"Ako ang Pulileño - 2018 Version" (Pulilan, Bulacan Hymn)

AKO ANG PULILEÑO
(Pulilan Hymn)
(Mun. Resolution # 85-1999)
Titik at Musika ni: G. Boysi Castillo
I
Nagmula ako sa maliit at tahimik na bayan
Na kung tawagin nino man mahal naming Pulilan
Iminulat sa murang isip namin ng magulang
Paggalang at takot sa Diyos kabutihan ng asal
Koro:
Ako ang Pulileño
Maysipag at tiyaga, makataong totoo
Ako ang Pulileño
Saan man ako naroroon
Isip diwa ko’y nakatuon
Pulileño ako sa habang panahon
II
Luntian ang paligid ng mahal naming bayan
Sariwang simoy ng hangin malalanghap ng sino man
Kumakaway ang uhay ng tanim sa palayan
Magpasalamat tayo sa ating Dakilang Poong Maykapal
( Ulitan ang koro )
III
Mano po tatay, nanay ang bati ng mga bata
Pagpalain kayo ng Diyos ang sagot ng matatanda
Magandang umaga, tanghali, gabi ito’y pasimula
Ng masaya naming kumustahan sa bayan kong pinagpala
( Ulitin ang koro)
Saan man ako naroroon
Isip, diwa ko’y nakatuon
Pulileño ako sa habang panahon
Pulileño ako, Pulileño ako, Pulileño ako
Sa habang panahon

Пікірлер: 4

  • @atiadjt
    @atiadjt3 жыл бұрын

    Lumbac represent! Proud Pulileño here! 😁

  • @stephennangalang7974
    @stephennangalang79742 жыл бұрын

    Thank you so much this video awesome City of pulilan and i subcribe this channel And ring bell turn on notification dami building At pulilan and i like this video Pulilan in this country PHILIPPINES 🇵🇭 Thanks make create this awesome video

  • @andreaclairedj6134

    @andreaclairedj6134

    Жыл бұрын

    salamat po

  • @Alexroman2p-re2

    @Alexroman2p-re2

    5 ай бұрын

    Hindi po city Ang pulilan Ang pulilan ay isang bayan lang