Ang paraan Ng paggawa Ng gusaling ito kung saan Ang disenyo nito ay labis na pinag isipan Ng mabuti, maingat na isinalang alang at binigyan Ng kaukulan at mahalagang atensyon Ang kondisyon sa Taiwan na laging nakararanas Ng lindol.
Sa gusaling ito ay magkakaroon kayo Ng pambihirang pagkakataong maranasan at Makita Ang kabuuan Ng syudad Ng Taipei sa Taiwan mula sa ika 101 na palapag nito na may taas Na 508 na metro mula sa lupa.
Kaya't halika na at pahintulutan mo akong ipakita at ibahagi sa iyo Ang aming mga naging karanasan Dito gayundin Ang mga karagdagang payo at kaalaman na tiyak na magiging kapaki pakinabang sa iyo sa iyong pagpasyal at paglalakbay Dito sa Taiwan.
Maraming salamat at nawa'y I like and iShare mo Ang video na ito at mag subscribe sa aming channel upang ito ay makarating pa sa maraming tao na nangangailan din Ng parehong kaalaman. Magandang araw.

Пікірлер

    Келесі