1st Place (Division Level), 2nd Place (Regional Level)- Regional Level Songwriting Competition

BAYANING MAGAYON
Kanta Ni: Precious Lara A. Dahug
Written by: Stonether Gueverra
Composition Arranged by: Marydane A. Liquido
Coach: Maricel I. Duroca
Special Program in the Arts Coordinator: Sixteen L. Charcos
School Head: Ronald Allan A. Arcayera, PhD
Verse 1
Sa unang pagmulat
Sa mga matang kumukislap
Ina't itay ang binigkas
Sa pagdaan ng panahon
Naging isang malaking alon
Itay tumungo sa ibang tahanan
Katapatan ng bawat isa ay iniwan
Pagmamahalan ay binitawan
Tanong kay Itay
"bakit mo'ko iniwan?"
Chorus
Bangon. Bayaning magayon
Para bukas ay makaahon
Sa masakit na kahapon
Dahil buhat ay isang hamon
Verse 2
Tatlong yapak na lumalakbay
Dalawa nalang ang umaakbay
Lungkot, walang lumbay
Nasaktan man at nalugmok
Sa ngiti mo ako'y nagkabuhay
Ina'y aking ilaw, sa gabing naliligaw
Yakap mo ang kailangan
Habang buhay, aalagaan
Sanggalan sa puso
Na walang laban
Inay, tayo ay lalaban
Chorus
Bangon. Bayaning magayon
Para bukas ay makaahon
Sa masakit na kahapon
Ito’y isang hamon
Bridge
Pagmamahal na dakila
Hindi maipagkakaila
Sakripisyo mo'y nasa puso, isip, diwa
Maging sa huling pagmulat
Alaalang ay iuulat
Dugo at pawis isisiwalat
Ikaw ang bayaning magayon tapang sa mulat
Chorus
Bangon. Bayaning magayon
Para bukas ay makaahon
Sa masakit na kahapon
Ito’y isang hamon
Bangon. Sa mundong mapanghamon
Para bukas ay makaahon,
Sa masakit na kahapon
Inay, bayaning magayon
-End-

Пікірлер