Bagong Pilipinas Hymn | Panahon na ng Pagbabago | Minus-One | Instrumental

Subscribe 👉 / ilovepangasinan
Memorandum Circular (MC) No. 52, signed by Executive Secretary Lucas Bersamin on June 4, directs all heads of all NGAs and instrumentalities to ensure that the Bagong Pilipinas Hymn and Pledge are properly disseminated within their respective institutions and offices.
To instill the principles of the administration's brand of governance among government workers, Malacañang has directed all national government agencies (NGAs) and instrumentalities, including government-owned or -controlled corporations (GOCCs) and educational institutions, to recite the Bagong Pilipinas Hymn and Pledge in their weekly flag ceremonies.
Section 18 of Republic Act (RA) No. 8491 or the “Flag and Heraldic Code of the Philippines” directs all government offices, including local government units (LGUs), to conduct a flag-raising ceremony every Monday morning and flag-lowering ceremony every Friday afternoon.
BAGONG PILIPINAS HYMN
PANAHON NA NG PAGBABAGO
Panahon na ng pagbagago
Dahil sa ito ay kinakailangan
Tayo na magtulong-tulong
Na paunlarin ang mahal nating bayan
Panahon na ng pagbagago
Dahil sa ito ay kinakailangan
Tayo na magtulong-tulong
Na paunlarin ang mahal nating bayan
Panahon na ng pagbagago
At iayos ang mga dapat ayusin
Dapat lang maging tungkulin
Ng bawat mamamayan dito sa atin
Gawin ang pagababago
Patungo sa pag-asenso
Magsikap ng mabuti
At nang guminhawa tayo
Ipagmalaki natin sa mundo at ipamalas
Ang Bagong Pilipino at Bagong Pilipinas
Panahon na ng pagbabago
Tangkilikin natin ang sariling atin
At tama lang na ugaliin
Kaysa sa iba sa atin ang unahin
Panahon na ng pagbabago
At manguna sa kahit anong larangan
Ang tagumpay ay karangalan
Ialay o ihandog natin sa bayan
Ilang ulit nang napatunayan ng Pilipino
Ang husay at lakas, kagandahan, at talento
Handang makipag paligsahan kahit anong oras
Ang Bagong Pilipino, at Bagong Pilipinas
Panahon na ng pagbabago
Buhay natin ay gawing maaliwalas
Marami ang magandang bukas
Ang ibubunga ng Bagong Pilipinas
Gawin ang pagbabago
Patungo sa pag-asenso
Magsikap ng mabuti
At nang guminhawa tayo
Ipagmalaki natin sa mundo at ipamalas
Ang Bagong Pilipino at Bagong Pilipinas.
PANAHON NA!
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------
BAGONG PILIPINAS PLEDGE
PANATA SA BAGONG PILIPINAS
Bilang Pilipino, buong pagmamalaki kong isasabuhay ang Bagong Pilipinas.
Buhay sa aking dugo ang lahing dakila, magiting at may dangal;
Palaging dadalhin sa puso, isip at diwa ang aking pagmamahal sa kultura at bayang sinilangan;
Kaisa ng bawat mamamayan, iaalay ko ang aking talino at kasanayan sa pagpapaunlad ng aking Bayan;
Taglay ang galing na naaayon sa mga pandaigdigang pamantayan;
Magiging instrumento ako sa pagsulong ng kagalingan, karunungan at kapayapaan.
Makikiisa at makikilahok ako sa mga adhikain ng pamamahalaan dahil ang kaunlaran at hindi lamang responsibilidad ng iilan.
Isusulong at pangagalagaan ko ang karangalan, Kalayaan at interes ng aking bayang minamahal; Bilang Pilipino na may pagmahahal, pakilam at malasakit; hindi makasarili kundi para sa mas nakakarami; tatahakin ko ang landas tungo sa isang Bagong Pilipinas!
----------------------
#DepEdMATATAG #bagongpilipinas #BagongPilipinasHymnandPledge #BagongPilipinasPledge
#BagongPilipinasHymn #BagongPilipinasHymnLyrics #PanahonNaNgPagbabago

Пікірлер: 5

  • @setmyspiritfreecommunity9886
    @setmyspiritfreecommunity9886Ай бұрын

    Mahusay, Ako ay Bagong Pilipino.

  • @yelenaalcones4610
    @yelenaalcones4610Ай бұрын

    Ok lang yan as a Hymn. Ang Philippines National Anthem ay hindi na babaguhin as it is kay ganda ng ating national Anthem.

  • @starkimage_jrs7710
    @starkimage_jrs7710Ай бұрын

    The old one is better.

  • @carlosnatavio5438
    @carlosnatavio5438Ай бұрын

    I Love Pangasinan...but not the Adiktator and cohorts.

  • @EdnaLayba-py2si
    @EdnaLayba-py2siАй бұрын

    Di maganda. Maganda pa rin yung dati.