DITO SIM - Bakit Umayaw na Ako,
Isa ako sa mga excited gumamit ng DITO SIM noong launching nila last 2021. Makalipas ang isang taon, umayaw na ako sa DITO SIM. Ito ang aking experience sa mahigit isang taon sa paggamit ng DITO SIM sa lifestyle ko.
Qkotman Official Shopee & Lazada Store:
shopee.ph/aslansstore
www.lazada.com.ph/shop/aslans...
Kung gusto niyo pong suportahan ang QkotmanYT channel, consider clicking the "JOIN" button po:
bit.ly/QkotMembers
Visit My Tech NEWS channel:
/ reignmanguerra
TRAVEL VLOGS KO:
/ @awkweirdpinoy
Business Email:
qkotman@gmail.com
Follow me on social media
FB: / qkotmanyt
FB Group: / 166988208486212
Twitter: / qkotmanyt
/ qkotmanyt
#ditosim
Пікірлер: 1 000
Actually, yung dito sim ko, ginagamit ko lng sa labas ng bahay since may wifi kami.. Naisasakto ko nmn in 1 month yung 25GB na P199 at kung minsan sobra pa nga.. Pero bago mag expire yung subs, nag loload ako ulet ng 199, kung may sobrang data edi goods papatong nlng sa another 25GB.. Useful sya sakin kasi kay dito lng ako nakaka ranas ng matinong connection pag dating sa ML pag ako nasa labas ng bahay or gumagala kasama mga friends minsan sakin sila naka connect.. Sa calls, oo mahirap talaga nakaka ilang dial ako bago kumagat yung connection para matawagan si smart at globe... Sa SMS nmn or text messaging, ok nmn sakin, wala nmn akong na experience na delay or late receive ... Nakagawian ko na din kasi yung routine ng DiTO network lifesyle ko at para sakin mas mura na si DiTO kasi sa iba 50 pesos 3 days lng at 3 gb lng or up pero di padin sulet.. Sa DiTO kasi na ipapatong mo yung tirang load mo sa new subs.. Pero di nmn ako against sa reaction mo idol kasi kanya kanya nmn tayo ng experience at satisfaction.. Yun lang idol salamat sa video mo
Suportahan natin ang DITO mahirap kung Smart at Globe lang ang naglalaban. Gaganda din ang DITO pagdating ng panahon. Wag sanang patayin ng Smart at Globe.
@marvanonuevo5264
4 ай бұрын
Takot kasi masapawan ang smart at globe kaya ganyan ginagawa nila, and its so unfair nman talaga
Pag nalagpasan ni dito itong mga bagay bagay yare ang smart and globe magiging dominante ang dito ing the future mark my word.
Wala akong pake kung umayaw nyo sa DITO. Mas okay un kasi mas uunti ang subscriber nila mas lalakas ang Data Network nila. Napaka lakas ng Internet Speed ng Dito. Sa speedtest nakukuha ko ng 20-35mbps compared sa globe 4-8mbps. Kya very useful sya work from home ko. Siraan nyo man ang DITO mag sstay pa rin ako hanggat nakikita ko ung advantage nya. Guyz, reminder bago mag DITO sim icheck mun ang phone if compatible ito lalo na sa mga old phones dyan.
@jessiedestinado904
4 ай бұрын
Sa pan Internet lods I recommend DITO pero sa pan text or tawag siguro mas ok if iba na sim pero depende if DITO yong tinawagan mo
thanks brother for the good information.. useful talaga mga videos mo.. God bless and more power 💚
Kahit sa internet speed lng magfocus si Dito. May messenger na na pngtawag e. Data speed ang weakness ng globe at smart. Anglapit ng tower nila dito e ang bagal parin. Ito ang solusyon na isa. Magtayo ang governmnt ng sarili niyang telecom. Ung parang cooperative gaya ng meralco. Tawagin nating PhilTec
@UwU-og8qk
Ай бұрын
Puro Corruption sure ka ba nangyayari yan
I have Dito simcard since covid pa yun, nagustohan ko yung promos nila kasi budget friendly and good for students. Ang naka disadvantage lang kay dito yung text at calls, napakadelay ng receive messages (otp) at di makacall to other networks. Although malakas naman umabot ng 40mbs speed internet, pero na force ako bumalik sa smart kasi sa issue nato same po tayo na problem sir. Good to hear this podcast share to other akala ko ako lang or sa family ko nakaranas lang na ganito.
Ganyan din ang Problema ko sa Dito pero mas pinili ko padin manatili sa Dito dahil kung babalik ako sa Smart or Globe eh parang kinunsinti ko nadin ang pagiging ganid nila paraan nila yan para pabagsakin si Dito dahil di nila kayang tapatan ang Volte ni Dito, iniisip kasi nila na in the future pag maraming umalis ke Dito dahil sa interconnection Isue ay hihina at posible na mawalan ng clients si Dito sa gayon malulugi si Dito at bibil;in nila (Smart or Globe) ang Dito parang ginagwa nila ke Suncel noon. ganyan ang labanan kaya sana patawan ng parusa ang dalawang Telcong mapang abuso na yan mga Impaktong yan Smart at Globe pahirap sa mga Pilipino. bukod dun mas mura at mabilis ang Data ni Dito kesa sa kanila. DITO FOREVER NAKO KUNG DI MAKONTAK SA CALL ME MESSNGER NAMAN POO.🥰
@KernZ29
Жыл бұрын
Oo nga eh ginawan nila ng issue ang DITO para bumalik ang mga tao sa kanila kaya nga DITO pa rin ako. Kung babalik ka sa smart at globe dahil sa issue na sila din ang gumawa ng issue. Tagal na ng smart at globe pero hindi pa rin nag iimprove. Sabihin natin na lumalakas na ang data nila pero napuputol naman net nila hindi pa rin stable
@arjames26
Жыл бұрын
Yung Globe meron na ring VOLTE, Smart wala pa
@SilverAsh0356
Жыл бұрын
Same hindi nako lumilipat ng globe at smart mga putangina mga yan patay gutom sa pera. mas malakas pa kasi data ni Dito kesa sa dalawang yan
@ltchokemedaddy7603
Жыл бұрын
tama bro...
@lolololololololo2067
Жыл бұрын
Tama DITO always
From my pov, siguro ituloy ng DITO ung strat nila na palakasin ang services nila sa mga provinces and remote areas. Napaka abot kaya ng mga promo nila at sana maayos na nila ung call issue. Mas lalakas at darami ang mga user nila. Sa Manila/NCR area sobrang lakas na talaga ng SMART/GLOBE.
Relate din ako dyan, super hirap mag call sa dito to smart or globe. Pero until now gamit ko parin siya for data purpose na lang, kinakabit ko itong sim sa extra phone ko at hinahotspot ko na lang para makaconnect ang primary phone ko. Goods parin kasi for data usage.
Agree, Sir. Same experience. Thank you for sharing it to us. Godbless po.
informative, quality content keep making videos we support you.
For me magandang secondary sim si dito kasi consistent ang data at mababa ang latency best for gaming atleast dito area namin. About dun sa hirap mag call same din, 5 try bago ako maka connect sa ibang network.
I'm still using DITO, I love there services, however yung Coverage medyo limited depende sa area, and mas matipid kesa sa Globe at smart. i hope mas magimprove pa si Dito pag dating sa covrage. at sana wag nila tularan si msrt at globe pag dating sa services. sa village namin may sila lang may cellsite. sobrang laking tulong pag walang internet sa fiber namin. compared sa mabagal na service ng smart at globe lalo na wala kaming 3g signal sa globe.
For me, useful pa rin naman ang DITO kung madalas ka lang nasa bahay na may wifi at nagagamit lang ung data if lalabas ka. Though may mga area na walang signal ang DITO. Pero sulit kasi ung 713 pesos nilang promo na may 96GB of data then may call and text. Another advantage is 5G ang data ng DITO sa area namin. Mas ginagamit ko pa ang DITO while playing ML kasi mababa ang ping compared sa PLDT wifi. Well un nga, goods na sana kung maayos ung call and text. Sulit ung promo na worth 713. So ang ginagawa ko na lang is another SMART sim na naka register sa Magic Data+ (ung may + para may non expiry call and text, pero hindi unli ung call and text ah. 600mins at 600 text lang ata). At the end of the day, kanya kanyang preference pa rin yan at kung pano mo didiskartihan ung lapse ng bawat network. :)
@joelfariolen1131
Жыл бұрын
Bahala na mag si alisan ang ayaw sa dito para di na congested ang network
@S22_ULTRA5G
Жыл бұрын
same sa work wifi,sa bahay data dito sim ok naman signal ko tagal pa ma expired na 50,,,,, 100🔥😁💪
@andrewantonio5084
Жыл бұрын
Eto talaga nice comment
@buxo00
Жыл бұрын
Sobrang bilis ng dito noong una pero pagtagal sobrang bagal na
@andrewantonio5084
Жыл бұрын
@@buxo00 Haha ok naman sakin
Always support DITO.
DITO user from week 1.For data/mobile internet use.. As of this writing lods ayos panaman. Well agree ako sa connectivity concern sa calls.. Pero parang nasanay na 2 to 3x mo pa dapat I redial bago Maka connect sa globe or smart.. Kudos sa mga content mo sir.. Appreciate it.. Thanks
@francismabatid8992
Жыл бұрын
Para ng sinabutahi ng globe at smart na pahirapan makapasok MRA dito user sa line mila....
This is a good topic. I barely use sms/calls kaya happy with DITO. Sa location namin dito sa Taguig, consistent 5G ang Globe pero 10 yrs ko na nireport ang data connection ko, swerte na maka 5mbps. DITO stays true at 80mbps indoor, 290 pag lumabas ako. Sadly, kapag nasa office, walang DITO extender or signal repeater. I moved my Globe number to Smart via MNP, ayun, since March, laging delayed na OTP ko. Reported to Smart support and other apps related sa OTP transactions ko, walang makaresolve. I'll continue to use DITO and hoping, mag grow pa sila. Ang Smart network naman, kapag umulan na, humihina na ang data connection. Note, tanaw ko mga towers ng 3 network sa location namin at malapit din kami sa C5.
@KernZ29
Жыл бұрын
Indeed hahahah kahit malapit kana sa tower nawawala pa rin ang data 🤣🤣
@optionzero5280
Жыл бұрын
apaka inggetero kasi ni smart pera lang talaga habol niya pag dating ng araw bebenta nanaman ni DITO mga tower niya.. tulad ng nangyati kay sun
@Marksilog
7 ай бұрын
hi, I also did MNP from globe to smart recently. Wala namang naging issue about receiving sms / calls.
@elvincredible
7 ай бұрын
Update: DITO speed ko is now at 500. OTP issue after porting to Smart automatically resolved after 2-3 mos. I suppose it has something to do with some delay with system nila. OTP lang naman naging delay noon. Calls and SMS are good. Smart is at 250-300 naman speed. Sa Globe i test ko after a few mos kung ma tripan ko subukan pa
@Marksilog
7 ай бұрын
@@elvincrediblenaka prepaid wifi ka ba boss’
Was planning to try DITO sim card din, naghahanap kasi ako ng good carrier for data, however sobrang sulit na ng plan ko kay SMART Prepaid na may Unli data promo meron din sa ibang TNT, legit unlimited data available for 5g/4g/LTE, pero piling sim card or number lang ang meron, nakikita sa SIM toolkit app yung promo na to or minsan sa iba nakikita din dun sa Gigalife app nila, Unli data for 30 days for 399, dati 299 lang pero nag increase, meron din silang options for Unli data and calls and texts for 549 naman.
@rondeljohnkakilala1857
Жыл бұрын
TNT sim ko may ganyang promo hehe and tama ka pili lang na sim may ganyang promo.
Consistent and reliable.
Prefer ko ang DITO for Mobile Data lang pero yun nga my issue talaga sa pagtawag or text sa Globe/Smart na sobrang bias talaga. So kapag need magtawag or text, yung Globe ko talaga binibigay ko kaso ang problema ko lang sa amin is dead spot, walang signal ang Globe at Smart sa akin pero sobrang lakas ng DITO. Sana bigyan nila ng Opportunity si DITO.
Nagkaisa ang smart at globe pra pabagsakin ang DITO..
@Marfie_adventureTv
Жыл бұрын
Tama ka
@KernZ29
Жыл бұрын
Yep
@nur-ainneamilhamja4715
Жыл бұрын
Korek ka dyan bro...
@zephunion
Жыл бұрын
@@Marfie_adventureTvintsek na may Ari Ng dito hayuf..
@tobitonda6812
Жыл бұрын
@@zephunion Filipino Chinese kahit naman sa Globe at Smart 😵💫
ganyan din sa akin bos, bago nga pala ako sa channel mo, informative po itong video mo, ganun din sa akin hindi ako maka connect sa tawag, yung internet naman 👎 hindi rin maganda kaya bumalik ako sa dati kung sim na globe, more power bos👍👍👍
Same experience boss, for mobile data nalang din gamit ko kay DITO, same tayo boss sa convinient na hanap, pero ganun talaga dito samin sa mga local network natin bagsak padin ang mobile data signal kahit na malapit lang din samin yung tower
dahil sa information nato. mag didito sim ako. i hate bullying kaya i will support dito
I'm watching this with Dito simcard and yes mas okay siya kesa Smart and TNT. Madalas may free 1 or 2GB All access data or minsan 500mb tapos malakas talaga siya. The only problem I think based on my experience is that lagi siyang nawawalan ng network connection as in, minsan whole week tapos umaabot minsan ng month kaya nakakabagot talaga. Hindi ako sure kung sa tower ba nila yung problem, I'm not sure pero yun na nga.
Sa ngayun, good connection ang calls at text, bago ako mag-DITO kinonfirm ko sa kanila kung compatible phone ko. Maganda ang experience ko sa DITO, sadya lang na may duopoly. Maganda mobile data ni DITO kung di ako makontak via call o text, sa messenger nalang
parang di boring boss. kasi napaka informative lahat ng sinasabi mo po.
Same here✋ relate lods... Nabilib ako nung una using Dito Sim this year napakalakas ng Data dito sa place namin pero habang patagal ng patagal Nakakadismaya & nakaka disappointed na dahil di na ako maka call sa ibang mobile sim network kahit na naka register sa call; compatible naman itong phone ko para sa Dito sim... Humingi din ako sa help call agent sa dito pero wala parin nangyari; Pang Data 🙂 lang talaga for FB, YT, & online games... Disappointed lang pag emergency like call & txt😓
@rammorales9385
Жыл бұрын
▲ wlang kwenta dito haha
@KernZ29
Жыл бұрын
@@rammorales9385 ang smart at globe ang gumagawa ng issue kita naman sa article na pinakita ni boss qkotman
@astroboyweee8626
Жыл бұрын
Na try mo na mag try mga 5 times magcoconnect naman sya pero mga ilang tries
@KernZ29
Жыл бұрын
@@astroboyweee8626 yan nga problema ilang beses kapa mag cacall.
Ung DITO sim ko is mostly for light internet use, nagagamit nmn onti sa texting and may problema talaga sa calls.
Im using DITO sim pag nasa bahay lang ako kasi sobrang lakas ng signal. Pero pag nasa labas na ako switch na ko sa Smart. Well hindi naman ako nag eexpect talaga kay DITO kasi bago pa lang sila. It takes more years para maging stable sila. The Good thing lang is 3 na ang telco sa pinas which is ang mag bebenefit tayong mga subscribers.
Yan maganda Yan para mas bumilis Yung Signal hha. More power! Sana marami ngang umalis hha. Pag konti kasi gumagamit, mas lalong gaganda Ang service kasi mas konti kini-cater
Many thanks 🙏👍 po sa dagdag kasalanan,from sun for 8 years pinagtiyagaan ko lang si sun out of lack of knowledge,my friends pushed and encouraged me to switch to globe and no regret until now,me nag suggest sa kin ke dito but did some research but still skeptical about dito since it started and very I sticked with globe and remained loyal and happy with it,Alam ko pinapakagat lang tayo ni dito,and not just being judgmental ,Tama mga hinala ko at di maganda mga nabasa sa comments section,glad did not jump the bandwagon. 2 na po yung globe sim ko po. Maganda yung promo ni gcash globe only promo,go extra 99,yung one week unlicall and unlitext and 8 gig data,if meron Kang wifi sa bahay sapat na po yung globe sa akin po
@mitsuhiraashinzuki2192
Жыл бұрын
Globe din sana ginagamit ko kung may signal lang samen
@KernZ29
Жыл бұрын
Ang DITO ay 30 days 99 din tas 10GB na din
@elkalibreph576
Жыл бұрын
Walang kasalanan si Dito maganda services ni Dito kaso even sa area ng trabaho ko walang kwenta si Globe napakahina ng Signal kaya nag try ako sa DITO at ayun napaka lakas ng Signal DITO to DITO call & txt ayos but may parang network bullying parang sabotage ng kalaban nito na network provider pahirapan call to other network...
Maganda lang talaga kay DITO walang putol ang tawag,saka pwede mag conference call tapos inaabot mahigit isang oras di pa napuputol tawag niya. Pag DITO to DITO Calls goods na goods videocall niya♥️ Ang problema lang talaga hirap makatawag sa ibang network, kaylangan lang talaga ulit-ulitin ang pag dial para maka connect 😄
I hope na mag ka episode ka sa koolpals, I think entertaining yun and at the same time informative ang mangyayari.
Mag try ako ng dito parin..ngayon lang ako mag try dahil ang after ko data lang..thanks for this video. And lastly hindi boring ang video mo, very informative panga 👍♥️
Kasing bilis nalang ng ibang network ang DITO, oo dati noong unang 3 months ng DITO ang bilis ng internet speed.
@kuyajdoms4696
Жыл бұрын
Kaya nga tapos yung promo nilng 5g di rinagamit kahit nala 5g yong cp ko tska lugar namin
Smart & Globe are exercising their business strategy. Ang Hindi lang talaga magandang serbisyo ni D2 ay call to other network,the rest is very competitive na.👍👍👍
@marwinpuerto8270
Жыл бұрын
business strategy kahit na circumvent ang batas? so ibig sabihin mataas pa sila sa bata?( globe and smart)
@godofthunder1776
Жыл бұрын
strategy or violation of interconnectivity agreement 🤔
at isa pa po na tip pagtatawag po sa ibang net pag nagcall na po i end po agad mga limang beses bago po ituloy yung call tpos yun gagana na po.. try nyo po sana makatulong
Thank you sa content nyo po❤❤❤
kakaiba ka bro parang nilalait mo yung blog mo pero usefull at informative parin yan 😄 ipagpatuloy mo lang yung ginagawa mo kahit papano nakakatulong parin kumpara sa iba na puro katapusan ng mundo ang ginagawang topic which hindi nakakatulong at nagbibigay pa ng panic sa mga tao.
Present naman ako idol.
So far, i'm very satisfied with DITO sim gamit na gamit ko sya sa work from home ko. Yes, totoo na downside sya sa calls pero sakin un lang ang downside nya. Pag gnun eh di tawagan sa messenger. Ung SPIN TO WIN nila sa DITO app plus points un kc nakkuha ako dun ng instant 1GB na data❤
tama ka jan boss 💯🔥
Base sa experience ko is DITO is LTE only kailangan may VOLTE yung phone mo para maka receive ng phone call maski DITO to DITO. Pero may time din kahit nka ON yung volte hindi pumapasok pero ulit ultin papasok naman mga around 2 or 3 times bago pumasok yung call
Natutuwa po ako sa pagiging honest mo regarding sa Dito. Pro nalulungkot ako na kailangan mong kampihan ang nagbubully kesa sa binubully.
@Qkotman
Жыл бұрын
Apektado boss ang contacs ko sa business. Hindi ako matawagan or super delay ang text. Hindi ko ipagpapalit ang kabuhayan ko para lng suportahan si DITO kht gs2 ko si DITO boss. Yan din gagawin mo kng ikaw sa sitwasyon ko. Magpakatotoo na lang.
@eloiza2015
Жыл бұрын
pagumalis dito nganga ka naman kupad internet yun gusto
@Qkotman
Жыл бұрын
Ikaw siguro boss nganga. Ako ok lng. Idamay mo ako eh may business ako na walang kinalaman kay DITO. Heheh.
@romar54
Жыл бұрын
@@Qkotman Naiintindihan kita.
@retrictumrectus1010
Ай бұрын
Ganyan talaga ang negosyo. Kung ayaw mong mabully, ikaw ang mangbully. Yun mismo ang ginawa ng Dito nung pumasok sila. Sila ang nagsimulang sumuntok sa Smart at Globe. Syempre gusto ko yun dahil tayo ang nakabenepisyo sa kanilang away.
Same problem din dito sa Leyte about sa call ng Dito Buti pinodcast mo ito Idol akala kase namin dito lang sa probinsya may gantong problema sa call ng Dito Sim Pero sa experience ko ung text ok naman Thanks Po Idol !!
Isa rin ako sa mga first users ng DITO, and napansin ko agad yung tungkol sa pagtext and calls, saken parang 1 out of 50 tries lang gumagana and sobrang nakakainis kasi minsan emergency yung sasabihin. Pero dahil di naman ako into phone text calls talaga, puro data lang kasi super bilis talaga ng signal ng data ng DITO compare sa Smart and Globe
PRESENT BOSS BAGONG INFO NANAMN DAMI AKONG NATUTUNAN HEHE SALAMAT BOSS!
Globe or Smart to DITO on Calls no probs . yung text minsan delay ,, pero dalawa sim gamit ko on a daily use , Globe for Call and text , DITO for data.
I am watching this during midnight and made test calls to different networks so far nakakaconnect naman ng mabilis. I will try again during peak hours if talagang may issue ang DITO. Bihira kasi ako gumamit ng call and text. Most of the time ginagamit ko lang tong DITO as backup internet.
Saludo talaga ako sayo lodi
Tama po napakahirap tumawag sa ibang network using dito call. Dito sim user din po aq.
Dito prepaid subscriber since lauch to present as my back-up driver network. Yes, mahirap nga talaga tumawag sa ibang network. Pero maintain ko pa rin.
I only use it as a backup internet connection. I have my main globe and smart lines para sa calls and texts.
solid DITO USER since 2021-2023
@christophergernale5843
Жыл бұрын
same hir
solid pren dito sim ko since 1st month pg release ng sim bumili nko agad. btw 199 25gb data pren gmit ko gang ngaun.. satisfied costumer here
Salamat sa info kaya pala.....relate na relate talaga ako
i use 2 sim cards nalang siguro po, i love dito sim parin po dahil sa data connection, and i use other network for calls and text nalang po siguro na magkahiwalay na phone.
Same. Hirap akong tumawag sa ibang network. Pero may sun sim kc ako per ginagamit ko ang Dito sim ko sa internet. Ok naman internrt niya. I think signal kc varies. May lugar na malakas or mahina ang network whether globe, smart or sun pa.
present ✋.... same here.....ako nga months lang tumigil na ako sa Dito...sa una lang malakas afterwards bumagal na net...
Maraming salamat po kasi,nahanap kita ka idol dahil nagtaka ako bakit ang tagal mag upload ng video ko kasi dito simcard ang GAMIT ko yun pala thanks again sa content na ito ka idol ako masaya ka idol dahil na e share mo ito
Same experience.. Dapat kasi meron pang 1 or 2 network na papasok tapos mag sanib pwersa sila para mag survive. Ang nangyare kasi 2v1 masyadong luge.
Very impormative talaga mga videos mo sir, salute!
Same nakakainis pero naka dito parin ako HAHAHHA goodevening kuya rene
sakin life changing talaga DITO sobrang bagal ng smart at globe samin 1-2mbps lang pareho ko pa niloloadan kasi minsan mabagal yung isa tas yung isa mabilis tsaka sobrang bagal talaga at lagi ako nagpapaload dahil laging ubos sa data kaya SUPER THANKFUL AKO SA DITO umaabot 80mbps ❤
NO LTE SIGN LODS PANG TEXTS LANG PO TALAGA YAN AT INTERNET KAILAGAN PO MAG POP UP SA TAAS UNG LTE SIGN HINDE PO TALAGA YAN MAKAKARECIEVE NG TAWAG
Morethan 2 years na ako users ng Dito Sim yan lang ang tanging reklamo ko sa dito yung subrang hirap maka connect sa ibang network. Pag Dito to dito sim naman mabilis pero pag ibang network subrang hirap. Tsambahan lang maka connect agad pero 90% Hindi talaga! Hindi siya ubra Kong pang emergency. Yan dapat e improve ng dito Sim ang maayos ang connections for Any network. Cguro baka strategy ni dito sim yan para ma ubliga Mag dito sim ang Iba, pero Hindi eh dahil negative impact ang failure of connections to other network. Maraming aalis dahil Hindi pwede pang emergency. Ok na yung promo at lakas ng wifi talô na nila ang service ng smart at globe walang sinabi. Basta pag maayos na ang connections ng dito Sim taub lahat ang dalwang network!
Same experience pero nung pumunta ako sa DITO Store dapat daw nka on yung VoLTE or VoLTE capable ang phone for interconnection to work… Pag naka off or di capable sa VoLTE mahihirapan ka talaga tumawag…
I salute you about this content
DITO user po aq, ok po sya for data 99 1 month, pero some time ok sya sa call to other network, meron din 3 times mo i dial bago mag ring, meron din ist dial ok nmn...i still use DITO kahit pang text lng and call.. DITO and TM my sim, tnk u sa information mo brother... God bless ❤
Sayang yung Sun Cellular dati. Ang laking tulong yung unli call and text nila dati na hindi inooffer noon sa Globe at Smart. Kaso, ayon sa matandang Gokongwei, anything has a price daw. Ayun, nabili tuloy ng Smart
never pa ko nagka signal dito sa loob ng bahay dito sa pasig, globe, smart, gomo wala olats. Nag try ako ng dito nagulat ako full bar saka 5g pa at saka yung 5g nya SA pa pwede mo ienable para tipid sa battery. kaso un nga hirap din maka connect sa calls from major telcos, text pumapasok naman. good content sir. keep it up!
I’m enjoying DITO internet now. Na offer kasi sila ng 20Gb for ₱10 valid for one day. Bale ₱300/ month. Ganda pa ng download and upload speed sa area ko.
Worth it dito sim ko for internet talaga for 1month, kaya dito parin ako haha dinaman ako mahilig magtxt or calls
For me experienced ko na rin yung mahirap tumawag sa ibang network (Smart, Globe) for me ginagawa ko yung 2nd sim ko is for DATA purposes then yung 1st sim ko yun yung gamit ko to call my family and friends but still depende parin yun sa mga user how they use it
Based on experience din sir, based on experience calls talaga hindi mka connect w/ other networks
The best ang DITO para sakin dito sa amin sa Bogo City, Cebu... Sa call same experience, hassle kaya napipilitan ako sa Globe... Mahina Smart dito sa amin. Pero paulit ulit tatawag makakatawag ang DITO. Hassle sa part na ganyan kaya mapipilitan magload ng mahal na promo ng Globe.
present lodi
Good vids, the issue is nag ba-bass yung sound diko sure kung dahil sa paghinga or kapag na tatamaan yung mic
lods Dito samin napabilis po ang Dito samin . Panis yung Globe at Smart . Recommendated ko na kasamahan ko trabaho.. Worth it. Po si Dito Samin.
Hindi naman boring. Napaka -informative nga. Gumamit ako ng Dito kasi mura. Kaya lang, pag tatawag ka sa Smart o kaya sa Globe, several attempts ang kelangan. Tama ka, mahal ang mga promo sa Smart.
If we want to support Dito hindi ba mas mapapalakas natin ito laban sa Globe at Smart kung i encourage natin ang mga kakilala natin bumili ng Dito sim para Dito to Dito ang call connection? Babagsak po ang Dito kung hahayaan natin ang pag bubully ng dalawang higante. Ganyan naman talaga ang ginagawa nila kahit noon pa sa nag uumpisang Suncellular..
Sir waiting po ako sa techno camon 20 pro dahil sa inyo lang po ako nanood pag dating sa phone dahil may honest review,sa totoo lang po Infinix note 10 pro po Ang phone nakabili po ako nian last 2 years dahil sa honest review nio po, salamat po
Pareho tyo lods, sa internet d masyado problema, kaso sa call and tzt mahirap talaga
question ko lang, kasi i have been meaning to switch to dito since i have both smart and globe (smart being the worst carrier than globe kasi as in 5 bars full 5G signal ang bagal ng connection) di ba required talaga yung voLTE for you to make calls since i noticed you're using an LG v50s (?) for the video na im guessing is us/kor variant at wala yung phone na ito sa list of compatible phones ng dito, nakita ko rin na naging topic sya sa LG groups sa fb how to enable voLTE to use dito sims for calls and text an may kailangan pa gawin na kung ano ano sa settings to make it work. question ko lang if na try mo gamitin yung dito sim sa phones na voLTE enabled na phone if persistent parin yung issue ?
depende siguro, kase ako same sayo mula umpisa naka DITO sim na, pero never ko na experience ung hirap mka call o text. dalawang cp ko DITO sim, realme 9 pro (5g) at realme 8
Okay naman ako ss DITO, pang 5G sa labas lalo na pag papasok, since nakalinya naman ako sa bahay. Yung ₱50.00 for 5GB for 5 days, goods na sa akin. Tama ka sa "unli" ng Globe/Smart nag data capping sila at may fair use ng internet kung saan bababa sa download speed.
Anong sim na recommended mo sir pang foodpanda? Yung magandang promo po
Dapat nag test ka din po na gamitin yung smart sim na tatawag sa dito.and nag try din po sana sa text using dito sim kung delay..ang dating
@KernZ29
Жыл бұрын
Oo nga no
I am for a 3rd telco pero nung nalaman ko na sa Mislatel ibinigay ni Dutz ang 3rd telco frequency, nawalan na ako ng gana. Una mas maraming telco company ang nakipag bid na may mas magandang capital and infrastructure. Sa ganitong usapan kasi, capital is key.... kung walang kapital, walang room for expansion... Imagine ang mother company ng DITO na Udenna is debt-ridden? 2nd alam naman natin na kaibigan ni Dutz si Digong, somehow may preferential treatment na to give the franchise to Uy. 3rd, halos walang telco experience ang mislatel since its conception. Meron at meron na mas better sa DITO na company to be the 3rd telco but Dutz blew it up big time.
Good review boss
Same experience pag direct mong kinol yung number di sya maka konek pero ang ginagawa kopunta ka muna sa message at doon mo e call try nu kc ang bilis nyang makonek agad
This is legit, same with me mga 10 attempts Bago mag connect Yun call Lalo na sa smart
I'm still using a DITO sim card just bcoz of the data connection needing months before expiring. Kala ko tlga phone ko problem ko, may ganito palang isyu😂. Based sa experience ko, consistent yung text nya, nagsesend and all pero sa receiving end sya may delay. Sa calls, it takes several tries para magconnect yung dito sa receiving end. Kala ko ako lang. If dito to dito yung calls/texts, doon sya maayos. If ever na maayos ng DITO ang interconnection, i'd keep it.
Yes true.
IMO network dependent ang problem, in my case dto sa area nmin nkakatawag at txt nman ako most of the time. Reliable din ang data connection pero mawawala dn ang signal kpag nsa loob ka ng mall at ibang establishments. Kpag nsa labas ka nman ay talagang maaasahan.
Lods sa experience ko sa Dito sim ay may times na hindi makasend ng text kapag naka on ang mobile data ko sa sim na yun samantalang mataas naman ang signal ko. Sa tawag ay isang beses ko lang nasubukan. Smooth na smooth kapag sa internet data ang Dito.
Ganda ng hairstyle mo pappsss😁
Boss ask ko diba pwede na mag shift sa ibang telco with same number, and ask ko na din po kung sa next review ung gomo sim, pinag iisipan ko kasi kung mag shift bako or bumili na lang ng gomo sim card