"Ee Er" - Music Video Launch Private Party

Музыка

Bago ako magperform nung Music Video Launch ng kanta namin ni Demi, hindi ko rin alam bakit ako naiyak nung mga oras na 'to. Tumakbo ako nyan sa CR kasi di ko talaga kinaya. Etong clip na 'to, kakatapos ko lang nyan umiyak kaya nakakatawa-tawa na ako. Siguro, halo-halong emosyon na rin. Pagod, stress, tears of joy, excited, at kung ano-ano pa.. Pero after kong umiyak, sabi ko sa sarili ko, bibigyan ko sila ng magandang gabi at magandang show.
Sobrang daming "gem moments" ng gabi na 'to na hindi na namin nakuhanan ng video. Wala lang, siguro mas ineenjoy at chine-cherish ko lang 'yung moment ng mga oras na 'yon.
Maraming salamat din sa pagtulong sakin, Lilip, Mateo, Cheng at Anda. Sila ang mga tunay na MVP ng gabi na 'to. Kung hindi dahil sa inyong apat, walang mangyayari satin..
At sa pamilya ko na talagang pumunta at sumusuporta sakin simula una, para sa inyo 'to. Mama, Papa, Kuya, para sa inyo 'to.
Ang sarap sabihin sa harap ng maraming tao na "Papa, Mama, eto na 'yung anak niyo. Yung gabi-gabi umuuwi, eto na siya ngayon."
Steven P - Ee Er ft. Demi
May 29, 2024
9PM

Пікірлер: 5

  • @zhylee7557
    @zhylee7557Ай бұрын

    Abangan ko to malapit na Pala may 29 sure ako angas nito .. sana ma perform sa wish 107.5

  • @nextthxxrsday
    @nextthxxrsdayАй бұрын

    Congrats lods

  • @electrowarrior466
    @electrowarrior466Ай бұрын

    congrats g solid❤

  • @keithcamerino870
    @keithcamerino870Ай бұрын

    CONGRATS G! 🙏🏻

  • @Xels_VT
    @Xels_VTАй бұрын

    Kaya pala wala kang mga upload.

Келесі