Dakilang Lahi by Ciara Sotto | Nationalistic song (lyrics)

For educational purposes only.
DISCLAIMER: I hereby declare that I do not own the rights to this music/song. All rights belong to the owner. No Copyright Infringement Intended.
Dakilang Lahi (Musicale Kalayaan!)
Sing by Ciara Sotto
Dakilang lahi na sa 'yong tangi
Pag-ibig ko, inang bayan
Isinumpa ko, oh, Pilipino
Gagaling ang sugat ng 'yong nakaraan
Nang pahiran ko, luha ng iyong puso
Ay natayo muli ang karangalan mo
Oh, ang pag-ibig ko'y sa 'yo, inang bayan
Ikaw ang siyang dalangin ko sa Diyos kailan pa man
Kuminang na ang iyong bituin at sumikat na'ng araw
Ang kalayaan mo'y sinisigaw
Ang bukas ay tanging sa 'yo nakalaan
Kayumanggi ang kulay mo, dugo't pawis inalay mo
'Di ka na maaapi, ngayon o kailanman
Pag-ibig ko'y sa 'yo, inang bayan
Dakilang bayan, kapayapaan
Iyo'y muli nang nakamtan
Tulad no'ng araw bago inagaw
Ang kayamanan mo, ang 'yong kalayaan
Nang pahiran ko, luha ng iyong puso
Ay natayo muli ang karangalan mo
Oh, ang pag-ibig ko'y sa 'yo, inang bayan
Ikaw ang siyang dalangin ko sa Diyos kailan pa man
Kuminang na ang iyong bituin at sumikat na'ng araw
Ang kalayaan mo'y sinisigaw
Ang bukas ay tanging sa 'yo nakalaan
Kayumanggi ang kulay mo, dugo't pawis inalay mo
'Di ka na maaapi, ngayon o kailan man
Pag-ibig ko'y sa 'yo, inang bayan
Kahit na ga'no kaliit ang tinig ko
Buong lakas akong magtatangol sa 'yo, oh
Ang bukas ay tanging sa 'yo nakalaan
Kayumanggi ang kulay mo, ang buhay ko'y alay sa 'yo
'Di ka na maaapi, ngayon o kailan man
Pag-ibig ko'y sa 'yo, inang bayan
Pag-ibig ko'y sa 'yo, inang bayan
#nationalisticsong
#dakilanglahi
#lyrics

Пікірлер