Dalisayin Mo

Музыка

Bob Jones Memorial Bible College
Year-End Concert
Writer: Krizzia Simbulan
Arranger/Composer: Sarah Grace Julian
Dalisayin Mo ang aking puso
Ituro ang bawat pagsalansang nito,
Nawa ang 'Yong Salita lagi dito'y maitago,
Nang maipamuhay para lang sa'Yo.
Dalisayin Mo ang aking labi
Maging ngang pagpapala
Bawat kong tinig,
Banal na 'Yong Salita'y
sa 'ki'y mamutawi,
At 'di kahambugang pansarili.
Koro:
Dalisayin mo, O D'yos ang 'Yong tapayan,
Maging daluyan ng biyaya Mo't habag,
Hindi maging kahihiyan sa 'Yong ngalan
Kapurihan, luwalhati Mo'y aking hangad.
Dalisayin Mo ang pag-iisip,
Ito nga ay maging katulad sa Iyo,
Gawing banal laging pakalinisin,
Ang maisaisip 'Yong kapurihan.
Dalisayin Mo ang aking kilos,
Huwag maging hadlang sa kalooban Mo,
Hangarin ng laman ay tunay ngang maigapos,
Pag-ibig ko, O Dios, para sa 'Yo.

Пікірлер: 2

  • @roweldelacruz3776
    @roweldelacruz37768 жыл бұрын

    pwd po humingi ng pyesa

  • @pReminade

    @pReminade

    7 жыл бұрын

    Grace Baptist Bible Church visit nyo po yung site ng BJMBC. :)