Catholic Mass Today Live at Santo Padre Pio National Shrine - Batangas. 9 Jul 2024 7a.m.

Parish and National Shrine of St. Padre Pio Live Mass Today Begin
Martes ng Ika-14 na Linggo sa KARANIWANG PANAHON. July 9, 2024
UNANG PAGBASA
Oseas 8, 4-7. 11-13
Pagbasa mula sa aklat ni propeta Oseas
Ito ang sinasabi ng Panginoon, “Humirang sila ng mga hari sa Israel ngunit hindi sa pamamagitan ko. Naglagay sila ng mga pinuno, ngunit di ayon sa aking kagustuhan. Ang kanilang mga alahas na ginto at pilak ay ginawa nilang mga diyus-diyusan, at ito ang kanilang sinamba. Itinatakwil ko ang guyang ginto ninyo, mga taga-Samaria. Nagpupuyos ang galit ko sa kanila. Kailan pa sila dapat parusahan? Ang diyus-diyusang iyan ay ginawa ng tao; hindi iyan Diyos. Kaya’t ang guya ng Samaria ay magkakadurug-durog.
Hangin ang kanilang inihasik at ipu-ipo ang aanihin nila.
Ang nakatayong mga trigo’y walang uhay,
kaya’t walang makukuhang harina.
“At kung magbunga man, iyon ay lalamunin lamang ng mga dayuhan.
Dahil sa pagpaparami ng mga dambana, naging daan iyon para dumami ang kasalanan ng Efraim. Sumulat man ako ng sampunlibong kautusan, ito’y pagtatawanan lamang nila. Mahilig silang maghandog; naghahain sila ng karne at kinakain nila ito. Ngunit hindi nalulugod sa kanila ang Panginoon. Gugunitain niya ang kanilang kalikuan, at parurusahan sila dahil sa kanilang mga kasalanan; sila’y magbabalik sa Egipto.”
Ang Salita ng Diyos.
SALMONG TUGUNAN
Salmo 113 B, 3-4. 5-6. 7ab-8. 9-10
Israel na bayan ng D’yos,
papurihan mo s’yang lubos.
o kaya: Aleluya.
Ang Diyos nami’y nasa langit, naroon ang Diyos namin,
at ang kanyang ginagawa ay kung ano ang ibigin.
Ginawa sa ginto’t pilak ang kanilang mga diyos,
sa kanila’y mga kamay nitong tao ang nag-ayos.
Israel na bayan ng D’yos,
papurihan mo s’yang lubos.
Totoo nga at may bibig, ngunit hindi magsalita,
at hindi rin makakita, mga matang sadyang-sadya;
at hindi rin makarinig ang kanilang mga tainga,
ni hindi rin makaamoy ang ginawang ilong nila.
Israel na bayan ng D’yos,
papurihan mo s’yang lubos.
Totoo nga na mayroong kamay ngunit walang pakiramdam,
mga paa’y mayroon din ngunit hindi maihakbang.
Ang gumawa sa kanila at pati ang nagtiwala,
sana ay makatulad din ng gayong diyos na gumawa.
Israel na bayan ng D’yos,
papurihan mo s’yang lubos.
Ikaw, bayan ng Israel, magtiwala sa Panginoon,
siya ang iyong sanggalang, laging handa na tumulong.
Kayong mga saserdote sa Diyos ay magtiwala,
kayo’y kanyang iingata’t ilalayo sa masama.
Israel na bayan ng D’yos,
papurihan mo s’yang lubos.
ALELUYA
Juan 10, 14
Aleluya! Aleluya!
Ako’y pastol na butihin
kilala ko’ng tupang akin;
ako’y kilala nila rin.
Aleluya! Aleluya!
MABUTING BALITA
Mateo 9, 32-38
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo
Noong panahong iyon, dinala kay Hesus ang isang piping inaalihan ng demonyo. Pinalayas ni Hesus ang demonyo at nakapagsalita ang pipi. Namangha ang mga tao, at sinabi nila, “Kailanma’y walang nakitang katulad nito sa Israel!” Datapwat sinabi ng mga Pariseo, “Ang prinsipe ng mga demonyo ang nagbigay sa kanya ng kapangyarihang magpalayas ng mga demonyo.”
Nilibot ni Hesus ang mga bayan at nayon at nagturo sa mga sinagoga. Ipinangaral niya ang Mabuting Balita tungkol sa paghahari ng Diyos, at pinagaling ang mga maysakit, anuman ang kanilang karamdaman. Nang makita niya ang napakaraming tao, nahabag siya sa kanila sapagkat sila’y lito at lupaypay, parang mga tupang walang pastol. Kaya’t sinabi niya sa kanyang mga alagad, “Sagana ang anihin, ngunit kakaunti ang mag-aani. Idalangin ninyo sa may-ari ng anihin na magpadala siya ng mga manggagawa sa kanyang aanihin.”
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
#onlinemass #livestreammass #padrepiomass
Roman Catholic Archdiocese of Lipa (RCAL)
Parish and National Shrine of Saint Padre Pio - Batangas

Пікірлер: 61

  • @oscarselda871
    @oscarselda87113 күн бұрын

    San Padre pio pagpalain MO kami sa Lahat ng oras lalong Lalo na po ang aming mga pamilya maraming salamat po lord Jesus christ. Amen po 🙏💖🙏

  • @hannaplaton489
    @hannaplaton48913 күн бұрын

    Santo padre pio salamat Po sa LAHAT Ng blessings at tulungan nio po kmi sa Aming mga problema, amen❤❤❤

  • @bellatrinidad9710
    @bellatrinidad971013 күн бұрын

    Padre PIO thanks you po Lord sa lahat lahat ikaw ang manguna sa bawat isa sa amin Amen 💞❤️❤️❤️❤️🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏

  • @estrellarombano4230
    @estrellarombano423013 күн бұрын

    Good morning PADRE PIO. PRAY FOR ME PADRE PIO. I'm so stressed I'm totally alone. Pray for me PADRE PIO. Amen AMEN

  • @elisagravador8722
    @elisagravador872213 күн бұрын

    Saint Padre Pio Thank You For Everything You Given To Us, Please Pray For Us My Children My Grandchildren Protect Guide All Of Us, Forgive Our Sins We Commit Amen 🙏 Please Pray For My Son To Rebuild His Self And Family, Guide Protect Keep Him Safety, Padre Pio Please Help Me To My Children My Family To Be Together Again, Padre Pio Please Hear My Prayers And My Intention Amen 🙏 Padre Pio Please Bless All Of Us Amen 🙏

  • @leilapena7209
    @leilapena720913 күн бұрын

    Praise God, thanks for this gift of Life, the guidance, with your protection u to me my children, grandchildren...keep them safe from harm, in all this thru Jesus name i pervently pray😊🙏❤✋️Amen🤗🩵💙🩷❤️💜

  • @julitawalker5826
    @julitawalker582612 күн бұрын

    Thank you Padre Pio 💕🙏 Thank you Lord for all the blessings 💕🙏Guide & Protect us always 🙏💕Amen 💕🙏

  • @user-eg9nx4ky8s
    @user-eg9nx4ky8s13 күн бұрын

    Salamat sa Dios

  • @elisagravador8722
    @elisagravador872213 күн бұрын

    Saint Padre Pio Please Guide My Daughter Amen 🙏 Enlighten Her Heart And Mind, Erase All Hatered And Her Mind And Heart, Thank You Mama Mary Please Heal Her Amen 🙏 Please Help Me Back My Daughter To Us, Santo Nino Please Guide Me Give Strength And Hope Amen 🙏

  • @elisagravador8722
    @elisagravador872213 күн бұрын

    Lord Jesus Christ ,Padre Pio, You Are My Light, My Strength, My Hope, And My Salvation , Please Help Me And My Daughter Amen 🙏

  • @prayingtherosaryJM
    @prayingtherosaryJM13 күн бұрын

    God, protect me from accidents and injuries. Keep me safe and healthy in all I do.

  • @elisagravador8722
    @elisagravador872213 күн бұрын

    Saint Padre Pio Be Centre Of Our Life Amen 🙏 Thank You For The Gift Of Our Life Amen 🙏

  • @elizalapuz754
    @elizalapuz75413 күн бұрын

    Padre Pio Pagalingin po ninyo ang aking asawa hipuin po ninyo siya ng iyong makapangyarihan kamay Thank You Lord...Amen

  • @natyjosiegreco3043
    @natyjosiegreco304313 күн бұрын

    Padre Pio lunasin mo Ang aming naramdaman magasawa at patawarin mo Ang aming pagkakasala amen

  • @romeoestebal5136
    @romeoestebal513613 күн бұрын

    St.Padre Pio pray for Us,,gabayan mo po kami sa lahat ng oras at maging maayos ang lahat na problema, Amen

  • @elisagravador8722
    @elisagravador872213 күн бұрын

    Saint Padre Pio Please Pray For Me And Help Me To Heal My Skin, Touch Me With Your Hailing Hands Amen 🙏 Please Help My Son In Law To His Sickness Amen 🙏 Please Pray And Heal My Brother Sister To There Sickness, Please Pray And Heal Baby Faith And Gigi And Nowen, Please Help My Friend And Ray To There Eyes, Padre Pio Please Heal All Of Us Amen 🙏

  • @AmeliaTan-eu9zi
    @AmeliaTan-eu9zi13 күн бұрын

    Santo Padre Pio thank you for blessing , protecting , guidance and good health always and give us your forgiveness of our sins.Amen 🙏🙏❤️

  • @imeldamediavillo8634
    @imeldamediavillo863413 күн бұрын

    Thank you our loving lord st pio for all your love care and graces in our daily life. Please stay with us always, amen.

  • @rosanaromasoc1411
    @rosanaromasoc141113 күн бұрын

    Mahal naming St Padre PIO,sa muli, ipanalangin Po ninyo kami,heal us Dearest Padre PIO, through your intercession to our Lord Jesus Christ our Divine Healer and Physician salamat po, bless us complete healing and recovery in Jesus name we pray amen and amen 🙏💞🙏

  • @mjbulan2909
    @mjbulan290913 күн бұрын

    Lord thank you for everything st Pio pls heal us emotional physical financial amen 🙏🙏🙏💕💕💕

  • @estrellarombano4230
    @estrellarombano423013 күн бұрын

    PANGINOON JESUS CHRIST tinataas KO po sa iyo panginoon Ang aking BUHAY at BAHAy ko. Paghaharian NYO po panginoon ANG PUSO ko magpatawad at mapakumbabang PUSO. Amen AMEN

  • @maritasylva3255
    @maritasylva325513 күн бұрын

    Thank you Lord for new day, blessings & keepng GTrisSuguitan strong, healthy & pain free. Pls hve chmo drug safe, allergy free & effective for his complete healing.Lord I trust in you hear my prayer

  • @ImeldaErmita-ed3tg
    @ImeldaErmita-ed3tg13 күн бұрын

    Thank you Lord for all the bleasings & graces we’re receiving everyday 🙏Im Praying for good health & safety for all of us for my family, relatives, friends forgiveness of our sins amen pls. guide us Lord amen 🙏

  • @robertadier1392
    @robertadier139213 күн бұрын

    Maraming salamat po mahal na Santo Padre Pio sa pamamagitan niyo ay tulungan nyo po kaming manalangin sa ating Pangonoong lumikha sa lahat ng tulong ninyo sa amin ng aking pamilya,magulang,kaibigan,kamag anak at kaibigan..

  • @liezelsarabia-ot6tv
    @liezelsarabia-ot6tv13 күн бұрын

    Thank you lord in jesus name amen🙏🙏from saudi riyad poh blessed me oh lord🙏🙏🙏

  • @eduardrivera1851
    @eduardrivera185113 күн бұрын

    Maraming salamat po Panginoon Hesus Cristo pinupuri ka po namin Panginoon Diyos Amen holy Mama Mary of Manaoag Mother of God, Saint Padre Pio ipanalangin nyo po kami at ilayu sa kapahamakan at mga sakit at gabayan araw araw at pagpalain nyo po kami Amen 🙏 ❤️ 💛

  • @estrellarombano4230
    @estrellarombano423013 күн бұрын

    Good morning PANGINOON JESUS CHRIST. THANK you for ALL MY blessings LORD. Mula pa NOONG isinilang Ako at Naging ULILA And now BALO. Thank you LORD sa lahat Ng pagsubok sa BUHAY ko. I need you so much LORD I'm. I'm so stressed I'm totally alone. HAVE mercy on me LORD. Forgive me LORD for all MY SIN up to now patuloy nagkasala sa iyo panginoon. . Amen

  • @estrellarombano4230
    @estrellarombano423013 күн бұрын

    Good morning MAMA MARY INA NG AWA MOTHER OF THE WAY. Mother of the church. PRAY FOR ME MAMA MARY. LEAD ME MAMA MARY to your Loving Son. Amen AMEN

  • @elisagravador8722
    @elisagravador872213 күн бұрын

    Israel Na Bayan Ng Diyos, Papurihan Mo Siyang Lubos Amen 🙏

  • @user-yw6om6sz4m
    @user-yw6om6sz4m13 күн бұрын

    Lord maraming salamat po sa biyaya na binibigay niyo sa amin sa araw-araw at sa paggabay niyo sa aking pamilya sa araw-araw at sa mga anak ko sa napoli bigyan niyo po ng kalakasan ng katawan ng mga anak ko at saka sa trabaho nila lord Amen Lord ❤️❤️❤️🙏🙏

  • @user-ll9mn4gx3r
    @user-ll9mn4gx3r13 күн бұрын

    Saint Padre Pio Hear our prayer in Jesus name Amen 🙏🙏🙏

  • @HerminiaAmper-fw7yq
    @HerminiaAmper-fw7yq13 күн бұрын

    THANKS GOD THE FATHER FOR ALL THE BLESSINGS THAT YOU HAVE GIVEN TO US SORRY GOD THE FATHER SA MGA KASALANAN KO TODAY YESTERDAY AND TOMORROW FOR ALL MY LIFE GOD IS GOOD ALL THE TIME ALL THE TIME GOD IS GOOD IN JESUS NAME AMEN TO GOD BE THE GLORY ALELUYA ❤❤❤

  • @elisagravador8722
    @elisagravador872213 күн бұрын

    Panginoon, Dinggin Mo Po Ang Aming Panalangin Amen 🙏

  • @lillyfurtado3516
    @lillyfurtado351613 күн бұрын

    Bless whole world family peace love goodness blessings

  • @amyg882
    @amyg88213 күн бұрын

    Thank you Our God, Lord, Mama Mary and Holy Spirit🙏❤️

  • @HerminiaAmper-fw7yq
    @HerminiaAmper-fw7yq13 күн бұрын

    MAPALAD TAYONG LAHAT MAY MGA PARI NA LAGING NAGMIMISA SA ATING LAHAT BIGYAN MO PO SILA NG GOOD HEALTH WEALTH AND PROTECTION SORRY GOD THE FATHER SA MGA KASALANAN KO TODAY YESTERDAY AND TOMORROW FOR ALL MY LIFE GOD IS GOOD ALL THE TIME ALL THE TIME GOD IS GOOD IN JESUS NAME AMEN ❤❤❤

  • @lillyfurtado3516
    @lillyfurtado351613 күн бұрын

    St padreo pio pray for our family members

  • @JoseMindo
    @JoseMindo13 күн бұрын

    Ang,,,aking adhikain Tula,,, today...ay handug ko Po...sa inyong Lahat,,,at higit sa Lahat,,, Ang Tula Ko'y Hindi galing sa akin,,,kondi galing sa diyos,,, Ako y pahaan ng iyong bulubundukin at kapatagan at kadagatan at...akoy lumulohod at yumuyoko sa tinig Ng iyong pangalan... sangalan Ng ama anak at spirito Santo,,, Amen...

  • @HerminiaAmper-fw7yq
    @HerminiaAmper-fw7yq13 күн бұрын

    MAPALAD SINA ARIEL AT ARIES NA MAY GOOD HEALTH WEALTH AND PROTECTION SORRY GOD THE FATHER SA MGA KASALANAN NILA TODAY YESTERDAY AND TOMORROW FOR ALL THEIR LIFE IN JESUS NAME AMEN GOD IS GOOD ALL THE TIME ALL THE TIME GOD IS GOOD IN JESUS NAME AMEN ❤❤❤

  • @estrellarombano4230
    @estrellarombano423013 күн бұрын

    PANGINOON JESUS CHRIST tinataas KO po sa iyo panginoon Ang family Ng BUGTONG Kong anak nawa LORD mapatawad Ako sa mga kásalanan ko sa kanila. PANGINOON JESUS CHRIST maalala NAWA NILA ako. Amen

  • @vllnva.bongbong8722
    @vllnva.bongbong872213 күн бұрын

    Maraming maraming salamat po, Ama naming Panginoon sa mapagpalang araw na ito ng martes na inyo pong kaloob kaisa ng di-mabilang na pagpapala para sa aking pamilya at mga kapatid sa pananampalataya, Amen....

  • @user-ci9oc5yq1i
    @user-ci9oc5yq1i13 күн бұрын

    Thank you Lord Jesus christ Amen

  • @anastacioserrano3995
    @anastacioserrano399513 күн бұрын

    Salanat Sa Diyos. Amen 🙏🏻🙏🏻🙏🏻🙏🏻🙏🏻

  • @estrellarombano4230
    @estrellarombano423013 күн бұрын

    SALAMAT SALAMAT sa DIOS amen AMEN

  • @user-br6ff5vq7t
    @user-br6ff5vq7t10 күн бұрын

    Padre Pio, Amen 🙏🏼❤️

  • @VangieCaparasVangieCaparas
    @VangieCaparasVangieCaparas13 күн бұрын

    Thank you Lord.Amen🙏🙏🙏

  • @avelinareal3296
    @avelinareal329613 күн бұрын

    pinupuri ka namin Panginoon.

  • @user-mx6fx5ns1y
    @user-mx6fx5ns1y13 күн бұрын

    Salamat sa Diyos 🙏🙏🙏💓

  • @avelinareal3296
    @avelinareal329613 күн бұрын

    Itinaas namin sa Panginoon ,

  • @victoriadelrosario3620
    @victoriadelrosario362013 күн бұрын

    Mahal na padre pio gabayan mot pag palain mo po kami hiling ko po at dalangin ko sa inyo kalasan pot kagalingan mula ulo hangang sa talampakan ibig kong pong gumalin na tuhud at talampakan maraming salamat po

  • @andresnavarro2423
    @andresnavarro242313 күн бұрын

    Thank you lord ❤

  • @JoseMindo
    @JoseMindo13 күн бұрын

    Amen 🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏

  • @user-mx6fx5ns1y
    @user-mx6fx5ns1y13 күн бұрын

    Special intention for my healing Corazon Rivera

  • @jaypeepugahan2280
    @jaypeepugahan228010 күн бұрын

    AMEN.

  • @litta2043
    @litta204313 күн бұрын

    Magandang umaga pong muli sa inyong lahat mahal na panginoon mahal na ina ng laging saklolo mahal napadre pio at lahat ng mga santo at santa narito po akong muli at humihingi ng tawad sa lahat ng aking mga kasalanan at muli po kaming nagpapasalamat at kami ay muli ninyong ginising sa umagang ito kaya po walang hanggang pasasalamat at kami ay nagising sa arawaraw at ngayon po ay muli kaming humihingi ng gabay at patnubay sa inyong lahat na kami ay gabayan para sa aming maganak lalo po ako na marami ng nararamdamangsakit sa buong katawan kaya po hiling ko sa inyong lahat na ako ay haplusin ninyo ng inyong mapghimalang mga kamay ng sa gayon po ay mawala ang lahat ng sakit na aking nararamdaman sa aking buong katawan pati na po itong aking companyo anak manugang apo at lahat ng mahal ko sa buhay at ngayon po ay muli akong humihingi ng gabay at patnubay para dito sa dalawa kong anak na sila ay gabayan sa kanilang arawaraw na pagtatrabaho at paglalakbay ng sa gayon po ay makauwi ng ligtas sa kanilang pamilya at ito pong isa ay inihihingi korin ng gabay at patnubay na siya ay mailayo ninyo sa kanyang masamang bisyo na ipinagbabawal na gamot ito po ay hiling at dalangin ng isang ina na nagsusumo atnagmamakaawa sa inyong lahat na ako ay matulungan ninyo dito sa problemang ito sa aking anak na siya ay mapalayo sa bisyong ito na ipinagbabawal na gamot at mailayo rin sa mga taong siyang naglululong sa bisyong ito kaya po mahal na ama saiyo na lang ako nagmamakaawa at naninikluhod na sana ay ipagkaloob ninyo sa akin itong aking hiling at dalangin sa inyong lahat alam ko po naman na walang impossible sa inyo pag kayo ang maygawa kaya po walang hanggang pasasalamat namin sa inyong lahat alamko po na lagi kayong nasa aming tabi laging handang tulungan sa orasoras arawaraw kaya po ako ay walang sawang humihingi ng biyayang ipagkakaloob ninyo sa amin ang biyayang siksik liglig at umaapaw na biyaya kaya po maraming marami pong salamat muli sa lahat ng tulong na inyong ipinagkaloob sa amin

  • @avelinareal3296
    @avelinareal329613 күн бұрын

    Amen

  • @user-mx6fx5ns1y
    @user-mx6fx5ns1y13 күн бұрын

    Special intention for my Family Corazon Rivera

  • @thelmabalasico4019
    @thelmabalasico401913 күн бұрын

    ANO po ang GCash no ng Padre Pio shrine. Lng padadala po ako ng jaunting donation- salamat po

  • @YollyDejesus
    @YollyDejesus13 күн бұрын

    Mahal na Santo Padre PIO gabayan nyu Po at pakaingatan sa aking operasyon sana Po walang kulani papo ako sa kilikili para maging maganda Po ang aking resulta Ng ibabaiopsy maraming salamat Po Amen

  • @avelinareal3296
    @avelinareal329613 күн бұрын

    Salamat sa Dios

  • @titamabborang1389
    @titamabborang138913 күн бұрын

    Amen

Келесі